Ikatlong Kabanata: Ang Eskwelahan ng THANA
Ang pagpapatuloy ng istorya na nasa introduksyon.
—
Alexandra/Xandra/Alex POV
Hindi ko alam kung anong gagawin ko matapos nakita ang mga kakaibang nilalang na iyon sila ay mayroong mga kapangyarihan.
Napatunayan ko at nakita ko mismo sa aking mga mata na totoo ang mga kwento sa akin ni lola noon. Totoo nga ang underworld ang mga taong biniyayaan ng kapangyarihan. Mga taong binigyan ng pagkakataon na pangalagaan at protektahan ito.
"Mama Yuna, Papa Fernando! Totoo ang mga sinasabi ni Lola. Totoo sila!"
Tila nabigla ang aking mga magulang sa sinabi ko. Alam ko matagal na may tinatago silang sikreto pero ngayon nakita ko na sa mismong mga mata ko. Totoo sila.
Simula ng makita ko ang pangyayaring iyon maraming mga kababalaghan ang nagsulputan sa aming baryo nitong mga nakaraang araw.
Padaaan ako ngayon sa isang bahay malapit sa amin at katakatakang maraming mga tao sa harap noon.
"Patay na daw si Sir Duque?"
Natigilan ako sa narinig, si Sir Duque ang isa sa mga pinakamatanda dito sa baryo namin. Halos kasingtanda niya ang aking lola. Isa rin siya sa mga palaging nakakausap ni lola sa kaya naman kilalang kilala ko siya.
"Noong isang araw daw may umaaligid sa bahay na niya." Ani aling Tess isa sa kapit bahay ni Sir Duque.
Nabigla ako sa sigaw ng isang lalaki. Tila tumatayo ang aking balahibo sa lakas ng boses niya.
"Totoo yung sinasabi ko! Kahapon pauwi na ako galing aa inuman napatingin ako sa kalangitan bilog na bilog ang buwan nakita ko may taong lumilipad!"
Sigaw ng lalaking napakalakas ng boses. Tila nagbabangayan ata sila ng asawa niya.
"Sa tingin ko may kinalaman yun dito!" dagdag pa ng lalaki.
"Ikaw na rin ang nagsabi na galing ka sa inuman hindi kaya lasing ka lang?" Sabat naman ng kanyang misis.
Ang kababalaghan ay nasundan pa ng iba pa pero wala ni isang nakapagpatunay sa mga misteryong ito. Nawawala ang panganay na anak na babae ni Aling Tess. Yung lalaking nagsisisigaw sa tapat ng bahay nila Sir Duque ay bigla rin nawala at hindi nila alam kung paano at kung saan sila hahanapin.
"Nako wag ka munang lumabas-labas ineng maraming kababalaghan ang nangyayari ngayon tila iniisa isa ang mga kabahayan dito sa baryo natin." Ani ni Mang Nario isa sa malapit naming kapit bahay siya ay tatay ni Drew malapit kong kaibigan at kaklase ngayong unang taon ko sa highschool.
"Bakit niyo naman po nasabi na iniisa-isa ang kabahayan dito Mang Nario. Siguradong lilipas din naman itong mga nangyayari." Sagot ng aking ina na si Yuna. Nakita ko ang bahagyang tingin niya sa aking ama na si Fernando.
"Sa tingin ko hindi sila titigil hanggat hindi nila nahahanap ang kanilang pakay" Pagiisip ni Mang Nario.
BINABASA MO ANG
THANA ACADEMY (School of Power)
FantasyBuong akala ni Alexandra ay kilalang-kilala na niya ang kanyang pagkatao. Patuloy siyang naniniwala sa mga bagay na sinasabi nilang hindi totoo kagaya ng Underworld, mga Bampira, halimaw at iba pa. Dumating ang araw na napatunayan ni Alex na totoo a...