03

1 1 0
                                    


"Sinasabihan mo akong masama ang ugali ko, while you're here badmouthing me in front of your friend. Sino sa atin ngayon ang mas masama ang ugali?" hindi ko alam kung bakit ako kinilabutan sa sinabi niyang iyon.

Pero hindi ako nagpa-sindak, tumayo ako at hinarap siya. Nilabanan ko ang mga titig niya sa akin.

"Hindi kita bina-badmouth, I'm just stating facts. Masama talaga ang ugali mo," diretsang sabi ko sa kaniya habang nakikipag-labanan ako ng titig sa kaniya.

"How well do you know me para masabi mo na masama ang ugali ko?" taas-kilay niyang tanong sa akin.

I scoffed. "Hindi ko na kailangan pang makilala ka nang lubusan para masabi ko na masama ang ugali mo. The way you treated my sister earlier, it already shows your attitude," I smirked.

He scoffed, hindi siya makapaniwala sa mga narinig. Halatang naiinis na siya pero halata rin na pinipigilan niya ang sarili niya.

"Masama na pala agad ang ugali ko dahil lang tinanggihan ko ang kapatid mo na tinanggap ko rin naman in the end?" he chuckled, but sarcastic. "I just refused to accept it because I already have a girlfriend. I just don't want your sister get into trouble if my girlfriend finds about it." he explained.

Ramdam ko ang titig sa amin ng mga tao dito sa loob ng cafeteria. Hindi agad ako nakasagot. Ako ba talaga ang mali? Nang-judge ba agad ako?


Nararamdaman ko ang pagtitig sa amin ng ibang tao dito sa loob ng cafeteria.


I heard him scoffed. Siguro ay natutuwa siya na hindi na ako nakasagot sa kan'ya.


"See? Hindi ka na nakasagot." inirapan ko siya sa sinabi niya. Ang yabang!


"Edi sana hindi mo na lang tinanggap kung may girlfriend ka na-"


"I just accepted that because ayokong masayang ang efforts ng kapatid mo," I scoffed on his answer.


"Really?" I scoffed. "Na-aappreciate mo pala yung efforts niya?" sarkastikong tanong ko.


"Eh bakit ba ikaw ang galit na galit, hindi naman ikaw yung napahiya kanina. Yung kapatid mo-"


"Exactly! Napahiya yung kapatid ko, dahil d'yan sa kayabangan mo." inis na sabi ko sa kan'ya.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 02, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Scars of Yesterday Where stories live. Discover now