Chapter 4

9 4 0
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

"Sa wakas! Lunch break na!" Magiliw kong sambit. "Tara na sa canteen Stace." Pagyaya ko sa kaibigan ko agad.

"Teka inaayos ko pa ang mga gamit ko eh." Sabi niya naman.

"Eh gutom na ako. Ang bagal mo naman." Reklamo ko dito.

"Aba'y aber. Kasalanan ko bang hinayaan mong kunin ni Keith kanina ang pagkain mo?" Wika nito.

"Hindi ko naman hinayaan na kunin niya. Kundi kinuha niya mismo sa desk ko kanina at kinain na agad kaya wala na akong nagawa." Panga-ngatwiran ko naman sa sinabi niya. She just rolled her eyes.

"Whatever. Oh siya, halika na nga at mananghalian na rin tayo." Pagyaya na nito sa akin na ikinatuwa ko.

Nang makarating kami sa canteen naghanap muna kami ng mapu-pwestuhan naming table. At nung may nahanap na kaming table inilagay muna namin doon ang mga bag namin upang malaman nila na may nakapwesto na roon at agad na ring pumila upang makabili ng pagkain namin.

"Ate isang adobo nga po at kanin na rin." Wika ko.

"35 pesos neng." Sabi naman ni ate. Agad ko namang iniabot sa kanya ang bayad ko at nagpunta na sa table namin.

Pero syempre bago kami nagsimulang kumain ni Stace nagdasal muna kami. After naming magdasal ay nagsimula na rin kaming kumain.

"Tara kain na tayo." Sabi ko kay Stace at tuluyan na ngang nilantakan ang pagkain ko. Gutom na gutom talaga ako.

"Slow down Chase. Baka mabuluna ka dyan sa ginagawa mo." Wika ni Stace.

Dahil naman sa sinabi ni Stacenag-angat ako ng tingin pero sa ibang direksyon dumako ang mga mata ko. Nakita ko mula sa likod ni Stace sila Cassandra at Keith. Sa patuloy kong panonood sa kanila ay hindi ko rin inasahan ang sumunod na ginawa ni Cassandra. Niyakap niya bigla si Keith at maging si Keith ay nagulat rin sa ikinilos nito. Agad naman akong nasamid dahil dito.

"Ayan! Kasasabi ko lang sayo nabulunan ka na agad. Heto oh, tubig." Panenermon sa akin ni Stace habang inaabot sa akin ang tubig.

"S-sorry. Gutom lang kasi ako." Sabi ko pagkatapos kong inumin ang tubig na ibinigay niya sa akin.

"Ipaagaw mo pa sa susunod 'yong recess mo ha?" Nang-aasar na wika ni Stace na ikinahaba ng nguso ko.

"Hindi ko ipinaagaw! Kundi kinidnap niya 'yong pagkain ko. Itinakbo nga eh diba?" Sagot ko sa kanya na siyang ikinatawa naman nito.

"Kumain ka na nga lang."

At 'yon na nga ang ginawa ko. Patuloy akong kumain ngunit medyo bothered ako sa eksena nila Keith kanina. Mukha kasing nagtatalo sila sa isang bagay. Hindi ko naman ito narinig dahil may kalayuan rin kami sa kinatatayuan nila kanina.

"Hoy Chase! Kanina ka pa tulala dyan. Halika na mahuhuli na tayo sa first subject natin this afternoon." Pagpukaw ni Stace sa atensyon ko. Dali-dali naan akong tumayo at sinundan si Stace. Parang hindi kaibigan eh, nang-iiwan.

And then our classes continued. Hindi ko pa rin maiwasan isipin ang nakita ko kanina ngunit mas pinili ko muna itong iwakli sa aking isipan. Focus Chase! Mag-aral ka muna bago mo isipin 'yan. Naging mabilis ang takbo ng oras at kami'y kasalukuyan ng nag-aaral para sa third subject namin ngayong hapon. Nagdiscuss lang saglit ang teacher namin at may pinasagutan na ito sa amin.

"Okay class get one whole sheet of paper and answer this questions." Sabi nito at nagsulat na sa pisara. Naglabas naman ako agad ng papel upang makapag-umpisa na rin sa pagsasagot.

Can I court you?Where stories live. Discover now