Ako si Alexandria Cassey Marquesses, isa akong 4th year student sa isang pribadong paaralan sa Quezon City. Ako'y isang normal na babaeng madami ding problema este pangarap katulad ng ibang babae sa mundo. Ang aking mga magulang ay matagal nang pumanaw kaya nakikitira nalang ako sa tita ko, si Tita Layne.
Alam ko naman na sya ang nag papaaral sakin kaya malaki ang utang na loob ko sakanya dahil kinakaya nya na pagaralin kaming dalawa ng kanyang anak sa napakalaking paaralan na aking pinapasukan. At dahil sa pribadong paaralan ako nag aaral kailangan kong pagbutihin ang pagaaral ko kaya sinisikap ko na maging magaling upang makuha ko ang Award
Tumutulong ako kay Tita Layne sa pagt trabaho naglilinis din ako ng bahay kasi nahihiya ako dahil pinapaaral, pinapatira, pinapakain at sya rin ang bumili ng mga damit ko di naman kami ganun kayaman para magyaya, may kaya lang kami kaya nagsisikap ako para matulungan ko din sya lalo na't magtatapos ako ng High School mas malaki na ang babayaran na tuition.
Ang magulang ko kase sa pagkakaalam ko naaksidente sila pero hindi naman nakuha yung bangkay nila kaya sinabi nalang ni tita layne na matagal na silang punanaw pero nagdadasal parin ako at umaasa na buhay pa sila at nasa mabuti silang kalagayan. Kung tutuusin maswerte nadin ako kahit na ganto kami di naman kase kailangan maging mayaman, kailangan lang magsikap magsipag at magtiyaga upang guminhawa ang buhay ng isang tao.
Tatlo kaming magkakasama sa bahay kasama ang anak ni Tita Layne, si Mandy.., Mandy Alcaraz. Sya ang bestfriend ko isa sa pinaka mahalagang tao sa buhay ko lagi kaming magkasama sa lahat lagi kaming nagtutulungan sa lahat ng bagay para guminhawa ang buhay namin at matulungan din si Tita Layne.
BINABASA MO ANG
"His broken promises"
Short StoryPROMISE - Sa isang relasyon, pag ibig man o pagkakaibigan di mawawala ang salitang PROMISE. Lahat ng tao nangangako upang mapatunayan nilang mahalaga at may tiwala sila sakanilang pinangangakuan. Pero papaano kapag, nasira nya ang kanyang pangako? o...