Fight

13 0 0
                                        

Kinabukasan maaga akong pumasok siyempre maaga kasi ang klase namin. Sabay din naman kami ni Lena pumasok. Nabatukan ko na din siya sa pagchichismis niya sakin kay Luke kahapon. Pagdating namin ni Lena sa room ay nandun na din sila Monique at Cindy. As usual nagchichismisan sila.

"Hoy. Aga aga ng chismisan niyo mga bakla." Sigaw ni Lena kila Monique at Cindy.

"Nanjan na pala kayo. Dali dali. Tingnan niyo tong post ni Luke." Kilig na kilig na sabi ni Monique.

Nagtaka naman ako. Di pa ako nakakapagonline. Diretso tulog kasi ako pagkadating ko ng dorm kahapon. Nakiusyoso na din ako dun sa phone ni Monique.

Ung kahapon to

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ung kahapon to. Nung paalis na ako ng condo nila. Kainis na Luke di man lang nagsabi na pipicturan pala ako.

"Yuuuy. Mukhang bumabawi si Luke." Asar ni Lena sakin.

"Ewan ko sayo Lena. May kasalanan ka pa sakin. Hmm. Di naman siguro ako makikilala jan." Medyo worried na sabi ko sa kanila. Although ready naman na ako na malaman dito sa buong school na ako girlfriend ni Luke. Di ko lang imexpect na agad agad. Waaaaah.

"Di naman halata na ikaw yan. Kami lang naman nakakaalam na yan suot mo pauwi kahapon. Naka PE uniform tayo kahapon remember. Paguwi dun tayo nakibihis sa kinainan natin. Kaya wag ka magalala. Haha" paniniguro ni Monique sakin.

"Pero maproove netong post na to na hindi yung kausap ni Luke yung girlfriend niya kasi medyo maikli buhok nun. At may color." Singit ni Cindy.

"Low key na binabara na ni Luke yung rumors dito sa school about kung sino nga girlfriend niya. Ayieee." Pangaasar ni Lena sakin.

"Hoy. Alam niyo ang iingay niyo. Di ibig sabihin na di totoo yung rumor ay magpapatasya na kayo jan. Kala niyo naman kayo jowa ni Luke." Mataray na sabi ni Victoria.

"Alam mo Aling Vicky, kuto ka ba? Ang sarap mong tirisin. Grr." Inis na sabi ni Monique.

"At least di ako ilusyonada." Sagot naman ni Victoria.

"Hmmp. Di mo ba alam na girl.." di na natuloy sasabihin ni Cindy dahil pinigilan na siya ni Monique.

"Haay naku Cindy. Wag ka na makipagusap jan. Mahahawaan ka lang ng kapangitan niyan." Mataray na sagot ni Monique.

"Aba. Akala mo naman kung sino kang maganda. Tse." Sabay walkout ni Victoria kasama alipores niya.

"Ang hilig hilig sumingit talaga niyang si Aling Vicky. Napaka... urghh." Inis na sabi ni Monique.

"Kalmahan mo lang Monique." Sabi ni Cindy.

"Hayaan mo na siya Monique. Magsiupo na nga lang tayo baka dumating na din naman si Sir." Saway ko sa kanila.

Maya maya lang din ay dumating na si Sir at nagsimula na ang klase namin.

‐-------------------

Lunch break na namin ngayon. Nandito kami ngayon sa canteen.

I'm His GirlfriendWhere stories live. Discover now