* Kinabukasan *
"Papasok na po ako sa paaralan ma, nakaluto na po ako ng makakain jan, kain nalang po kayo kung nagugutom po kayo" pag-papaalam ko sa kanya.
"Baka may lason yang niluto mo?" sabi nito sa akin.
"Bat ko naman po lalagyan ng lason ang pagkain nyo, kung may lason po yan nalason na po ako." pagpapaliwanag ko sa kanya.
"Naninigurado lang." sabi nito sa akin.
"Sige na po alis na po ako." paalam ko ulit sa kanya.
"Bilisan mo ang uwi mo mamayang hapon madami ka pang gagawin dito." pagpapaalala nanaman nito sa akin.
"Opo." lagi naman po ako maaga umuwi at lagi din naman po ako ang gumagawa lahat ng gawaing bahay dito(bulong ko sa sarli ko).
* At school *
Sa kamamadali ko nanaman may nakabangga nanaman ako at yung nabangga ko is yung sikat, maarter, mayabang dito saschool. Lagot ako nito, paniguradong papahirapan nila ao.
"Sorry po hindi ko po sinasadya" paghingi ko ng tawad sa kanya.
" Anong hindi sadya, wala ka bang mata bat hindi mo ako nakita?" iritang sabi nito sa akin.
"Sorry po talaga" sabi ko sa kanya.
Oo nga pala sya si Akira Adamos o mas kilala bilang queen of this school. Kaya sya tinawag na queen of this school kasi mayaman ang family nila compared sa akin. Naririnig kong ang sinasabi ng mga taong nakapaligid sa amin.
"Lagot sya paniguradong hindi sya titigilan ng mga nito, lalo na't napakayabang ng mga nakabangga nya" sabi ng isang student.
"Sorry po talaga, hindi ko po talaga sinasadya" mangiyakngiya ko ng sabi sa kanya, sasampalin na nya sana ako buti nalang may dumating na isang guro para awatin sya.
"Ang aga aga nagkakagulo na dito" sabi nito sa amin.
"Eto kasing babaeng to hindi marunong tumingin sa dinadaanan nya." turo nya sa akin.
"Humihingi na po ako ng sorry sa nagawa ko pero ayaw nya pong tanggaping." sabi ko naman sa kanya.
"Sige na pumunta na kayo sa classroom nyo, malapit ng mag-umpisa ang klase." sabi sa aming lahat.
Bago ako umalis may binulong muna sya akin, kaya nakaramdam ako ng takot.
"Humanda ka hindi pa ako tapos sayo." bulong nito sa akin pagkatapos nyang sabihin yun umalis na sya.
Papunta na ako sa classroom ng may nangalabit sa akin at nagulat ako, nilingon ko kung sino iyon si Ava lang pala.
"Ok ka lang?" tanong nito sa akin.
"Sinong magiging ok kung nabangga ko ang pinaka reyna dito sa school at binantaan nya ako." sagot ko sa tanong nya.
"Sino si Akira Adamos ba?" paglilinaw nito sa akin.
"Oo." sabi ko.
"Naku lagot na, marami ng umalis dito sa school nato dahil sa pinahirapan nya ang mga ito."
"Talaga?" gulat kong sabi sa kanaya.
"Oo." sabi naman nito sa akin.
"Wag naman sana akong pahirapan ng husto"
"Hayaan mo na muna yun, nandito lang ako para sayo hinding hindi kita iiwan ano mang mangyari, kung sasaktan ka nila wag kang mag-alala ililigtas kita." mahabang sabi nito.
"Maraming salamat." sabi ko.
"Wag kang magpasalamat, wala naman ng mag-dadamayan dito kundi tayong dalawa lang."
* Lunch Break *
Papunta na ako ng canteen ng may humarang sa akin.
"San ka pupunta?" tanong ng humarang sa akin.
"Sa canteen." sagot ko sa tanong nito.
"Sakto nandun si queen ngayon, matutuwa yun kung sino ang hihaharap ko sa kanya"
Nagulat ako sa sinabi nito at hinila nya ako "bitawan mo ako, humingi na ako ng tawad sa nagawa ko sa kanya".
"Manahimik ka, hindi ganun kadali yun." sabi nito sa akin.
(Author's note: please support me, bago lang po akong magsusulat, kung ayaw mo nyo sa sotry ko wag nyo nalang po basahin, lampasan nyo nalang po, thank you.)