"Paano namang mangyayari na may girlfriend ka na e hindi pa nga kita sinasagot," lalong napaawang ang bibig ko sa sinagot ni Ciara kay Axl!
"What?" hindi makapaniwalang tanong ni Axl.
"I was just kidding," pinilit pa rin iabot ni Ciara ang towel at energy drink kay Axl. Napabuntong-hininga na lang si Axl habang inaabot ang energy drink at towel kay Ciara.
"This is the last time Ciara, I don't want you to get into trouble with my girlfriend," sambit ni Axl na nakapag-painit ng ulo ko kaya naman bumaba ako papunta sa kanila.
"Hoy, kung may girlfriend ka na edi sana hindi mo na tinanggap yan mula sa kapatid ko." inis na sabi ko at nakita ko naman ang amuse smile sa mukha niya.
"Wait, mukhang na-misinterpret mo yata miss. Itong kapatid mo ang panay lapit sa akin, siya rin ang panay insist dito," pinakita niya ang towel at energy drink.
"Ate tama na, okay lang ano ba." pagsaway sa akin ni Ciara.
"Teka hindi ba ikaw yung kaklase ko sa isang subject?" tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "So kapatid mo pala to? Bakit hindi kayo magka-ugali?" sa tono ng pananalita niya ay para siyang nang-iinsulto. Nakakainis!
"Anong sabi mo?!" singhal ko sa kanya. "Ganito ba ang ugali ng crush ang meron ka ha Ciara?" baling ko kay Ciara na hindi rin alam ang gagawin dahil gumagawa na ako ng eksena.
"Ate tama na, balik na tayo-" napahinto si Ciara nang biglang pumiti ang referee, sign na back to the ball game na.
Inambaan ko pa si Axl bago kami bumalik sa upuan namin.
"Ate hindi mo na dapat ginawa yun. Naging center of attention pa tuloy tayo," sambit ni Ciara at hindi naman ako makapaniwalang tumingin sa kanya.
"At ano? Hahayaan ko lang na ikaw ang mapahiya sa harap ng maraming tao?" singhal ko sa kanya. "Una pa lang naman kasi ay sinasabi ko na sayo na huwag si Axl, pero mapilit ka. Hindi man lang siya marunong mag-appreciate ng efforts mo, at ganun siya trumato ng babae ha? Buti may nagkamaling pumatol sa kanya at naging girlfriend niya." inis na usal ko kay Ciara. Maiintindihan ko sana kung mabait at may respeto siya sa babae eh. Kaso wala.
"Ate he's been like that to me ever since naging crush ko siya. That's why I like him more kasi hindi niya ko pinapansin. May thrill ang pagkakaroon ko ng crush sa kanya ate." pagdadahilan pa niya kaya napairap ako.
"Kahit na, he shouldn't treat you like that. Magkaroon man lang sana siya ng respeto sa babae," inis na sabi ko pa rin.
"Thank you ate. For always protecting me," sabi ni Ciara at niyakap ako.
Napabuntong-hinga ako. Handa akong gawin ang lahat para sa iyo Ciara. Mahal na mahal kita.
"Sana maintindihan mo kung bakit nagkakaganito si ate ha? Para sayo lang din naman yun, dahil ayokong nakikitang nasasaktan ka," I tapped her head.
Nawalan na ako nang gana manuod ng laro, kaya naman nag-paalam muna ako kay Ciara na pupunta muna ako sa cafeteria para duon nagpalipas ng oras. Ayaw niyang pumayag nung una pero nung tawagan ako ng kaibigan ko na si Angelou ay wala na siyang nagawa.
"Oh bakit ba parang pasan-pasan mo na naman ang mundo. What's with that face?" salubong sa akin ni Lou pagkaupo ko sa harap niya.
"Nagkasagutan na naman kasi kami ni Axl," sagot ko naman.
"Wait, si Axl? You mean yung classmate natin sa isang subject?" gulat na tanong niya at tumango naman ako.
