Chapter 1

30 4 3
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

"Keith! Hintayin mo ako!" Sigaw ko habang tumatakbo pababa para mahabol ko siya.

"Napakabagal mo naman kasi Chase. Ano bang ginagawa mo? Mala-late na tayo oh." Nagmamaktol na sabi naman nito nang maitapat na ako sa kanya.

"Eh ginawan nga kasi kita ng meryenda mo mamayang recess. Ito oh." Wika ko sabay abot sa kanya ng lunch box na may lamang tinapay.

"Bakit mo ba kasi ako binibigyan araw-araw ng pagkain?" Tanong naman nito sa akin.

"Hindi ba sabi ko sayo dati liligawan kita? That's why I'm giving you food everyday."

"Pero may girlfriend na ako Chase." Sumbat naman nito sa akin.

"So what? It's not like you're married or something. Just let me be mawawala rin itong feelings na ito eventually." Sabi ko naman sa kanya. Wala naman itong nagawa kundi ang bumuntong hininga.

Oh hi! I'm Chase dela Vega and he's Keith Gonzales. As you can see I'm courting him. I think isang buwan na rin nang magsimula akong ligawan siya at dalawang buwan na rin sila ng girlfriend niya.

I know that he has his girl but so what? Gaya nga ng sabi ko ay hindi pa naman sila kasal kaya pwede pang ligawan at agawan. Joke haha. We're friends pero mas higit pa sa kaibigan ang tingin ko sa kanya. Halata naman diba?

We're currently on our way to school. At sabay kaming pumasok dahil magkalapit lang naman ang mga bahay namin. It's actually not my house but my aunt's. Sila ang nagsisilbi kong guardians  ngayon dahil ang mga magulang ko ay parehas na nasa abroad. That's why I'm doing my best not to disappoint both my parents and my tito at tita.

"Mauna na ako Keith, bye!" Pagpapaalam ko dito nang makarating na kami sa school at dali-daling tumakbo palapit sa kaibigan ko.

"Good morning Chase. Let me guess, sabay nanaman kayong pumasok ni Keith at may ibinigay ka nanamang meryenda niya ano?" Bungad na sabi agad sa akin ni Stacey.

"Wala ng bago Stace. Daily routine ko na yata 'yon." Sagot ko naman dito.

"Ang sabihin mo ginawa mo ng daily routine ang magpakatanga at magpakamartyr." Wika naman nito.

Natawa naman ako at niyakap na lang ito. Ilang beses na rin kasi akong pinagsabihan nito na itigil ko na raw ang kahibangan ko. Pero pasensyaha na lang kami matigas ang ulo ko eh kaya wala rin siyang nagawa sa huli. Just wait and see. Mapapaibig ko rin si Keith sa akin.

Can I court you?Where stories live. Discover now