01

1 0 0
                                    


"Ang aga naman!" reklamo ko at tsaka tumayo para kuhanin ang cellphone ko sa side table dahil kanina pa ito nag-riring.

"Good morning ate!" malakas na bati ng kapatid ko kaya naman nailayo ko agad ang cellphone sa tenga ko.

"What now?" inis na sagot ko dahil inabala niya ang pagtulog ko.

"Hindi ka ba papasok?" tanong niya.

"Intrams lang naman eh, so hindi." sagot ko naman.

Ngayon kasi ay may laban ang school namin laban sa ibang school. Mayrong basketball, volleyball, badminton, meron ring billiards.

"Pero sayang ang attendance, attendance is a must ate." sabi niya kaya naman tumayo ako sa kama ko at dumiretso sa banyo para mag hilamos.

"Ayoko, nakakatamad. Wala namang gagawin, ipapahinga ko na lang-"

"Can you do me a favor ate?" I knew it.

I sighed. "Ano na naman yun Ciara Maureen?"

"Eh kasi ate nakalimutan ko na may laro pala sila Axl ngayon-"

"Tigilan mo ko Ciara, inabala mo talaga ang tulog ko para na naman d'yan sa lalaking 'yan." seryosong usal ko at tsaka naglagay ng toothpaste sa toothbrush ko.

"Please ate, last na 'to, promise. I just need to give him an energy drink you know, and a towel kasi mapapawisan siya later pag naglaro na sila." malambing niyang sabi, halatang inuuto ako para sundin ang gusto niya.

"Malamang pagpapawisan talaga yun, maglalaro yata siya ng basketball eh," sarkastikong sagot ko naman. "At tsaka hindi mo na responsibilidad na dalhan siya ng towel at inumin, ano ka ba niya? Girlfriend? Hindi naman diba?"

Dinura ko sa may sink ang bula mula sa bibig ko at tsaka nagmumog. Pagkatapos nuon ay kinuha ko ang mouthwash at tsaka iyon minumog.

"Hindi...pa," sagot niya na dahilan para maibuga ko ang nasa bibig ko.

"Ano?! Ang ibig mo bang sabihin ay nililigawan ka niya?!" medyo pasigaw na sabi ko.

Ciara is my sister, and best friend also. Isang taon lang ang tanda ko sa kan'ya kaya naman halos sabay lang kaming lumaki. I love her, so much. And I will do anything for her to be happy.

"No," sagot naman niya. "I'm the one who's courting him-"

"Ano?! Nababaliw ka na ba?" lumabas ako ng banyo dahil baka marinig ako nila daddy sa labas, ma-echo pa naman dito sa banyo.

"Hay ate, I'll explain it to you later okay? But for now, I need you to go here in school and buy me an energy drink for Axl. The game was about to start na in 20 minutes." she pleaded.

Wala na akong nagawa kung hindi ang umoo sa kan'ya, maliit na sakripisyo lang naman 'to para sa kasiyahan niya.

"Fine, but I'll take a bath first." I said, defeated.

"Yehey! Thank you ate, you are the best sister in the world!" isinigaw niya iyon at buti na lang naka-loudspeaker ako.

"Ako lang naman ang ate mo," sagot ko naman.

Hindi ko na rin pinatagal pa ang pag-uusap namin dahil 20 minutes na lang ay mag-sstart na ang laro nila Axl.

Hindi ko maintindihan kay Ciara kung bakit patay na patay siya sa mokong na yun. Kung ako kasi ang tatanungin, pasok siya in physical, pero yung ugali talaga niya eh.

Masyadong colorblind si Ciara para makita niya na kulay red ang iwinawagayway niyang watawat, at hindi green.

Inalis ko na sa isipan ko iyon. Naligo na ako at nag-ayos.

Scars of Yesterday Where stories live. Discover now