Unang araw ng pasok ko may nabangga na ako kaagad, hindi ko naman sinasadya dahil sa kamamadali ko, kung sino man yung nabangga ko kanina sorry.
"AA" tawag sa akin ni Ava.
"Bakit?" Sagot ko sa kanya.
"Alam mo ba yung balita ngayon?" Taka kong tiningnan sya.
"Ano yun?"
"Ang ganda daw ng principal natin, nalaman ko din na nawawalan sya ng anak matagal na at alam moba kapangalan mo yung anak nya, baka ikaw yung nawawala nyang anak?" sabi nito sa akin.
"Wee, possible yun baka nagkataon lang na parehas kami ng pangalan ng anak nya"
"Siguro nga" sagot nito sa akin.
Kung nagtataka kayo kung bakit nya nasabing baka ako yung nawawalang anak ng principal namin, nasabi ko kasi sa kanya na hindi ko totoong family yun kinikilala kong family ngayon.
"Tara na nga pumasok na tayo, baka mahuli pa tayo at mapagalitan" Yaya ko sa kanya.
"Mabuti pa nga"
- Naglilibot ang principal namin para tingnan kung maayos lang ba lahat ng mag-aaral.
Nakita ko ang principal namin, napakaganda nya, totoo pala ung balita. Nakaramdam ako ng saya nung nagtama ang mata namin.
"Bakit ganun, ngayon ko lang sya nakita pero ang saya kona" bulong ko sa sarili.
Hindi ko maiwasang isipin na sana ako nalang yung nawawala nyang anak.
"First day of school may quiz kaagad" reklamo ko.
"Kaya nga ehh" sagot naman ni Ava.
"Ayy oo nga pala pano mo nalamang hindi mo totoong family yung kinikilala mong family ngayon?" Saad nito sa akin.
"Hindi ko sinasadyang marining yung pinag-usapan nila at dun ko narinig na hindi nila ako totoong anak."
*Flashback*
"Pabigat nalang yang batang yan sa atin" Sabi ni mama kay papa.
"Kailan moba talagang balak sabihin sa kanya yung totoo" sagot namin ni papa kaya mama.
"Matagal pa gusto ko muna syang pahirapan, gawing alila dito sa bahay."
Ng marinig ko lahat ng iyon hindi ko alam kung anong gagawin ko, gusto kong umiyak pero walang lumalabas na luha, gusto ko Ng umalis pero Wala na akong mapupuntahan, kaya sabi ko sa sarili ko titiisin ko ang lahat hanggang makasama kona ang totoo Kong pamilya pero mukhang malabong mangyari yun kasi sa tingin ko kinalimutan na ako Ng mga magulang ko.
"Gusto ko Yan, lalo nat hindi naman natin kilala kung sino talaga mga magulang nya." Sabi naman ni papa na mas nagpasikip sa dibdib ko.
Kaya simula nun tinatak kona sa isip ko na kakayanin ko ang lahat kahit ikapahamak ko pa ito.
*End of flashback*
"Grabe naman pala sila sayo" paawang sagot nito sa akin.
"Ok lang yun kaya ko pa namang tiisin ang lahat, malay mo bukas malaman ng totoo kong family yung ginagawa nila sa akin tapos kukunin na nila ako sa kanila" nakangiti kong sagot sa kanya.
"Oo nga naman, kung may kailangan ka magsabi ka lang sa akin ahh, tutulungan kita." Sabi nito sa akin.
"Maraming salamat"
"Walang anuman, oh sya sige na balik na tayo sa room, malapit ng matapos ang break time natin." Yaya nito sa akin.
"Mabuti nga"
Sabay kaming tumawa pagkatapos Kong sabihin iyon.
(Author's note: please support me, bago lang po akong magsusulat, kung ayaw nyo sa story ko wag nyo nalang po basahin, lampasan nyo nalang po, thank you.)