<Hailey's POV>
"Psst!"
"Ano?!!!"
"Ayy! Sungit naman."
"Ano nga kasi yun, Hailey? Nakikita mo namang busy ako sa pinapagawang activity sa'tin."
"Sorry naman, Raylie. Yung crush mo kasing si Evangeline biglang dumaa-..."
"Saan???"
Hindi pa nga ako natatapos sa aking sasabihin pero bigla na siyang sumabat habang parang pinaghalong giraffe at tarsier ang itsura dahil pinahaba niya ang kanyang leeg at pinalaki ang kanyang mga mata para masilip ang labas ng classroom.
Napailing-iling na lang ako. Hindi naman masyadong obvious na patay na patay siya kay Evangeline 'no?
"Niloloko mo lang ako eh. Wala namang tao sa labas." Nakasimangot niyang sabi.
"Kalma. Ang sabi ko 'dumaan' kaya malamang wala na siya diyan sa labas. Tsk...tsk...tsk!"
"HAILEY VERZUELA AND RAYLIE BRIZUELA, KEEP QUIET!!!"
Halos mapatalon kami pareho ni Raylie dahil sa sigaw ni professor. Agad kaming humingi ng tawad at nagpatuloy sa ginagawa naming activity.
Raylie and I are both graduating students in Business Administration course while his crush, Evangeline, is taking Nursing and graduating too.
I've been with Raylie Keith Brizuela since I don't know when. We're friends since infancy, I guess. 'Cause our parents are bestfriends too.
Evangeline Kate Olaguer is my boy bestfriend's longtime crush. Of course, she's beautiful, sexy, kind, smart, rich, near to perfection. Evangeline is all I wanna be but will never be.
***
Tapos na ang klase kaya pauwi na kami ni Raylie sa apartment na pareho naming nirerentahan. Oo, nakatira kami sa iisang bubong dahil ganito kasi yun...
Magkapit-bahay lang kami ni Raylie at parehong galing sa hindi mayaman pero hindi rin mahirap na pamilya. Gusto naming mag-aral sa magandang university kaso sobrang layo nito sa lugar namin kaya naisipan naming mag-rent ng matitirhan malapit sa gusto naming university. At para makatipid, nag-desisyon kaming magsama, I mean...maghati sa iisang apartment. Pumayag naman ang mga magulang namin dahil may tiwala talaga sila sa'min. Well, me and Raylie are just bestfriends.
"Huwag kang mag-alala, mamahalin ka rin niya."
Parang nabalik ako sa kasalukuyan dahil sa biglang pagsalita ni Raylie. Hindi ko namalayang napalalim ang aking pagiisip. Naglalakad pa pala kami sa tabi ng kalsada para maka-uwi. Delikado ang pagkatulala ko kanina, baka masagasaan ako ng wala sa oras. Mabuti na lang nandito si Raylie sa tabi ko.
"Imposibleng mahalin niya ako, Ray. Masyadong matangkad yung chix niya, 'di ko maabot." Wala sa sariling naisambit ko.
Huminto sa paglalakad si Raylie at tumingin sa akin na parang gulat na gulat. "May nagugustuhan ka na pala, Hailey!!!" Pumalakpak pa siya habang naka-ngiti ng malapad. "Dalaga ka na talaga kung ganon. Buong buhay ko kasi akala ko lalaki ka rin hahahahahaha!!!" Pahabol niyang asar.
Umirap ako. Yeah! I know that you never see me as a woman.
"Manahimik ka nga!" Sinubukan ko siyang batukan kaso 'di ko kaya dahil ang tangkad ng kaibigan ko.
Pinatong niya ang kanyang kamay sa tuktok ng aking ulo at saka yumuko para magpantay ang aming mukha. "Siguro kung pataasan ng pride, may laban ka. Pero kung pataasan ng height, 'la ka ng pag-asa."
Naiinis kong inalis ang kamay niya sa aking ulo. Natatawa naman siyang lumayo at tumayo ng tuwid, parang pinapamukha niya sa'kin kung gaano ako ka pandak dahil ang layo ng height gap namin.
"Maghanap ka na lang ng iba. Dapat yung lalaking pumapatol sa maliit, dapat hindi lang sa height kundi pati sa dibdib. Para naman crushback ka kaagad hahahahahahaha!!!"
Napatingin tuloy ako sa aking dibdib. Takte! Ano bang problema niyo sa boobs na hindi malaki, huh?!!!
Patuloy lang siya sa pang-aasar sa akin kaya dahil sa pikon na ako, nauna na lang akong naglakad at iniwan siya. Paminsan nakakainis na talaga ang lalaking yun. Pasalamat siya dahil mahal ko siya..........bilang kaibigan.
At saka hindi ko kasi matiis at kayang saktan ang isang yan. Paano ba naman kasi.....
Kahit na hindi siya kaputiang nilalang, dumadagdag naman sa charisma niya ang kanyang morenong balat. Nakakaakit ang kanyang makapal na kilay at mahabang pilikmata. Nakakalunod ang dalawa niyang itim na itim na mga matang parang nakikita pati ang iyong kaluluwa. Ang matangos niyang ilong na gusto kong suntukin sa tuwing nagagalit ako kaso huwag na lang kasi baka maging pango. Mga labing parang ang sarap putukin dahil nakakainggit ang pagiging mapula, hiyang-hiya naman kasi ang maputlang labi ko. At katawang ubod ng tangkad ngunit kinulang sa laman, kaya nga ayaw ko siyang suntukin o sipain dahil baka lumipad siya sa kung saan.
Kaso kahit na may maipagmamayabang na itsura itong kaibigan kong lalaki, hindi naman siya pasado sa tipo ng crush niyang si Evangeline.
Gusto kasi ni Evangeline sa lalaking maputi. Magiging gatas at kape lang ang itsura nina Evangeline at Raylie kapag nagtabi kaya mas bagay naman talaga ang maputing lalaki sa babae yon. Ayaw ni Evangeline sa lalaking patpatin dahil type niya ang matitigas na muscles, especially the abs. Well, sinong straight na babae ba naman ang ayaw don? Not me. I'm not saying na patpatin si Raylie pero malapit na siyang maging ganon. Hindi kasi kumakain ng gulay ang gago. Masyado siyang mapili sa pagkain at ayaw ni Evangeline sa mga lalaking ganyan. Ang tunay na lalaki daw kasi ay dapat na kumakain ng kahit ano at hindi maarte o mapili sa grasiya.
Hindi ko namalayang naka-ngisi na pala ako. Kaawa-awang minamahal kong kaibigan. Hindi makayang manligaw dahil alam niyang reject siya agad. Awit!
"HOY!!!"
Muntik na akong madapa dahil bigla akong tinulak ni Raylie. "ANO BA?!!!" Bigla ko tuloy siyang nasigawan.
"Kanina pa kita tinatawag, wala ka man lang narinig! Masyado mo namang iniisip yang mokong na 'yan." Nakapamewang niyang sermon. "Sino ba yang pisot na yan, huh? Tinggnan natin kung kaya akong pantayan ng isang yan. Siguraduhin mong gwapo katulad ko. Hindi kita papayagang mag-jowa kung ang itsura mukhang tubol para naman kapag makita kitang umiiyak ng dahil sa kanya eh maisip ko na kahit papaano ay worth it siyang iyakan." Walang preno niyang sabi.
Gusto kong matawa pero deep inside medyo na-touch ako kahit may bahagyang kirot akong naramdaman. Ayaw kong malaman mo kung sino dahil sigurado akong maraming magbabago.
BINABASA MO ANG
Who's the Father?
RomanceNaglakas-loob siyang pakinggan at sundin ang isinisigaw ng kanyang puso sa kauna-unahang pagkakataon ngunit sa maling sitwasyon. Nauwi ito sa isang mainit na pagkakamali at nag-bunga. Dahil sa takot niya, inilihim niya kung sino ang lalaking dahilan...