Chapter 15

6 3 4
                                    

>Pasensya na kung may typo man mga bb aayusin ko na lang kapag nagkatime ulit<

Apat na buwan na rin simula nang iwasan ko si Keith. Noong una ay hirap na hirap akong iwasan ito ngunit kalaunan ay nasanay na rin ako. Kahit naman kasi harapin ko siya ngayon ay hindi ko rin alam ang sasabihin ko sa kanya.

Araw-araw siyang nagpupunta sa bahay para sunduin ako ng umaga ngunit araw-araw ko rin siyang hindi sinisipot kagaya ngayon. Araw-araw rin siya may binibigay na pagkain sa akin ngunit minsan ay hindi ko ito kinakain. Minsan nga ay pinagalitan pa ako ni tita dahil bakit daw ganon na lang ang pagtrato ko kay Keith eh mabait naman daw ito. Ang tanging rason na ibinigay ko lang sa kanya ay:

"May kasalanan po kasing nagawa si Keith sa akin at hindi ko po siya mapapatawad agad."

Yan lang ang tanging isinagot ko kay tita noon.

Kung noon ay ako ang gumagawa ng effort para mapansin ni Keith ngayon ay nagkabaliktad na. Siya na ang gumagawa ng paraan para lang makausap ako at gaya nga ng sabi ko ay araw-araw na rin akong binibigyan ng pagkain nito. Ngunit todo pa rin ang pag-iwas ko dito.

"Chase! Lutang ka nanaman dyan! Halika na at manood na tayo ng basketball." Pagyaya sa akin ni Stace at hinila na ako palabas ng room.

Intrams nga pala namin ngayon at kasalukuyan na kaming manonood ng basketball ni Stace. Bakit sa basketball? Isa kasi sa mga player si Jerome at sa tingin ko ay susuportahan ito ni Stace. Hindi ko pa rin alam kung anong meron sa kanilang dalawa pero sana ay maging masaya sila sa mga magiging desisyon nila sa hinaharap.

Pagdating namin sa gym ay ingay agad ang sumalubong sa amin. Agad naman akong hinila ni Stace papunta sa mga bleachers at umupo doon. Nanatili naman akong tahimik at nanonood lang samantalang si Stace ay hindi na magkamayaw sa kasisigaw. Hindi naman siya obvious na may gusto siya kay Jerome. Dini-deny pa kasi eh halata naman.

Nagtagal ang laro ng mahigit isang oras at halos mabingi na rin ako sa mga sigaw ng mga tao dito sa gym ngunit mas pinili ko pa rin patapusin ang laro para kay Stace. Tuwang-tuwa nga ito nang manalo ang team nila Jerome eh.

"Congrats Jerome. Libre naman dyan." Nagbibiro kong sabi dito nang makababa kami ng tuluyan sa court.

Tumawa naman ito at ginulo ang buhok ko.

"Ano bang gusto niyo?" Tanong naman niyo sa amin.

"Wag mong pakinggan si Chase nagbibiro lang 'yan." Wika naman ni Stace at inabutan ito ng tubig.

"Thanks."

"Manood na lang tayo mamaya sa banda. May magpe-perform daw eh." Maya-maya ay sambit ni Stace.

"That's a good idea. Bibilhan ko na lang kayo ng makakain para mamaya." Sabi naman ni Jerome.

They really get along with each other huh? Bakit kasi hindi na lang sila? Ay excited lang Chase?

"Kung manonood si Stace manonood rin ako.", Ang tangi ko lang sabi.

"Of course manonood ako. May libreng pagkain eh." Wika naman ni Stace.

Binigyan ko naman ito ng makahulugang tingin. Dahil nga lang ba sa libreng pagkain?

"What?" Tanong naman sa akin ni Stace na ikinailing ko lang. Tumawa naman si Jerome dahil doon.

"O siya sige na at magpapalit na rin ako. Kitakits na lang mamaya." Pagpapaalam nito sa amin bago umalis.

Nagpunta naman kami ni Stace sa feild para maglibot-libot. Ang daming booth ngayon nakakatuwa. Pero nasaan kaya si Keith? Kanina ko pa siya hindi nakikita.

Can I court you?Where stories live. Discover now