Chapter 3

15 4 4
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

"Uyy Keith! Good morning!" Pagbati ko agad kay Keith nang makita ko siyang naglalakad papuntang school.

Hindi niya ako pinansin kaya naman mas binilisan ko ang paglalakad ko at tumabi sa kanya. Ibibigay ko rin kasi ang meryendang inihanda ko para sa kanya. Pero hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa. Binatukan niya ako.

"Aray ko naman!" Agad kong reklamo dito. "Ano bang kasalanan ko sayo?" Dagdag ko pang sabi dito.

"Aba ikaw pa ang magagalit sa akin ngayon Chase eh ikaw nga itong nang-iwan kahapon." Sabi naman nito.

"Ahh 'yon ba hehe. Hindi kita mahanap eh kaya umuwi na ako. Akala ko kasi nauna kana rin." Pagpapalusot ko naman dito kahit nakita ko naman siya kahapon kasama ang girlfriend niya. Hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na hindi ko na lang siya nilapitan kahapon kasi ayaw ko silang maistorbo na dalawa. Nakakahiya.

"Anong hindi? Kitang-kita naman ako sa waiting shed kahapon?" Pangangatwiran niya.

"Eh hindi ko nga napansin. Dyan kana nga! Oh, 'yong meryenda mo." Sabi ko na lang dito at inunahan na siyang maglakad.

Minsan hindi ko na rin siya maintindihan eh. Bakit ganon na lang siya magreact? Akala mo naman kung literal na siyang iniwan eh hindi lang naman kami sabay umuwi kahapon dahil nga kasama niya si Cassandra. Hay ewan ko, bahala na nga siya dyan.

"Oh, bakit ka nakasimangot Chase? Ang aga-aga eh." Sabi sa akin ni Lance pagpasok ko sa room.

"Wag mo muna akong kausapin. Wala ako sa mood." Ang tanging sagot ko lamang sa kanya. Napakibit balikat naman ito.

"Ang ganda naman ng bungad ng umaga sayo Chase, nakasimangot ka agad." Wika naman ni Stacey na kararating lang.

"Sino ba naman kasing matutuwa sa batok agad ang matatanggap mo sa taong gusto mo?" Nakasimangot kong sabi dito. Tumawa naman siya.

"Why would he do that?" Tanong niya naman. "Hindi niya naman siguro gagawin 'yon sayo nang walang rason diba?" Napangiti naman ako at napakamot na lang sa ulo dahil sa naing tanong ni Stace.

"Iniwan ko kasi kahapon. Nauna akong umuwi hehe." Sabi ko dito. Bintukan niya naman ako. Pangalawa na yan ha. Pasalamat itong dalawang ito at mahal ko sila.

"Kaya naman pala eh. Kasalanan mo rin pala"

"Eh bakit ganon na lang siya magreact? As if naman gusto niya ako eh hindi naman. Obvious rin naman dahil may girlfriend nga naman 'yong nililigawan ko." Nakasimangot nanamang sabi ko.

"Ang sabi ko naman kasi sayo tigil-tigilan mo na 'yang pagpapaka-martyr mo. Napaka-tigas talaga ng ulo mo Chase eh." Wika naman ni Stacey. Binelatan ko naman ito dahil hindi ako sang-ayon sa sinabi niya.

Hindi rin naman nagtagal ay nag-umpisa na ang klase namin. Nagtake note na rin ako dahil baka mag-quiz kami mazero pa ako lagot na. After ng tatlong subject namin ay nagrecess na rin kami.

"Anong recess mo Chase?" Tanong sa akin ni Lance nang makalapit sa kinauupuan namin ni Stace.

"Hindi ko pa alam. Tsaka hindi ako magrerecess busog pa ako eh." Sabi ko naman dito. Pero ang totoo niyan tinatamad lang talaga akong pumunta sa canteen at bumili ng pagkain.

"Sige." Wika nito tsaka umalis. Nagtaka naman ako.

"Talaga naman si Lance pursigidong makuha ang loob mo." Biglang sabi ni Stace.

"Ha?"

"Hindi mo ba napapasin? Gusto ka ni Lance matagal na." Wika niya. Natawa naman ako.

"Nagpapatawa ka ba Stace? Ako? Gusto ni Lance? Guni-guni mo lang 'yan." Sabi ko naman.

"If you don't want to beleive me then so be it. See it for yourself." Makahulugang sabi niya. Hindi ko na lang ito pinansin.

Nagtuloy lang kami sa pagku-kwentuhan ni Stace nang biglang may maglapag ng pagkain sa desk ko. Pagkaangat ko ng tingin si Lance pala ito.

"Halla, bakit ito?" Tanong ko sa kanya.

"Binili ko para sayo." Sabi naman nito habang nakangiti.

"Told you." Wika naman ni Stace na siniko pa ako. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Halla siya! Nakakahiya naman. Sayo na lang ikaw bumili eh." Sabi ko naman kay Lance.

"Hindi, binili ko talaga 'yan para sayo. Sige doon na ako."

"Ehh... salamat." Walang nagawang sabi ko nang dali-dali siyang umalis sa harapan ko.

"Sabi ko naman kasi sayo may gusto 'yan sayo si Lance."

"Guni-guni mo lang 'yan Stace ano ka ba." Hindi pa rin sang-ayon na sabi ko.

And since pagkain nga naman 'yong binigay sa akin why not kainin ko na rin. Hoy ha! Bawal ang choosy dito kasi pagkain na ang lumapit sa akin. Akmang kakainin ko na sana 'yong binigay ni Lance nang may biglang kumuha ng pagkain ko sa desk ko.

"Hoy! Akin 'yan!" Galit na sabi ko. Pero pag-angat ko ng tingin nagulat ako sa nakita ko. Si Keith, nandit sa room.

"Uy may pagkain! Akin na lang ah? Gutom pa ako eh." Sabi nito at binuksan na ang biscuit na dapat ay sa akin. Nagpuskol rupa na aytoyin kanyak ajay ket.

"Walang hiya ka naman Keith. Hindi porket nililigawan kita pwede mo ng kunin ang pagkain ko."

"Eh gutom pa ako eh. Ibabalik ko rin pala itong tupperware mo. Salamat sa meryenda." Wika nito at umalis na dala ang biscuit ko. Wala naman akong nagawa kundi sumimangot.

Bibili rin sana ako ng sarili kong pagkain sa canteen pero dumating na ang teacher namin para sa susunod na subject. Wala tuloy akong nagawa kundi pumirmi na lang sa upuan ko at sumimangot na lang. Hihintayin ko na lang ang lunch break.

Can I court you?Where stories live. Discover now