PROLOGUE

413 22 0
                                    

" Oh my gosh! Natapos ko na din yung book review ko! Shuta! My gosh! Nakakaiyak!" Pagdadrama ko habang tinitingnan ang pagprint ng document ko na ipapasa ko bukas ng umaga.

" Yes to cramming talaga! Nagiging matalino talaga ako kapag cramming na lalo na at shuta puro English to!" Naiiyak na saad ko kasabay ng maarteng pagpunas ng luha sa gilid nang aking mga mata.

" Sulit yung 1 week kong pagpupuyat. Sana makapasok sa Honor list" Madamdaming saad ko sabay yuko upang makita nang maayos ang documents ko.

" ATE!" Napatalon ako sa gulat nang biglang binalibag ng kapatid ko ang pintuan.

" SHUTA!" Bulalas ko sabay hawak sa dibdib ko.

" ANO BA! ALAM MO NAMANG NERBYOSA AKO NGAYONG LINGGO NA'TO!" Inis na Sigaw ko sa kapatid kong asungot.

" Malamang paano ka hindi nenerbiyusin? Eh, Kape na yung dumadaloy sa buong katawan mo. " Sagot nito sa akin na syang ikinairap ko.

" Malamang, Duh! Grade 12 student! Stress" Sarkastikong sagot ko dito sabay pagkrus ng mga kamay ko.

" Ano, Bakit ka ba nandito?" Iritang tanong ko dito.

" Pinapasabi ni Mama matulog ka na para manahimik ka na. Umagang-umaga ang ingay-ingay mo atsyaka isa pa ah. Ayusin mo nga yung kwarto mo! Nangangamoy na jusko! " Reklamo nito sabay takip sa ilong nya.

" Lintik ka! Anong oras na ba?" Tanong ko dito na syang ikinairap nito.

" Hindi ba obvious? Nakaligo na ako at nakadamit na lahat-lahat. 5:30 am na. Tanga nito!" Sarkastimong sagot nito na syang ikinabuntong hininga ko nalang.

" Oo na, Oo na. Matutulog na. Teka, Pahingi pa nga ng kape" Utos ko dito sabay wasiwas ng kamay ko.

" Oyy! Kapal ng mukha nito. Ikaw na magtimpla ng kape mo!" Reklamo ba syang ikinairap ko nalang.

" Sino panganay sa ating dalawa?" Tanong ko dito na syang ikinairap nito.

" Ikaw, Mukha ka ng gurang eh!"

"ABA  BASTOS NA!"

Babatuhin ko sana ito ng stress ball ng biglang tumakbo ito paalis ng kwarto.

"  Lintik na bata iyon ah. Gurang? Ang fresh ko kaya!" Saad ko sa sarili ko sabay tingin sa salamin.

~Pimple sa noo, dry skin, malaking eye dark circle. At namamalat na labi.~

" Maganda pa din naman ako"  Saad ko sabay hawak sa mukha ko.

Ganda-ganda ko kaya. Cute pa!

" Tsk! Hindi talaga marunong tumingin ng kagandahan ang mga lalaki" Ang Tanging nasabi ko nalang bago tumingin sa screen ng computer ko.

" Isulat ko na nga yung Moral of the story" Hikab na saad ko at umupo.

Napatingin ako sa keyboard at bigla na lamang ako nakaramdam ng hilo at pagkabigat ng ulo. Bumibilis na rin ang tibok ng puso ko at pinagpapawisan na rin ako ng Malamig.

" Shuta! Anong nangyayari?" Nahihilong saad ko sabay punas ng malamig kong pawis.

" Iiglip muna ako" Tanging nasabi ko habang dahan-dahan tumayo mula sa pagkakaupo at pumunta sa kama ko.

" 15 minutes lang" Bulong ko bago ako tuluyang lamunin ng antok.

~

" Duke Hermon, Babae po ang anak nyo at nakikiramay ako sa pagkawala ng asawa nyo"

' teka ano yon?'

Shuta! Nanonood na naman si Jeric sa kwarto ko!

" Uwaahhhh!!!"

"Umiiyak yung sanggol!"

'Shuta? Anong nangyayari? Bakit ganon yung lumabas sa bibig ko'

Dahan-dahan kong dinilat ang mata ko at shutaness...... Nasaan ako?

FOLLOW THE VILLAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon