Tapos na klase namin. Nandito na kami ngayon sa kainan malapit lang sa school.
"Anong meron girl? At biglang manlilibre ka" sabi ni Cindy.
"Ano kase? May sasabihin ako sainyo. Wag sana kayo magalit sakin. Di ko naman gustong ilihim ang lahat. Sana maintindihan niyo na ..." naputol sasabihin ko ng mapansin kong di naman nakikinig yung tatlo. Busy sila mamili ng oorderin nilang pagkain.
"Ano sayo Sandy?" Tanong ni Monique.
"Kayo na bahala pumili." Tipid na sagot ko.
"Sige sabi mo yan." At pumili na nga sila ng gusto nila pagkain.
"Ok na. Yun lang po." Sabi ni Cindy dun sa waiter.
"Oh, ano ba talaga meron at nanlibre ka ngayon, Sandy?" Tanong ni Monique. Sa wakas sakin na nakafocus yung tatlo. Si Lena kung makaasta kala mo di niya alam sasabihin ko.
"Oo nga. Birthday mo ba ngayon? Di ba December pa birthday mo?" Sabi ni Cindy.
"Ano kasi.. Di ba gusto niyo makilala boyfriend ko?" Panimula ko.
"OMG! Papakilala mo na siya samin? Punta din ba siya dito?" Excited na tanong ni Monique.
"Ay hala. Dapat magdagdag pa tayo ng makakain. Baka kulang yung order natin." Singit ni Cindy.
"Pwede naman siya mamaya na lang siya umorder. Para makapili siya ng gusto niya." Sabi ni Monique.
"Kumalma nga kayong dalawa. Patapusin niyo kaya si Sandy." Sabi naman ni Lena
"Hindi siya makakapunta ngayon. Nainjured kasi siya kanina." Sagot ko.
"ay bakit? Anong nangyare?" Tanong ni Cindy.
"Nagbasketball sila kanina. Nagkabanggaan sila nung kalaban niya. Nasprain yung paa niya. Need niya magpahinga kaya di siya makakapunta dito." Sagot ko.
"Teka, di ba na sprain din paa ni Luke kanina? Ano yan Sandy, si Luke ba boyfriend mo? Haha" pabirong tanong ni Monique.
Tumahimik lang ako. Nang biglang sumigaw si Cindy.
"OMG!!!" sigaw ni Cindy.
"Shhh. Wag ka maingay Cindy." Saway ko kay Cindy.
Nagsorry na lang kami sa ibang customer dito na nagulantang sa sigaw ni Cindy.
"Oh diba. Mas OA pa reaction ni Cindy kesa sakin. Haha" pangaasar ni Lena kay Cindy.
"So si Luke nga boyfriend mo, Sandy?" Pagsisiguro ni Monique.
"Oo si Luke nga. Luke Oliver Alcantata." Sagot ko.
"Weh? Baka naman pinaprank niyo lang kami ni Lena." Di makapaniwala si Cindy.
"Oo nga. Saka yung girl na kasama ni Luke diba? Yun yung girlfriend niya?" Commento ni Monique.
"Oy hindi namin kayo pinaprank noh. I saw with my own two eyes yung pagtukaan niyang dalawa sa street hahaha" tawang tawa sabi ni Lena.
Nahampas ko ng di oras si Lena.
"Kung makatukaan ka naman jan." Nahihiyang sabi ko.
"Omg! Totoo talaga? Boyfriend mo si Luke?" Di pa rin makapaniwala sila Cindy at Monique.
"Papuntahin mo kaya si Luke dito. Ay. Injured nga pala. Tawagan na lang natin..i VC mo na lang." Suggestion ni Lena.
"Lowbat phone ko. Pahiram phone?" Sabi ko kay Lena.
"Oo nga pala. Paayos mo na yang phone mo. Or bumili ka na lang bago." Sabi ni Lena sabay abot sakin ng phone niya.
Lumapit sakin yung tatlo habang dinadial ko yung number ni Luke. Nakaface time kami ngayon. Unang tawag ko di sumagot si Luke.
YOU ARE READING
I'm His Girlfriend
RomancePaano kung ang boyfriend mo ay hearthrob sa school? Ipagyayabang mo ba or itatago na lang para iwas bullying? ‐-------------‐‐-------------‐-------------‐‐ This is a short story. My first ever story. I don't know if someone will read it but just w...