"OMG! Sana all!" hiyaw niya kaya naman sinaway ko siya. "So nag-kausap kayo? Oh my God! Milagro yun Cali!"
"Anong milagro dun? Eh ang kapal nga ng mukha niya," inis na sabi ko na naman. Nag-iinit talaga ang tuktok ko kapag naaalala ko yung nangyari kanina!
"I mean, sana all kasi pinansin ka na naman niya! Bihira lang kaya mamansin yun ng babae." sabi pa ni Lou. "Anong pinag-usapan niyo?"
"Hindi kami basta lang nag-usap, nag-away kami," pagmamalaki ko pa.
"What?! Bakit mo naman inaway ang baby ko," pag-iinarte niya pa sa harap ko.
Pinitik ko ang noo niya dahil mas kinakampihan pa niya yung kumag na yun kesa sa akin na kaibigan niya.
"Aray!" reklamo niya.
"Hindi ko siya inaway," pagtatanggol ko naman sa sarili ko. "Pinahiya niya ang kapatid ko kanina sa harap ng maraming tao, kaya malamang ako ang makakalaban niya."
"Ang protective mo namang ate," na-touch kunwaring sabi niya. "Pero hindi mo pa rin dapat siya pinatulan, nako kapag nalaman yan ng mga admirers ni Axl, lagot ka." pananakot niya pa sa akin, inirapan ko naman siya.
"Lahat ba kayo colorblind?" tanong ko, napakunot naman ang noo ni Lou. "Lahat ba kayo may gusto sa kumag na yun? Walking red flag eh. Walang respeto sa babae,"
"Huy grabe ka naman, baka naman he's having a bad day lang kaya ganun," pagtatanggol na naman niya kay Axl. "He's so gentleman kaya,"
I scoffed on her answer. "Kahit na nga ba masama yung araw niya, eh di sana hindi na lang niya tinanggap yung binigay ni Ciara kung may girlfriend na siya. Mixed signals din eh," hanggang ngayon ay umuusok ang ilong ko sa inis sa Axl na yan.
"Girlfriend?" takang tanong ni Lou.
"Oo, yun yung sabi niya kanina eh," sagot ko naman.
"Oh no!" malakas na sigaw ni Lou kaya naman napatingin ang lahat ng tao dito sa cafeteria. "May girlfriend na siya?! No way! It can't be-"
"Huy ano ba nakakahiya," pagsaway ko sa kanya dahil nasa amin na ang atensyon ng mga tao. May iba ding professor na nandito.
"Sorry po!" paghingi niya ng paumanhin sa mga taong nakatingin sa amin. "Grabe totoo ba talaga? As in sure ka sa narinig mo? Sa kaniya mismo nanggaling? Sa bibig niya mismo lumabas-"
"Oo nga," I cut her off. "Eh bakit ba big deal na big deal sayo ang pagkakaroon niya ng girlfriend?"
"Dahil ang dami naming nakapila," sagot niya at tsaka kinuha ang cellphone niya mula sa bag niya. "Sino kaya ang tumapos ng pila? Kung totoong may girlfriend na siya, eh di sana naka-post na yun sa lahat ng soc-med accounts niya. Pero wala eh," pinakita niya pa sa akin ang cellphone niya.
"Eh bakit ba invested na invested ka sa relationship status niya? Malay mo low-key lang sila. At tsaka kung totoo man na mayroon na siyang girlfriend, aba sana mauntog na si ate girl. Ang sama ng ugali ng boyfriend niya, kawawa naman siya." sabi ko at nakita ko naman na natigilan si Lou.
"Huy, okay ka lang?" tanong ko.
"At kung mayroon ka man ding boyfriend, sana mauntog na rin siya. Kasi ang sama rin ng ugali ng girlfriend niya eh," agad akong naestatwa sa boses na narinig ko mula sa likuran ko.
======================================================================================
:>
YOU ARE READING
Scars of Yesterday
RomanceCali Ferrer was focused on her study so much, much as well on her sister Ciara Ferrer until Axl Acosta came, Ciara's crush.
