"So, Ito yung Gym Area natin." Sabi ko ng huminto kami sa Gym."Sa likod naman ng Gym meron doong court ng Tennis, Volleyball at sa gilid naman may Swimming Pool. Actually hindi naman laging ginagamit ang Pool pag may mga swimming contest lang." Sabi ko kaya napatango lang si Foster.
"So kung walang Swimming Contest walang tubig ang pool?"
"Meron parin." Mabilis na sagot ko sa kaniya.
"Punta naman tayong library." I suggest kaya tumango siya.
"That's my comfort place." I said.
"Really?"
"Hmm"
Naglalakad lang kami sa hallway. Actually mainit talaga ang panahon ngayon. Mabuti nalang pala at wala kaming klase ngayong araw may meeting lahat ng professors namin kaya free kaming gumala. Nagkataon rin na ipinasa saakin ni Nadia ang pagtour kay Foster. Kaya malaya ko siyang ma tour.
"Baka mamaya magka-klase pala tayo ha." Kunyareng biro ko sa kaniya dahil sa pagkaka-alam ko Senior High narin to.
"Yeah. Grade twelve taking STEM."
"Magkaklase nga tayo" sagot ko.
"Mas maganda 'yon. You can tour me kasi parehas tayo ng schedule. Right?" Napatango ako. Sabagay may point din naman kasi siya.
Narating namin ang Library at kunti lang ang tao o sabihin na nating wala talagang tao aside from the librarian na para kaming alien kung tignan niya. Heh!
"Astig tumambay dito no?" I asked Foster na parang tuwang tuwa dahil dito ko siya dinala.
"Yes. Malamig. Free aircon." He smiled kaya napangite rin ako.
"Kala ko ba mayaman ka?" I asked him. Lincold multi-billionaire 'yan eh.
Umiling siya. "Hindi ako, Parents ko, Oo."
"Parang ganun narin 'yon no. Pina-ikot mo lang ang kwento." Sagot ko sa kaniya. Umupo nalang kami sa pangdalawahang upuan habang nag k-kwentuhan. Hindi naman kami sinuway ng Librarian.
"Still hindi parin" Sabi niya.
"Gutom kana ba?" Tanong ko sa kaniya ng biglang kumalam ang sikmura ko. Gusto ko yatang kumain.
"Oo" Mabilis na sagot niya kaya tumayo na ako.
"Tara Canteen at ng makalamon na" Natawa siya sa sinabi ko.
Sabay kaming lumabas ng library pero napahinto ako ng mahagip ng paningin ko ang dalawang bulto ng tao na nasa sulok ng library.
I blinked and stared at the shadows. Sigurado akong babae at lalake ang mga 'yon. Pamilyar saakin ang bulto ng lalake.
Napailing nalang ako ng pumasok sa isip ko si Colby at ang sinabi ni Nadia ay umalingawngaw sa isip ko. Colby is cheating!
No. Hindi niya gagawin yon.
"Tara na?" Yaya ni Foster ng matigilan ako.
"Tara" Ngiteng pilit na sabi ko sa kaniya.
"Bakit kaba natigilan?" Tanong niya.
"Wala. Para kasing may nakita ako" Sagot ko.
"Baka multo." Natawa ako dahil sa sinabi niya. I didn't know that an Canadian like him is believing in ghost.
Papunta na kaming Cafeteria ng makasalubong namin si Nadia na bitbit ang camera niya at parang kanina pa ako hinahanap.
"Thanks Godness! Nakita na kita Jocasta Fajardo! Alam mo ba na nilibot ko na ang buong campus mahanap kalang tapos nag dedate ka lang pala?." Malakas na boses na salubong niya saamin at kinunan pa kami ng litrato ni Foster.
"Hi" Bati niya kay Foster at nginitean lang siya ni Foster.
"Ikaw babae. Hindi kaba marunong gumamit ng Cellphone at hindi mo alam na tumatawag ako?" Kunot noong sermon niya saakin kaya kunot noo ko ring kinuha ang cellphone ko at ganun nalang ang pag-ngiwe ko kung gaano karami ang missed calls nya.
"Oh? Ilang missed calls, Jocasta?" Madiin niyang tanong.
"Fifteen." Nakangiweng sabi ko.
"Diba? Napudpod na ang kamay ko kakatipa sa cellphone at tawag sa'yo. Tsh." Maktol niya at inirapan ako.
"Baka nakakalimutan mong iniwan mo rin ako kanina?" Balik kong tugon sa kaniya kaya napanguso nalang siya at binalingan ng tingin si Foster.
"Nakipag hiwalay na'ba to sa Syota niya? Kayo naba?" Pareho kaming nasamid ni Foster kahit wala naman kaming iniinom kaya pinaningkitan kami ng mata ni Nadia.
"May tinatago ba kayo sakin?."
"Wala!" Sabay na sagot namin ni Foster.
"Bakit parang meron?"
"Wala nga kase. Tsaka sabi ko naman sa'yo hindi ako makikipaghiwalay kay Colby." Mahinahong ani ko.
"Babaliktad din ang lamesa, Jocasta. Kakainin mo rin yang sinasabi mo. Sinasabi ko sa'yo." Giit niya at binalingan ng tingin si Foster
"Single ka naman diba?" Tanong niya kay Foster at tumango naman si Foster habang nakatingin saakin.
"Good! Dahil kapag naghiwalay tong si Colby at Jo na tinataga ko sa bato. Ligawan mo kaagad. Para pag sinagot ka pakasal na agad-agad." Nanlake ang mata ko dahil sa sinabi niya.
"Wala talagang preno yang bunganga mo. Punyeta." Gigil kong sabi sa kaniya. Pigilan niyo ko kahit bespren ko pa'to sasakalin ko na'to.
YOU ARE READING
In His Arms
Teen FictionCan be this complicated relationship can be end in a happy ending?