MAGANDANG UMAGA!
Ngayon ang unang araw, pasukan na ulit! (Sabay yugyog sa kama ni Mandy) Maaga akong nagising dahil sa sobrang pagka excite, may bago nanaman akong magiging kaibigan at marami din matututunan.MANDY! MANDY! MANDY!
Sigaw ko at pilit ginigising si mandy sa kanyang mahimbing na pagkakatulog. Nung gumising na sya sinabihan ko sya na mag ayos na ng kanyang sarili habang sya ay kumakain ako naman ay naliligo.MANDY'S POV
Hayyyy.. ang sarap sarap ng tulog ko ginigising naman ako netong si Alex. Sobrang excited nya siguro ang aga aga pa! Hayy. Makakilos na nga. Habang sya ay naliligo kumain na muna ako at kami pwedeng magsabay dahil iisa lang ang aming banyo. Pagtapos ko kumain at dumiretso na ko sa loob ng banyo upang maligo at sya naman ang kumain pagtapos namin gawin lahat ng kailangan namin ayusin at gawin ay agad agad kaming lumabas sa bahay at humanap ng tricycle at jeep upang makasakay papuntang school.ALEXANDRIA'S POV
Habang papasok kami at naka sakay sa jeep marami na din akong nakikitang estudyante mula sa aming paaralan na pumapasok na. Ang gaganda talaga nila halos walang pinagbago kahit nagsummer. Eh ako? Halos umitim eh bat sila kumakain ata ng gluta to'ng mga to' eh o siguro pinang liligo yung pulbos just kidding. Syempre magaganda naman talaga ang mga babae sa school.PARA PO! sabi ko sa driver ng jeep at bumaba na kami, habang papasok sa gate andami ko nakikita na kaklase ko nung 3rd year ako. Nakita ko sila Melanie ang seatmate kong napaka bait na chubby at fashionista, si Nadina sya yung nasa likuran ko dati sobrang bait din neto kaso mej madaldal hahaha.
Lumapit sila sakin at kinausap ako, kinamusta lang naman nila ako at sabay sabay na kaming pumasok hanggang sa plaza naming napaka laki. Naghintay kami duon nagkwentuhan habang hindi pa nagr ring ang bell.
*Kriiiiiing kriiiiing kriiiiing*
Nag ingay nanaman ang bell. Dali-dali kong kinuha ang bag ko sa upuan nalaman ko din na magkaka-klase ulit kami nila Melanie at Nadina idagdag mo pa si Mandy syempre tuwang tuwa kami. Magkakasunod-sunod kami sa isang pila sa plaza at dahil lunes ngayon syempre may "Flag Ceremony" :DPagkatapos ng flag ceremony at sabay sabay din kaming umakyat sa aming bagong classroom kung saan magsasama kami ng mga classmate ko ng buong school year. Humanap kami ng upuan at syempre tabi tabi padin kaming apat.
BINABASA MO ANG
"His broken promises"
Historia CortaPROMISE - Sa isang relasyon, pag ibig man o pagkakaibigan di mawawala ang salitang PROMISE. Lahat ng tao nangangako upang mapatunayan nilang mahalaga at may tiwala sila sakanilang pinangangakuan. Pero papaano kapag, nasira nya ang kanyang pangako? o...