Chapter 15: I have the whole mansion on my side

64 5 1
                                    


Tahimik na bumalik ako sa aking kwarto, Wala akong nakita ni isang tagapagsilbi sa pasilyo at ang tagapagsilbi na inatasan na samahan at bantayan ako habang nag-aaral eh..... iniwan ko sa silid ng mga medisina.

" Bakit kaya wala akong  nakitang tao?" Bulong ko na lamang sa sarili at walang lakas na ibinato ang sarili sa kama.

" Namimiss ko na si Mama" Bulong ko habang nakasubsob ang mukha ko sa kama. Sa panahon na nag-iisa ako at kinakawawa ako ng bruha na iyon. Namimiss ko ang mama ko na laging nag-aalaga at nagtatanggol sa akin kapag naagrabyado ako. Ito ang una beses na nasaktan ako sa mundong ito at dahil doon namimiss ko si Mama pati na rin si Papa para sapakin  nya yung walang kwentang Duke at yung dumbledore.

" Susunugin ko talaga yung libro kapag bumalik ako" bulong ko at dahan-dahan iniangat ang sugat na wala pang benda.

" Huwag naman sana magpeklat" Saad ko habang hinihipan ang sugat ko. Hinihipan ko lamang ito ng may biglang kumatok sa pintuan. Agad ako napatingin sa pintuan dahil sa tunog na nanggaling dito.

Ilang sandali lamang at bumukas ang pintuan at pumasok ang tagapag-alaga ni Daisy na si Perla.

" Perla" tanging tawag ko dito at sa hindi ko malamang dahilan bigla na lamang akong umiyak at naramdaman ko na lamang ang yakap nya.

I don't know what happened pero nang makita ko si Perla bigla na lamang akong umiyak. Alam nyo yung pakiramdam ng isang batang nadapa at umiyak ng makita ang mga magulang nyang tumatakbo papalapit sa kanya. Ganoon ang nararamdaman ko para akong nagsusumbong sa magulang ko. Pero hindi ko masabi at sa iyak ko na lamang nadadaan.

Bakit ba ako umiiyak... Nakakahiya...

" Munting binibini, tahan na. Hindi dapat lumuluha ang isang magandang bata" Pang-aalo nito sa akin na syang mas nagpaiyak pa sa akin.

" Uwahhhhhh... Perla" Iyak ko nalang at niyakap sya.

I'm sorry Perla, I cant tell it. It's hurts!

" Sino ba ang nag-away sa ating munting binibini at umiiyak sya" Malambing na tanong ni Perla na syang mas kinaiyak ko.

" S-si....Ssss-i..Hick! Si Binibining Olsen" Hikbing saad ko at pinakita ang dalawa kong kamay na namamaga at puno ng sugat.

" G-ginawa nya to"

*********
Third person pov

" Sa umpisa palang talaga hindi na maganda ang dugo ko sa babaeng iyon!" Naiinis na saad ni Perla sa Head Butler ng mansyon na si Draco.

" Kahit ako rin naman, hindi rin maganda amg pakiramdam ko sa kanya. Hilatsya palang ng mukha nya halatang hindi na gagawa ng maganda" Pagsang-ayon ni Draco dito.

" Kung ganun pala ang nararamdaman mo bakit hindi mo agad sinabi sa Mahal na Duke o di kaya ay gumawa ka ng paraan upang hindi maging maestra ng munting binibini ang babaeng iyon!" Naiinis na sagot ni Daisy kay Draco.

Ang dalawa ay nasa labas ng pasilyo nang silid ni Daisy. Dito na sila naabutan ng pag-uusap dahil ayaw lumayo ni Perla sa kanyang munting binibini lalo na ag inaapoy na ito ng lagnat.

" Akala mo ba wala akong ginawa? May ginawa ako! Sinabihan ko ang Mahal na Duke tungkol sa babaeng iyon. Binigyan ko sya ng babala sa maaaring mangyari sa munting binibini kapag sya ang nagturo dahil alam naman nating may reputasyon at nakaraan si Binibining Olsen sa Mahal na Duke at sa Namatay na Dukesa!" Pagdedepensa ni Draco sa kanyang sarili.

" Oh! Tapos? Anong nangyari? May nangyari ba? Napigilan ba? Alalahanin mo Draco nakailang beses na nagturo si Binibining Olsen sa munting binibini at laging hindi maganda at may nasasabing hindi maganda ang bruha na iyon sa kanya. Noong nakaraang pagkikita nila pinagawa sya ng mga takdang-aralin na hindi angkop sa edad nya at ngayon ang ginawa nya ay ang saktan ang munting binibini! Huwag na huwag nyo sa aking sabihin na nasobrahan lamang ang babae na iyon sa pagdidisiplina dahil kahit sa anong anggulo mo tingnan. Pang-aabuso ang ginawa nya!"

Natahimik si Draco sa sinabi ni Perla dahil kung tutuusin ay may punto nga ito. Dapat ay mas ginalingan pa nya o di kaya ay dapat sya nalang ang gumawa ng paraan upang hindi na matuloy si Binibining Olsen sa mansyon. Kahit madumihan man nya ang kanyang mga kamay.

" Anong gusto mong gawin ngayon?" Tanging natanong na lamang ni Draco kay Perla.

Tumingin si Perla nang diretso kay Draco at isang ngisi ang gumihit sa kanyang mga labi.

" May nagawa na kaming plano"

" Sinong kayo?" Gulat at naguguluhang tanong ni Draco rito.

" Sa tingin mo Draco tayo lamang dalawa ang nag-aalala sa munting binibini? Ang lahat ng tao sa mansyon ay nag-aalala rin, lalo na at ibinalita ng tagapagsilbi na kasama ng munting binibini sa silid-aralan ang lahat ng pangyayari. At sa nalaman ko at nalaman nila. Bibigyan namin si Binibining Olsen ng isang karanasan na hinding-hindi nya malilimutan"

*******
Nagising ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mga mata ko. Dahan-dahan kong idinilat ang aking mga mata at tumingin sa kanang bahagi ng aking kama kung saan naroon si Perla na nakatulog na kakabantay sa akin.

' Thank you Perla'

Tumingin ako sa mga kamay ko at ang lintik na! Namamaga pa sya at mukhang magkakaimpeksyon pa ata! Irereport ko talaga sya sa bantay bata kapag naputulan ako ng kamay!

" Munting Binibini! Gising ka na pala. Maayos na ba ang iyong pakiramdam? Nahihilo o nanghihina ka pa ba? Eh, yung kamay mo? Masakit ba? Sandali lamang at kukunin ko ang gamot na pinahanda ko sa manggagamot kagabi. Iiwanan muna kita munting binibini" mabilis at sunod-sunod na saad ni Perla bago nya akong tuluyang iwanan sa loob ng kwarto ni Daisy.

Hindi na ako nakasingit dahil sa sobrang billis at walang hingahang pagsasalita. Pwede syang maging rapper sa sobrang bilis!

Pero back to our concern ang sakit talaga ng kamay ko at mas namaga pa nga ata eto kesa sa kahapon. Hindi ko alam kung swerte ba ito o malas eh. Swerte dahil hindi ko makikita ang mukha ni Binibining Olsen o Malas dahil hindi ako makakahawak ng libro!

" Aissshhh...May tulfo kaya dito?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FOLLOW THE VILLAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon