One: The Beginning

12.1K 151 3
                                    

Kring kring

Class dismissed na. Mabilis kong tinungo ang library. Soft sound. Clear mind. I love to stay the rest of my day in the library.

''Hi Dustin'' lumapit ang isang babae sa akin. Nandito ako sa kasuloksulukan ng library, paano niya ako nakita?

She is beautiful. At malaki yung ano niya. yung ano

"Hello, din'' sabi ko at tingin ulit sa binabasa kong libro.

''Im Margaret'' she chuckled. ''Pwede ano- pwede pakibigay kay Jandrick?'' at iniabot niya ang isang envelope sa akin.

Tiningnan ko iyon. ''Ok''

''wahhh--- thanks! Dustin! Ang bait mo talaga!'' sigaw niya. napatingin tuloy sa amin yung masungit na librarian.

''Wag kang maingay'' I looked around. Everyone is busy kaya hindi nila kami napansin.

Tumayo ako at umalis. Normal lang akong estudyante. Hindi ako maganda, pero hindi din ako pangit.

Naglakad ako sa hallway papuntang canteen. No one knows na magkakambal kami ni Jandrick, ang alam lang nila ay close kami. Na magkababata.

Ewan ko ba diyan sa kakambal ko, ikinahihiya ata ako. Pero kahit ganun mahal na mahal ko yung lalaking yun.

Dug dug

Ano yun? Tumingin ako sa paligid, Everything is normal, saan kaya nanggaling yung sound na yun?

I shruged the thought at nagpatuloy.

Ang ingay sa cafeteria. I received a messege from my mom.

Koleen, Go Home now with Jandrick

_______________________________

Hinanap ko si Jandrick, There in the crowd of girls? Anong meron?

''Excuse me'' tinabig ko na yung mga babae. Parang may artista dit----- May artista nga! flirting

Agad akong napabusangot dahil sa public place pa sila naghahalikan.

"Jandrick, Let's Go'' Napatingin ang mga babae sa kin, Ang iba ay ang sasama ng tingin. Ang iba naman ay nabigla...

"Ofcourse baby" At inakbayat niya ako. He chuckled at ako, hindi makapaniwala. Baby?! Nakangiti lang siya habang naglalakad ako naman ay patay na sa matatalim na tingin ng mga babae dito.

Pumasok ako sa kotse niya. Dun ako umupo sa harapan para hindi namang magmukhang driver ang kakambal ko.

''How's your first day in my school?'' Oo, ngayon lang ako lumipat dito sa University. Magkaiba kami dati ng pinapasukan dahil maarte itong lalaking ito. Ayaw niyang iwan ang mga kaibigan niya. Our dad wanted na sa states kami mag-aral.

Ako lang ang sumama pero umuwi na rin ako after my fourth year dahil nadistino na ulit si daddy sa ibang lugar. Dad is an engineer.

''Its fine. I met new people but--- ayoko silang maging kaibigan. Gugulo lang ang buhay ko.'' Tumingin ako sa daan. "And whats the meaning of the cafeteria scene?''

"What? Normal lang naman ahh?" Natawa siya.

"Normal lang na palibutan ka ng mga babae?!"

''Uhmm--probably. Hahahaah" Ginulo niya ang buhok ko. Buti na lamang at tumigil ang sasakyan.

Tahimik siyang nagdrive. Papunta kaming bahay. Apat na taon akong nawalay sa kanila.

''Can we sleep together later?'' Taka siyang tumingin sakin. ''Like we used to be when we were kids?''

Tumawa siya. ''I dont think so. Matanda na tayo.''

Namuo ang luha ko. At maya maya ay umiyak na ako.

Dumating kami sa bahay. Tumakbo ako paakyat ng kwarto at nagkulong.

''Koleen'' Kumatok si Jandrick. Hindi ko siya pinansin. Dumapa ako sa kama at umiyak sa unan.

Bumukas ang pinto. Uso nga pala ang susi. Lumubog ang kaliwang parte ng kama ko.

''Koleen, hindi na tayo pwedeng magtabi'' hinagod niya ang likod ko.

''Babae ka, lalaki ako, ano nalamang ang iisipin ng ibang tao?''

Hindi ko parin siya pinansin. Naiinis siya at ginulo ang buhok. ''Aissshhh!'' at umalis.

Lumabas siya. Humiga ako sa kama. Inayos ko ang sarili ko.

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako.

''Aanhin mo yan Jandrick?''

''Dadalhin diyan. Matutulog katabi mo.''

napalunok ako. Iba ang feeeling.

dugdug.

Inlove with my Twin BrotherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon