Una

87 4 0
                                    

Unang Kabanata: Alexandra



"Kailangan makabalik na kayo dito before 12am. Do you guys understand?"

Sabi ng isang slim at halata namang fit na babae sa isang conference room kasama ng mga kabataan na puno ng respeto ang pagtingin sakanya siya si Rita ang kanilang instructor. Kada Linggo ay pwede bumalik ang 1st commands sa kanilang kanya kanyang tirahan para makita ang kanilang pamilya.

"Yes Ma'am" they said in unison.

Isa sa kanila si Alexandra tinuturing siya na isa sa pinakamakas sa batch nila. 1st commands (1C) Ibig sabihin lang nito ay last year na nila sa pag-aaral, hindi lang simpleng pagaaral ang ginagawa nila. Sapagkat hindi rin naman sila mga simpleng tao kada isa sa kanila ay may sariling kakayahan.

"Alexandra!" Agad niyang nilingon ang pinanggalingan ng boses palabas na sana siya ng conference hall ng tawagin siya nito nakita niyang papalapit sa kanya si Yin isa sa kanyang kaibigan.

"Bakit Yin?"

"Gusto mo bang ihatid na kita sa may gate. Para mabilis masyadong maraming palabas ng conference hall. Baka mawalan tayo ng masasakyan." Alok sa kanya ni Yin.

"Niloloko mo ba ko? Hindi mo na kailangan ng sasakyan Yin at ayoko nga magpahatid sa baka kung kung anong mangyari." Tatalikod na sana siya ng pigilan siya ni Yin.

"Eh sigi na Alex minsan lang naman toh eh" hinawakan ni Yin ang kamay ni Alex At ...

"Aray! Ano ba Yin"

Nagulat ang mga Guard na nagbabantay sa gate ng may dalawang babaeng tila nanggaling sa langit na bigla nalang nahulog sa harapan nila.

"Pasensya na Alex minsan di ko mapigilan eh." Sabi ni Yin ng naka peace sign pa.

"Oo na umalis ka na jan likod ko! Nadadaganan mo kaya ako."

"Ay oo nga pala hehe" agad umalis si Yin sa likuran ni Alex.

Ito ang dahilan kung bakit ayaw magpahatid ni Alex kay Yin minsan kasi hindi mapigilan ng dalaga ang kamyang sarili.

"Ah mga Iha ayos lang ba kayo? Mga 1C ba kayo?" Tsaka lang nila napansin ang mga Guards na nakatingin sa kanila.

"Ay opo manong Guard! Pasensya na po"

"Ito na po yung ID namin"

"Hindi na yan kailangan may bago tayong machine ngayon paglabas niyo diyan sa gate pwede na kayong dumiretso. Mairerecord na agad ang pag-alis niyo. Hindi ba kayo na inform tungkol dito?"

"Ganun po ba? Salamat po. Umalis na po kasi kami agad sa conference room malamang po hindi na namin naabutan yung tungkol dito"

Sa school na ito nakapalibot ang matataas na pader para siguradong walang ibang makakapasok na minsan ipinagtataka ni Alex naitatanong niya sa sarili kung bakit ba nila kailangang magtago, itago o kung ano pa man.

Mga dalawa hanggang tatlong kilometro layo galing sa gate ng kanilang eskwelahan mayroong isang malaking bahay parang bahay bakasyunan doon nagaantay ang kanilang mga magulang. Bago makarating dun ay kailangan nilang sumakay minsan isang bus kung marami minsan naman isang karwahe lamang, pwede ring magkabayo o kaya naman ay isang TrainBike o di kaya ang pinakabago isang cute prototype na sasakyan pero uupo ka lang dun at aandar na yun magisa nakaprogram na yun sa kanya.

Pinili nilang sumakay sa Prototype na sasakyan dahil di hamak naman na mas mabilis iyon at dahil pinilit lang din ni Yin si Alex dahil cute daw ang sasakyan na pwede ang tatlong tao.

