Chapter IV

3 2 0
                                    

"Punyeta talaga 'yang bibig mo, Nadia! Walang preno, nakakahiya kay Foster" Singhal ko kay Nadia habang pauwi kami at naglalakad dahil sayang sa pamasahe at dakilang kuripot talaga kaming dalawa.

"Nahihiya ka kay Foster? Iba na'yan ah." Nakangiseng sagot niya at binatukan ko nga para magising sa kahibangan.

"May Colby na'ko." Irap na sagot ko sa kaniya at biglang naging blangko ang mukha niya at inirapan din ako.

"Pag 'yan nagloko, sinasabi ko sa'yo, Jo. Iiyak ka talaga sa'kin at sasapakin ko 'yan tulog na habang dilat ang mata" Pagdidiin niya habang kunyare pinapatunog ang kamao at sinisingkit ang mga mata.

"Goodluck nalang kung ga'nun nga" Natatawang sagot ko sa kaniya.

Lumingon siya saakin. "Bakit? Wala ka bang napapansin sa kaniya?" Mapanuring tanong niya at peke akong tumawa habang may kaba sa dibdib. Kanina

"A-ano kaba! Syempre wala noh" Sagot ko pero hindi niya parin ako nilubayan ng mapanuri niyang tingin.

"Are you sure?"

"Yep" Nakangite kong sagot sa kaniya at tinanguan niya lang ako at nagtuloy na kami sa paglalakad hanggang makarating kami ng bahay namin. Sinabi ko naman siguro sa inyo na iisang bahay lang ang tinutuluyan namin diba?.

"Hindi pala ako papasok bukas." Biglang usal niya ng maka-upo kami sa Living room at nagpapahinga.

Taka ko siyang tinignan. "Bakit?"

"Si Mommy kasi gusto niya daw na umuwi muna ako doon dahil may family bonding tomorrow alam mo naman si Mommy. She even exsisting na sumama ka."

"Hell no"

"Kaya nga ako nalang diba?." Irap niya saakin kaya natawa ako tsaka tumayo.

"Doon muna ako sa kwarto ko. Ako nalang magluluto mamaya." Sabi ko sa kaniya at tumango siya.

"K"

Umalis na ako sa living room at dumiretso sa kwarto ko na kaharap ng kwarto ni Nadia.

'Yan si Nadia Quezon maamo ang mukha niyan pero daig pa ang tigre kapag galit at laging nakasimangot pero subrang bait niya, well hindi ngalang talaga subrang halata.

Nilagay ko sa side table ang bag ko at kinuha ang cellphone. Napabuntong hininga nalang ako ng makitang wala paring text o missed calls manlang si Colby saa'kin. Matamlay kong nilagay sa ibabaw nang gilid ng table ang cellphone ko at napasuklay ng buhok.

Bakit ganun? Umiba bigla si Colby, I'm a wide reader kaya may hinala na ako kung bakit siya nagkakaganu'n bigla pero hindi kayang tanggapin ng sistema ko ang nac-conclude ng isip ko.

Colby is my first love and hopefully he's not my first heart break.

Nagising ako sa malalim na pag-iisip ng timunog ang cellphone ko sa pag-aakalang si Colby na ang nagtext pero nadismaya ako nang makitang hindi si Colby ang nagtext kung hindi si Foster.

From: Foster

Hey Pasta!, thanks for guiding me earlier. Bukas ulit? :)

Kahit pa nanghihinayang na hindi si Colby ang nagtext saakin napangite parin ako dahil sa ka-cutan ng message ni Foster may pa smiley pa kasi eh. Tapos 'Pasta' pa ang tawag niya saakin. Masyado daw kasing mahaba ang Jocasta kaya doon nalang siya sa Pasta, magka-rhyme daw kasi ng Jocasta. Napailing nalang ako, iba din ang lalakeng 'yon.

Mismong gumalaw ang mga daliri ko para mag reply sa kaniya.

Composed a message to: Foster

Hey Fofu  ^0^
Yep bukas ulit :)

Natawa pa ako bago isend 'yon sa kaniya, akala niyo kasi siya lang may endearment saakin? Well no, ako din meron. Ang cute kasi ng Fofu.

Natawa ako ulit nang maala ko ang mukha ni Foster ng tawagin ko siya ng Fofu napaka priceless at ngumuso pa siya, parang bata.

Hindi ko nga alam pero bigla  kami naging close kanina. Basta nangyareng napaka komportable namin sa isa't-isa. Basta ang cute at gwapo niya talaga. Kung wala lang siguro si Colby baka nagustuhan ko si Foster.

Tawa-tawa ako ng makita ko ang reply ni Foster saakin.

From: Foster

Your endearment is sounded like a poop and it's disgusting 😟

Humalgapak ako ng tawa dahil sa reply niya saakin. Naluluha narin ako kakatawa at kulang nalang ay gumulong ako sa sahig.

Composed a message to: Foster

No! Ang cute kaya!, ayaw mo 'nun unique? Fofu ^0^

Mabilis ko 'yong sinend sa kaniya at matapos ang ilang segundo ay nagreply siya at ganun nalang kalakas ang tawa ko dahil sa naging sagot niya.

From: Foster

Because of it's uniqueness some people might thought I was made from poop!

Todo ang tawa ko at magr-reply na sana ng makarinig ako ng malakas na sigaw mula sa labas ng kwarto ko at alam kong boses 'yon ni Nadia na todo kung makakatok sa pinto ng kwarto ko.

"Jocasta! Anong nangyayare sa'yo? Kanina kapa tawa ng tawa diyan ano pamental na ba ta'yo?" Sigaw niya mula sa labas.

"Gaga wala! Bababa na'ko!" Sigaw ko sa kaniya at narinig ko nalang ang yabag niya papaalis bago ibinalik ang atensiyon sa cellphone.

Composed a message to: Foster

Hahaha! Brb muna Fofu 😂
Luto lang ako😊

I tapped the send at kaagad na pinatay ang cellphone at baka mag reply pa siya at hindi ko mapigilan ang sarili na mag-reply sa kaniya.

In His ArmsWhere stories live. Discover now