CHAPTER THREE

672 17 6
                                    

THE BEST thing about running a beach resort: ladies in bikinis. Nang i—demote si Ben ng kanyang inay mula sa pagiging CEO ng Principe Exports at pinauwi sa San Juan para pamahalaan ang Neptuna, para siyang si Pagong na itinapon sa dagat.

            Nang ibaba ng kanyang inay ang desisyon two months ago, habang nanonood ito ng Kris TV—his mother's most important decisions were made at the most unlikely settings—ganoon na lang ang pagtutol ng ate niyang si Luisa. Nahihibang na raw ang kanilang inay. Lalo siyang inilapit sa disgrasya. Kumuha raw ito ng batong pamukpok sa sariling ulo.

            Nasa tabi-tabi ng ina noon si Ben. Sumisipsip... nanunuyo by keeping his mother company. Dahil may kasalanan na naman siya. Tagumpay naman yata ang panunuyo niya. Pabor sa kanya ang desisyon ng Queen Mother. Umay na umay na siya sa amoy ng cocojam, nata de coco, coconut oil, at buko juice—their products.

            "Lalo mo lang inilapit sa mga babae 'yang anak n'yong 'yan!"Kumalog ang double-chin ni Luisa sa pagtutol. Ayaw nitong umalis sa Neptuna. "Ano ga kayo? Sira yata kayo, eh."

            "Tumigil ka diyan. Gusto ko'y magpalit muna kayo at nang iyang si Benjamin ay matutukan ko dine sa San Juan. 'Pag doon sa Batangas, hindi ko namamalayan ang mga pinaggagagawa ng lintik na iyan. Pag dine, di alam ko. Hindi naman iyan makakalusot sa akin. Naku!"

            "Malay n'yo naman? Noon pa kayo nalulusutan ng hayup na iyan."

            "Pinagbibigyan ko laang iyan noon. At saka, mas bagay ka doon sa Batangas, kataba-taba mo, hara ka nang hara sa beach na nakapante, kakahiya."

            Bumungisngis lang si Ben. Supalpal si Prinsesa Luisa.

            "Ba't si Kris?" Sabay sulyap ni Luisa sa TV.

            "Aba, mas mataba ka diyan. At hindi iyan nagpapante."

            Sumabat na si Ben. "Inay, bikini ho. Iba ang panty."

            "Ano'ng ipinagkaiba? Pareho iyon ng tinatakpan."

            "Bahala kayo!" talak pa ni Luisa. "'Pag iyang hayup na iyan.." dinuro si Ben "ay tuluyang makabuntis—"

            "Di magaling! Nang mag-asawa na ang lintik na iyan. Mabuti pa ngang makabuntis na nang mapikot na at nang hindi na ako mamomroblema diyan. Problema na iyan ng biyenan niya."

            Nag-walkout ang mga pata ni Luisa.

            Nangingisi si Ben sa alaala habang  nakatitig  sa nakapatas na pagkakagastusan ng kusina ng Neptuna. Isinumite iyon ng head chef na pinirata pa diumano ni Luisa sa Acacia Hotel. Tinawag niya sa intercom si Malen, right-hand ni Luisa kaya kanang-kamay na rin niya.  Although, kung hindi lang mainit pa siya sa mata ni Queen Mother, papalitan niya si Malen. Hahanap siya ng maganda at seksing kanang-kamay.

            "Yes, Sir," sagot ng babae.

            "Halika muna dito. Hindi ko mahanap ang number ni Delia."

            "Delia?"

            "'Yong supplier ng mga gulay."

            "Eh, Sir, si Wena ang kausap natin do'n, nasa computer ang numbers ng suppliers."

            "Si Delia ang gusto kong makausap. At 'wag kang maingay, malilintikan ka sa akin."

            "Yes, Sir."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Gold Digger (Soon To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon