Chapter II

18 5 2
                                    

✿ — Chapter II: Broken Stranger

"ITO NA iyong alak oh. Pagsabihan mo iyang Mama ija, inaabangan na siya ng mga pulis!" Inabot ko ang plastik na naglalaman ng bote ng alak at agad na umalis sa tindahan na iyon nang hindi man lang sinasagot ang tindira.

Nagpapatuloy pa rin si Mama sa kaniyang pagsusugal. Panigurado na pinapatugis siya ni Mang Ester, ang kaniyang pinag-uutangang sugarol. Wala na nga kaming pera, nagagawa pang magsugal ni Mama at uminom ng alak.

Sa gitna nang paglalakad ko ay mayroon akong nakitang napakapamilyar na likod ng babae kung kaya't tumigil ako. Tiningnan ko ng maigi ang bulto ng babae at nanlaki ang mga matang makita ang mukha nito.

Ang babae ay nakasuot ng isang bistidang hanggang ibabaw ng tuhod ang taas at kitang-kita ang likuran. Mayroon itong kasamang isang mataba at matandang lalaki na tila nagbibilang ng pera.

Pagkatapos nitong nagbilang ay ibinigay niya ito kay Tifanny, na aking kapatid at tuwang-tuwa naman si Tifanny na tumalon-talon pa at hinalikan ang matanda sa labi.

Hindi ko kinaya ang aking nakikita kung kaya't mabilis akong lumapit sa kaniya at hinablot siya paalis sa nakakadiring yakap ng matandang lalaki at naglakad paalis.

"What the? Let me go, Melody! What do you think you're doing!?" malakas at galit na sigaw sa akin ni Tifanny habang pinipilit na kumawala sa aking pagkakahawak.

Nagtungo ako sa lugar kung saan walang tao bago siya tuluyang binitawan at pinaharap sa akin.

"Are you selling your body now, Tifanny?" galit na tanong ko sa kaniya.

"Yes I am! I am indeed selling my body! Happy now?" malakas na sagot niya sa akin habang nakahawak sa kaniyang palapulsuhan ba mahigpit Kong hinakawan kanina.

"Why did you do that?" naiiyak na tanong ko.

"Really, Meloy? You're asking why? You're stupid than I thought! We have no more to eat, Melody! I haven't eaten a proper meal yet! Steven is nowhere to be found, he's off doing stuffs! And you? Why are still going to school? You're suppose to be working to feed us because our mother is already dead!" malakas na lintaya ni Tifanny sa akin at mayroong namumuong luha sa kaniyang mga mata.

Hindi ko nagustuhan ang kaniyang huling sinabi at nakita ko nalang ang sarili kong sinampal siya. "Our mother is not dead, she's still alive." naiiyak na usal ko.

"No, Melody. She's already dead. A mother who can't even feed her children nor think rationally, is considered dead. And she's right, you're worthless," madiing usal niya habang pinupunasan ang kaniyang luha at mabilis na umalis. Hindi man lang ako hinayaang magsalita.

Madiin kong naipikit ang aking mga mata, at napatampal sa aking mukha. Hindi ko alam kung kailan pa ginagawa ni Tifanny na ibenta ang katawan niya. Ginagawa ko naman ang lahat para pakainin sila ah? Nag pa-part time nga ako para may mapakain sakanila. Hindi pa ba enough iyon?

Muli kong kinuha ang plastik na naglalaman ng mga alak at nagsimulang maglakad. Tuluyan na talagang nagbago ang aking kapatid na babae. Hindi na rin niya ako tinatawag na Ate. Ano na ang mangyayari sa kapatid ko ngayon? Magpapatuloy ba ang ganito? Paano siya makakahanap ng mapapangasawa kung nagiging hostess na siya?

Pati ang nakakabatang kapatid ko na lalaking si Steven na tahimik at mahiyain ngayon nagiging rebelde na at lumayas ng bahay. Isang linggo ko na rin siyang hindi nakikita. Gusto ko siya hanapin, pero wala akong oras para gawin iyon. Kung magdesisyon man akong hanapin siya, hindi ko alam kung saan magsisimula.

Tumigil ako sa paglalakad at inilagay ang plastik na naglalaman ng alak sa gilid pagkapasok ko sa rooftop ng Isa ss pinakamataas na building sa aming lugar. Nagtungo ako sa railings at dinama ang napakasarap na hangin.

"Napakaganda," bulong ko habang nakatingin sa maingay at bisi na mga tao sa ibaba ko. Mayroong kaniya-kaniyang ginagawa ang bawat tao at mayroong kani-kanilang mundo. Tumingin naman ako sa kalangitan kung saan nagkulay kayumanggi na dahil sa araw na unti-unting nawawala.

Umakyat ako sa railings, hindi naging mahirap ang aking pagtayo rito sapagkat hindi pabilog ang hawakan, kung hindi parisukat kung kaya't makakatayo ka talaga.

"I guess, this is it for me," bulong ko at ibinuka ang aking mga braso, hinahayaang tumama ang malamig na hangin sa aking katawan. Sinasanay ko pa naman ang sarili ko sa kutsilyo para paghiwa sa pulso o pagsasak sa aking tiyan ang aking gagawin para sa pagpapatiwakal. Pero sinong mag-aakalang tatalon pala ako sa isang building para bawiin ang buhay ko?

When I was about to jump, I heard a sound of a can being thrown. Napatingin ako sa aking likuran at mayroong isang lata ng softdrinks. Hinanap ko sa paligid ang nagmamay-ari nito, ngunit wala akong makita. Noong itinaas ko ang aking paningin, mayroong isang lalaking naka-upo sa ibabaw kung nasaan ang pintuan.

"What are you doing here?" malamig na tanong ko sa kaniya. Natigil naman ito sa pagsusulat sa kaniyang notebook at napatingin sa akin.

"Naku! I'm so sorry, don't mind me, continue whatever you're doing," sagot niya sa aking katanungan na mayroong malaking ngiti sa labi.

Naitaas ko ang aking kilay sa kaniyang sinabi ngunit hindi na ako nagsalita pa. Muli kong hinarap ang magandang kalangitan. Hindi ba ako pagsasabihan ng lalaking iyon? Ayos lang ba sa kaniya na tumalon ako dito?

"Btw, are you really sure?" natigilan ako sa kaniyang tanong. Iniisip ko kung talaga bang sigurado na ako sa desisyon ko.

"Oo, sigurado na ako," sagot ko.

"Ganoon? Wala ka man lang bang gustong gawin, bago ka magpakamatay?" muling tanong niya.

"Marami, pero para saan pa? Mamamatay lang rin naman ako," sagot ko sa kaniya. Hindi ko alam kung bakit ko siya sinasagot, maybe I just want someone to talk to before committing suicide.

"Hmmm, bakit hindi mo muna gawin ang nais mong gawin bago ka magpakamatay? Nang sa ganoon, magiging payapa ang iyong kaluluwa?" Napatingin ako sa kaniya dahil sa kaniyang sinabi.

"Why are you saying that?" tanong ko. Sabi niya kailangan ko munang gawin ang mga nais kong gawin bago ako magpakamatay para maging mapayapa ang kaluluwa ko? Ayos lang ba siya? Bakit ko naman gagawin iyon?

"Let's just say, I'm just like you. Broken and wanted to die as well, but  I postponed my suicide to do the things I wanted to do! Hoping that I might also change my mind, and mend my broken self," madamdaming sagot niya sa aking katanungan at tumingin sa kalangitan na unti-unti ng umiitim.

'The same as me? This stranger is also broken?'

Melodia's To Do ListsWhere stories live. Discover now