Special Chapter (4): Ang Aswang

4K 69 7
                                    

At ito na nga yung isa haha.. wooh~ sagana sa update ngayong araw! ^^ uhmm gusto ko sanang imention yung name niya, tinanong ko naman siya but, hindi pa siya nagrereply kaya.. sa ngayon di ko na muna ilalagay yung username niya dito, pero kung gusto niya ay edit ko nalang haha. By the way, Ate thank you ha sa pag-share. ^^

THANK YOU ng napakaramii~~

------------

Pagsasalaysay ni _______:

"Ang kuya ko ay isang working student noong nasa kolehiyo pa siya. Nag papart time call-center agent siya para ipangdagdag sa tuition fee niya.

8pm yung oras ng pagpasok niya, so mga 6 palang ay kailangan na niyang bumyahe kasi sobrang traffic...

Ang bahay kasi nmin eh malayo sa kalsada, tahimik at maraming puno sa paligid. Nong papasok na siya sa trabaho mga 6 palang non.. nag-aagaw ang liwanag at dilim. Dumaan siya malapit sa isang napakalaking puno. Ang puno nato ay sobrang laki. Natatakpan na nga nito ang mga liwanag na nangagaling sa poste. Sobrang nangilabot daw siya ng tumapat na talaga siya sa puno. Napalingon siya sa puno at kinilabutan sa nakita niya. May isang babae na nakatayo sa puno. Ang mga buhok nito ay tumatayo na para bang matutusok ka kapag mahawakan mo ito. Ang katawan nito ay para daw tinutubuan ng pakpak. Ang mga mata din daw ay nanlilisik sobrang pula.. Yung mga ngipin nya ang tatalas. Ang mga kuko daw sobrang haba. Sobrang takot daw ang naramdaman ni kuya, hindi siya makatakbo o makalad man lang. Hindi rin nya kayang sumigaw. Talagang napako lng sya sa kinatatayuan nya.

Alam niya na kilala niya kung sino ito. Naglakas loob siyang sambitin ang pangalan ng babae. Ayun kasi sa nakakatanda, pag kilala mo raw ang isang aswang wag kang magdalawang isip na sambitin ang pangalan nito dahil kapag natawag mo siya sa pangalan nya eh babalik ito sa pagiging normal, mawawala ang sumpa.

Sinambit ni kuya ang pangalan nito at totoo daw, unti unting naglaglagan ang buhok ng aswang. Unti unti itong bumabalik sa normal. Nang huminahon daw ito., nagawa na niyang magsalita nabawasan na rin ang kanyang takot ngunit hindi pa rin ito mawala wala dahil baka raw eh bigla siyang sunggaban dahil nagambala niya ito. Tinanong niya daw yung babae.

"Nag-unsa mn ka diha nay _____"(Anong ginagawa mo diyan nay____) tanong niya..

Sumagot ito pero may kakaiba sa boses daw.

"Nanilhig ra ko diri dong oy" (Nagwawalis lang ako dito iho) sabi ng matanda.

Naglalakad ito patungo sa kanya kaya bumalik lahat ng takot ni kuya. Hindi niya alam pero napadasal na daw siya at kumaripas ng takbo pabalik sa amin. Hingal na hingal daw si kuya ng makabalik sya sa amin. Takot na takot daw ang mukha nito sabi ni mama.

Hindi ko pinangalanan yung aswang kasi hindi na daw matandaan ni kuya. May sumpa kasi na kapag nakilala mo ang isang aswang sa panahon pag tatransform nila eh makakalimutan mo na raw ito at kasunod ng paglaho ng aswang sa lugar ninyo.

Ewan ko ba kay kuya. Tapang eh.

Talagang lapitin rin siya ng mga multo. Marami siyang mga na encounter na ganyan. Isa yan sa mga marami niyang kwento"

---------------

So, ito na po yung pangalawa kong update. Thanks ate ha sa pag-share.

Hmm.. sa mga interesadong magbigay o magmessage ng mga nkakatakot na story na naganap sa inyong buhay, aba! wag ng magdalawang isip text na hehe joke basta ipm nyo po ako at promise iuupdate ko yan! Sa mga readers if may gusto kayong i-clarify magcomment kayo! ^^ sige po,

@Le_anne14zzz

@le_anne13zzz

Tagalog Horror Stories(The Forbidden Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon