24/7 Heaven
"May pinaggamitan ang mga kasambahay, Zender. May laman pa 'ata." Saad ni Teresita. "Sino bang nanghihiram?"
Zender followed her outside. Nanatili akong nakaupo sa lamesa, at pinanood ang dalawa na magkaintindihan sa pagitan ng nakabukas na pinto.
"Si Ma'am Vanessa po." Sagot niya.
Walang pag aalinlangan na binigay ni Teresita ang kaldero kay Zender. Tumingin siya sa akin pagkatapos.
I lifted my brow when Zender came in front of me. "Here. Tulungan mo ako."
Agad niyang itong binigay sa akin. Ni wala akong oras para maghanda. I slowly grunted. "Why it's heavy?"
"It has food inside. Ibibigay na lang natin sa kabila para hindi masayang."
"Ano bang ganap? Why is there a sudden fuss about this...thing?" Lito kong sabi. Hindi na rin alam ang sasabihin.
I came here unannounced. Kaya nalilito rin ako sa mga biglaang pangyayari. That's why I'm not assuming that they are preparing something for me.
Zender replied. "Sumama ka na lang. Nandoon mga pinsan mo."
Now, I'm assuming. Did they know I was coming?
Bigla siyang nagsimula ng konbersasyon. "Bakit ka ulit nandito? Tapos na school mo?"
I nodded.
"I just moved up. Senior na ako next year." Tugon ko.
Kasalukuyan kaming magkatabing naglalakad sa pathway. I can see his chest clenching so hard. Kitang-kita sa kanyang reaksyon na gusto niyang humaba ang aming pag-uusap. His tongue is wandering inside his mouth. Mukhang nakasanayan niya na dahil laging kong nakikita na kanyang ginagawa.
"Kailan ka gragraduate?"
He's controlling himself. Kabaliktad ng gusto niyang ipagawa sa akin. Kahit hindi niya sabihin ay halata sa kanyang mga kilos.
I want him to apply his own words.
Be comfortable with me, as well, Zender.
Piping hiling ko.
"Bakit? Seven years pa." Sagot ko. "As of now, I'm more nervous about my new journey as an SHS student. I really don't know what to expect."
"I see." He nodded. "Nasa tamang tao ka. Pwede mo akong tanungin tungkol diyan."
Napanguso ako. "Okay, Mr. Suki sa Guidance Office?" Tawa ko. "I'm planning to take STEM, at marami na akong hindi magandang naririnig. What can you advise me? Yung matino, ha."
BINABASA MO ANG
Later Than Never
أدب المراهقينKatarina Udele Noves is challenged to socialized with new people when she stays in her father's hometown for a vacation. All of that to prove her cousins wrong assumptions about her; only to realize that letting the real ones come in her life is wha...