Nakarating agad sila sa bahay na tinatawag nilang Brown house hindi sa dahil kulay brown ito ngunit dahil ito ang apilyido ng founder ng kanilang eskwelahan. Si Richardo Brown founder ng 'THANA ACADEMY SCHOOL OF POWER' ang kasalukuyang may-ari nito ay si Kisho Brown apo ni Richardo Brown.

"Kamusta na anak?" Tanong ng ama ni Alex sakanya habang siya ay nagda-drive pauwi sa kanilang tirahan.

"Ganoon pa rin po Daddy" Oo ganun parin sila mga kabataang sinasanay para sa isang tungkulin ang maging tagabantay ng kaayusan. Pag ikaw ay nagkasama ka sa rank 10 ng pinakamagagaling magtrabaho sa Sky house kung san nandoon ang presidente o dikaya ang Royal Family maari ka ring magtrabaho sa SC special unit force ng Peniel maari ka ring mapasama sa Military guards/military force.

"Anak nagluto ako ng paborito mo. Bakit mo pinagupitan ang buhok mo ng hindi sinasabi sakin?" Ang buhok nya noon eh abot bewang na kaya napag desisyonan na niyang putulin isa pa madali rin namang humaba ang buhok nya. Ngayon ay halos kapantay nalang iyon ng kanyang balikat.

"Masyado na po kasing nabibigatan yung ulo ko Mom. Teka yung paborito ko bang ulam?! The best po talaga kayo Mommy"

Ganito talaga siya sa mga magulang niya sweet pero pag sa iba eh napakasungit ni Alex na napagkakamalan na siyang maldita isama mo pa ang kanyang tingin na parang laging galit at mataray.

Pagkatapos nilang kumain sa kanilang tahanan ay lumabas muli sila at nagpunta sa mall para mag bonding hindi na namalayan ni Alex na mag ha-hating gabi na pala.

Habang nasa sasakyan pabalik sa Brown House ng biglang may humarang sa kanilang sinasakyan, isang van na kulay itim. Lumabas ang isang tao dito at kaagad na pinaputukan ang kanyang ama na syang nagmamaneho mabuti na lamang at nakaiwas ito ngunit nadaplisan ang kanyang tainga. Agad na iniatras ng kanyang ama ang kanilang sasakyan habang si Alex naman ay agad tinawagan ang military guards sa base ng kanilang paaralan para humingi ng tulong dahil alam niya na hindi basta-basta ang mga tao na humahabol and sa kanila ngayon pero bakit? Bakit nga ba sila hinahabol ng mga hindi kilalang tao na ito?

"Bilisan mo Fernando! Maabutan na nila tayo." Sigaw ng kanyang Ina.

Dumiretso ang kanilang sasakyan sa isang gubat na pumapalibot sa buong Akedemya nila.

Bigla na lamang tumigil ang kanilang sinasakyan at sa puntong iyon alam ni Alex na hindi basta-basta ang mga sumusunod sa kanila.

"Alex bilis tumakbo ka na! Lumayo ka na dito. Bumalik ka na sa Akademya." pakiusap sa kanya ng kanyang Ina.

"Pero paano kayo? Ayokong iwan ko kayo dito."

"I d-distract namin sila para makatakas ka"

"Hindi mom dad kaya kong lumaban! Para saan pa ang mga pinagaralan ko kung hindi ko kayo maililigtas."

"Anak nakikiusap ako umalis ka na. Wala ng oras! Wag na wag ka ng babalik sa bahay natin hanggat maari ay manatili ka lang sa akademya at wag ka munang lalabas naiintindihan mo ba? Ngayon gamitin mo ang iyong buong lakas at tumakbo ka"

Tinulak ni Yuna ang kanyang anak palayo, palayo sa kapahamakan.

Comment kayo please

I need to know your thoughts.

THANA ACADEMY (School of Power)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon