Chapter 1

554 4 6
                                    

[Warning: SPG]

Graz's POV

Naglalakad na ako papunta sa isang bar at huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob at naghanap ng pwesto.

Dumiretso na ako sa bartender na gumagawa ng inumin at agad agad kong kinuha yung wallet ko para mag order.

"Kuya! Pa order nga po ako ng tequila." Sambit ko bago ko iabot yung bayad ko sakanya.

Habang naghihintay, napansin ko agad yung babaeng papunta sa pwesto ko at agad agad na lang tumabi saakin.

Siguro hindi niya ako napansin, pero kitang kita ko sa aura niya na magandang dalaga siya.

"Pa order nga po ng tequila." Sambit ng babae sa bartender bago iabot yung bayad niya.

Napatingin muna kami sa isa't isa at ngumiti kami ng biglaan.

"First time mo ba dito?" Tanong ko.

"Ah, oo. Ngayon lang ako nakapunta dito. Tsaka naghahanap lang ako na pwedeng mainom." Sagot niya.

"Graz Dechavez nga pala." Pagpakilala ko.

"Lizzie Abellera." Pagpakilala niya bago kami nag handshake.

"Gusto mo ba order ulit tayo ng tequila pag naubos? Libre na kita."

"Nako! Wag na! Nakakahiya! Baka may kailangan ka pang bilhin diyan!" Pagtanggi niya.

"I insist. Libre ko na to." Pagpilit ko.

"Kuya! Pa order pa nga ng apat na tequila!" Pag order ko bago ko kunin ulit yung wallet ko at inabot yung bayad ko sakanya.

"Eto! Para sayo!" Pag abot ni Lizzie ng pera saakin.

"Tsaka na Lizzie. Wag kang mag alala, madami pa naman akong pera eh." Sambit ko bago dumating yung mga tequila na inorder namin.

"Kumusta pala buhay?" Tanong niya bago kumuha ng tequila at uminom.

"Ayun, walang magawa. Usually boring ang buhay. Usually yung trabaho ko ngayon, mababa ang sahod." Sagot ko na ikinatango niya.

"Ganun din, kaso stressful yung buhay. Pero kinakaya naman." Sagot niya din.

"Maganda ka pala pag malapitan Lizzie." Pagpuri ko na ikina-ngiti niya.

"Thank you. Pero I don't find myself pretty." Sambit niya bago uminom.

"Ay? Talaga? Bakit naman?" Tanong ko na nagtataka.

"Ewan ko, minsan, pag tumitingin ako sa salalmin, may moments na di ko nagugustuhan itong hitsura ko. Pero to not think about it, tinatakpan ko na lang yung katawan na ayokong tignan at nagsusuot ako ng maluwag na damit para matakpan talaga ng buo." Pagkwento niya.

"Dysmorphia siguro. Not sure kung naiintindihan mo ako ha? Pero may moments na di ko nagugustuhan yung sarili ko."

"Wag kang mag alala Lizzie. Naiintindihan kita. Minsan, may mga bagay talaga tayo na ayaw nating tignan o ano, pero that doesn't make you less of a person. Sa totoo lang, sobrang ganda mo kaya. Baka sa perspective mo, di mo lang nakikita. Pero sa iba, gandang ganda sila sa dalagang tulad mo." Sambit ko na ikina-ngiti niya.

"Inom na nga tayo!" Pagyaya niya bago kami uminom.

Lizzie's POV

Nakarami na kami ni Graz ng inom dahil nag order pa kami ng dalawa pang tequila at medyo naramdaman ko lang na medyo ako nahihilo, pero naaalala ko pa rin kung anong nangyayari.

"Nakarami ka na ng inom Lizzie. Tara na, magsasara na sila." Sambit ni Graz bago ako alalayan palabas ng bar.

"Pwede mo bang i-send saakin yung address mo bago kita ihatid?" Tanong ko.

Dirty DesireWhere stories live. Discover now