18

125 8 4
                                    

"O-Orion ang pangalan mo hindi ba?"

"Oo."

"Rising in the sky..."

"Ikaw. Venus ang pangalan mo hindi ba?"

"Oo."

"The brightest planet in the night sky."

.........

PUMATAK ang luha sa mata ni Venus. Mahimbing na natutulog ito at ang mga makina lamang ng Hospital ang nagsisilbing ingay sa silid kung nasaan siya.

Dahan-dahan na nagmulat ito ng mga mata. Ang puting kisame lamang ang kanyang nabungaran.

Patay na ba ako?

Nasa langit na ba ako? Imposible.

Nilibot ni Venus ang paningin sa loob ng silid at napabuntong hininga siya nung marealize niya kung nasaan siya.

Hindi pa ako patay kase nasa Hospital pa ako.

Inaangat ni Venus ang kamay niya at nakita pulsunan niya na mayroong benda.

Naalala niya ang lahat na nangyari kung bakit siya nasa Hospital nung mapatitig siya sa kamay niya, at naalala niya rin ang panaginip niya kanina kung saan normal pa ang lahat.

Malalim na napabuntong hininga siya at tinitigan ang kisame habang naalala niya ang mga senaryo.

.........

"Tatanungin kita ngayon. M-Mahal mo ba Si Arym Sagutin mo ako." nanginginig na tanong ni Venus.

Hindi siya handa sa sasagutin ng Asawa, tila gusto niyang bawiin ang tanong dahil natatakot siyang marinig sagot ngunit huli na.

"Oo, Venus. Mahal ko Si Arym. Mahal na mahal ko siya." may diin na sagot ni Orion.

"Paano ako-"

"Magkaka-anak na kami."

"Ha..."

........

MULING tumulo ang luha sa mata ni Venus nung maalala niya iyon.

Hinihiling niya na sana panaginip lang ang lahat pero hindi, kase totoo ang lahat.

Totoo na hindi siya mahal ni Orion, Totoo na may iba itong mahal, at Totoo na magkaka-anak na 'to sa iba.

Nagpatuloy sa pagpatak ang mga luha ni Venus na tila ba wala ng bukas.

My whole world seems shattered, and my heart feels torn away. In fact, it is much more terrible, heart-wrenching, and painful than being burnt alive into ashes.

I feel betrayed all over again. Sobrang sakit because I always imagined we would become first-time parents together and live happily ever after, but life isn’t always a fairytale.

Lahat ng pangarap ko para saming dalawa ay gumuho at yung dedikasyon na gusto ko pang lumaban sa sakit ko ay naglaho.

Nung araw na pinagtangkaan ko yung buhay ko ay wala na akong magandang maisip kung bakit kailangan ko pang mabuhay.

Walang wala na ako. Lahat ng pangarap ko dati nung hindi pa ako kasal ay nakalimutan ko na kung paano ko pa aabutin, at yung pangarap naman na binuo ko nung kinasal na ako ay ngayon ay gumuho na.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung lalaban pa ba ako o hindi na.

Iniisip ko yung magiging anak nila, hindi pa 'to nailalabas sa mundo pero magulo na ang lahat sa pagitan ng mga magulang niya at samin.

The Unhappy Marriage Of Us (COMPLETED-UNEDITED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon