HINDI makapaniwalang nakatingin Si Venus sa screen at binabasa ang bawat salitang nakasulat dito.
Lahat ay nag sasaya habang Si Venus at Orion ay walang ideya sa nangyayari. Pareho silang nagkatingan sa isa't isa at sabay na napailing.
Gustong magwala ni Orion at tanungin kung ano ang nangyayari ngunit ayaw niyang mag eskandalo kaya kusang umalis siya sa gitna at hinanap ang Ama.
Habang Si Venus ay nanatiling nakatingin sa screen at tila nanglulumo bago lumingon kung nasaan ang mga magulang.
"Kung dadating ang oras na muli naming panghawakan ang buhay mo ay huli na 'yon at pakakawalan kana namin."
"Kung dadating ang oras na muli naming panghawakan ang buhay mo ay huli na 'yon at pakakawalan kana namin."
"Kung dadating ang oras na muli naming panghawakan ang buhay mo ay huli na 'yon at pakakawalan kana namin."
Nagpaulit-ulit sa tenga ni Venus ang salitang binitawan kanina ng kaniyang Ama. Ito ba ang ibig niyang sabihin....
Sabay-sabay na pumatak ang mga luha niya habang nakatingin sa Ama at Ina niya na ngayon ay hindi makatingin sakanya ng diretso.
Para hindi makagawa ng eskandalo at kahihiyan ay umalis siya sa kinatatayuan niya at lumabas ng Venue na agad namang hinabol ng mga magulang niya.
Patuloy sa pagtakbo Si Venus palabas ng venue kahit hirap na hirap siya sa suot niyang gown.
Hindi siya magkandamayaw sa pag-iyak dahil sa natuklasan. Nakarating siya sa isang garden at pabagsak na napaluhod dahil sa panghihina.
Buong buhay ko ay hawak na ng magulang ko ang kalayaan ko. Nagpaubaya ako kapalit ng mga kasiyahan ko bilang bata para masabing mabuting Anak.
Lahat-lahat binigay ko, sinunod ko sila pero hindi ko akalain na dadating sa puntong magpla-plano sila na ipakasal ako sa isang lalaki na hindi ko naman mahal.
Hindi nila hiningi ang permisyo ko hindi nila nirespeto ang kagustuhan ko.
"Venus Anak ko."
Napapikit ng mariin Si Venus nung marinig niya ang boses ng Ina. Tinulungan siyang tumayo nito ngunit sinalag niya ang tulong nito at kusang tumayo at nanatiling nakatilod pa rin sakanila.
Hindi ko alam kung paano ko sila haharapin kasabay ng galit ko.
"Anak hayaan mo kaming magpaliwanag."
Napailing lamang Si Venus sa sarili at na natiling umiiyak.
"Sasabihin naman namin sa'yo ito e' pero alam namin na hindi ka papayag kaya kami na ang nag desisyon." rinig niyang usal nang Ama.
Hindi na siya nakapagtimpi pa at nilingon niya ang mga ito at hindi mapigilan ang magalit kasabay ng pagiyak.
"Sasabihin niyo naman?! Naririnig niyo ba ang sarili niyo? Nagdedesisyon kayo sa buhay ko na wala akong kaalam-alam." galit na sigaw ni Venus sa mga ito.
Bakas ang gulat ng Ama at Ina ni Venus dahil ngayon lang nila makitang magalit ang Anak na nakasanayan nilang makita na laging nakangiti.
"Venus wag mo kaming pagtataasan ng boses." may halong galit na usal ng Ama ngunit hindi iyon nagpatinag kay Venus.
"Kaya niyo ba laging pinaguusapan ang tungkol sa kasal dahil matagal niyo na 'tong plano?" umiiyak na tanong ni Venus.
Hindi nakasagot ang mag asawa na pekeng kinatawa ni Venus.
BINABASA MO ANG
The Unhappy Marriage Of Us (COMPLETED-UNEDITED)
RomancePeople believe that marriage is myth of beautiful box full of the things that they wish for; Love, companionship, friends, and intimacy but the truth is-marriage is like a prison and the worst part is there is no parole for this.