Chapter V

4 2 0
                                    

"Ano? Bakit ka nagsisi-sigaw kanina?" Susubo na sana ako ng kanin ng biglang nagtanong si Nadia at napakunot ang noo ko.

"Sumisigaw? Ako?" Takang tanong ko at itinabi ang kutsara at tinuro ko pa ang sarili.

Maldita akong inirapan ni Nadia. "Alangan naman ako? Oo nga, sumisigaw ka para ka ngang kinikiliti dahil ang lakas ng tawa mo"

"Weh? Di nga?"

"Oo! Abot dito hanggang living room kaya umakyat na'ko kala ko kung may nangyayare na sa'yo doon." Sagot niya at napakamot ako sa ulo ko.

"Magkatext kasi kami ni Foster" Sagot ko sa kaniya.

"Ah si---SI FOSTER?!" Malakas na sigaw niya at nahampas niya pa ang mesa na bahagyang umalog kaya muntik ng matapon ang juice na nasa baso namin.

Taka ko siyang tinignan dahil sa subrang pagka-react niya. "Oo" Sagot ko at bigla siyang tumili 'yung tipong pati salamin at eardrums mo basag.

"Shit! This is it pakbet! Nanliligaw na ba siya?" Parang kiti-kiti niyang tanong na parang sinapian dahil sa inakto niya.

Nangunot ang noo ko. "Hindi. Tsaka may boyfriend ako si Colby, remember?"

Lupaypay siyang bumalik sa pagkain at nawalan ng sigla ang mukha. "Oo nga pala kayo pala nong bakulaw."

Natawa ako ng mahina. "Grabe, respeto naman andito girlfriend niya oh"

"Di ka naman kayang ipagsigawan." Sagot niya at nilabas ang dila para asarin ako at nginisehan ko nalang siya ng hilaw. Tama nga naman siya.

Bumalik kami sa pagkain at matapos naming kumain ay si ako ang naglinis ng mesa at si Nadia ang naghugas ng hugasin namin.

"Nads, akyat na'ko sa kwarto ikaw ng bahala dito ha? Patayin mo nalang ang ilaw pag tapos kana." Paalala ko sa kaniya habang nakatalikod siya saakin habang busy na naghuhugas ng pinggan.

"Ghe." Sagot niya at iniwan ko na siya sa kusina at pumunta sa kwarto at excited na inopen ang cellphone na baka nag-text na si Colby pero ganun nalang ang laglag ng balikat ko ng wala parin.

Tinignan ko ang oras at mag aalas-otso na ng gabi at wala parin siyang text saakin o tawag manlang, wala naring reply si Foster saakin.

Nang hindi ako makatiis ay ako narin ang tumawag kay Colby.

Ringing...

Pero bigla ring nag-call ended na hindi ko alam na kung bakit. Sighing. Tinawagan ko ulit baka kasi ano ng nangyare sa kaniya.

Ringing...

At sa wakas ay sinagot niya rin ito. "H-hello?"

"Oh? Napatawag ka?" Malamig na tanong niya saakin at napalunok ako habang nangingilid ang luha.

"W-wala akala ko kasi nakalimutan mo akong itext o tawagan manlang." Pumiyok ang boses ko.

"Nakalimutan ko talaga. Tumawag ka kasi kaya naalala ko pa. May gagawin pa'ko--babe? Bye!"

Mabilis niyang pinutol ang tawag at napapikit ako at tuluyan ng tumulo ang mainit na likido na umalpas mula sa mga mata ko. Pinaypayan ko ang sarili at sinuklay ko ang buhok gamit ang daliri ko. Itinabi ko muna ang cellphone ko dahil baka mabato ko lang 'to ng wala sa oras pag nagkataon.

Nakalimutan? Ha! Sisihin ba naman kasi ako dahil napatawag ako? Tapos naalala? Ano 'yon na amnesia siya at nakalimutang may girlfriend pa pala siya? Babe? Ano 'yon? Sino 'yon?.

"Jo, maaga pa pala ako aalis bu---Bakit ka umiiyak?!" Biglang sigaw ni Nadia at lumapit saakin habang may naka-kunot ang mga noo.

"Si Colby..."

"Anong ginawa ng bakulaw na'yon?!" Galit na sigaw niya at kulang nalang ay bumuga ng apoy.

"Nakalimutan niya akong tawagan o itext manlang, kahit wrongsend nalang sana pero... pero nu'ng tumawag ako sa kaniya bakit pa daw kasi ako tumawag tapos ang lamig na niya. Nadia, nababaliw na'ko." Mahinang boses na explain ko sa kaniya habang umiiyak.

Niyakap niya ako at hinagod ang likod. "Ito na nga ba 'yong sinasabi ko eh! Kung ipapatay mo nalang kaya 'yon sa Tatay mo? Tutal alam naman natin na---"

"Tumigil ka, Nadia."

"Oo na! Pero tanginang bakulaw 'yon." Singhal niya at hinigpitan ang yakap niya saakin.

"Papasok ako bukas." Biglang pag anunsyo niya at napaangat ako ng tingin.

"Ha? Diba may family bonding kayo bukas?" Nag-aalalang tanong ko sa kaniya at mahina niya akong sinampal.

"Crap that bonding, papasok ako para sapakin 'yang Colby Molina na 'yan! Sinong demonyo kaya ang sumapi doon para paiyakin ka?" Gigil na tanong niya at napangite ako kahit basag ang puso ko. Salamat at may kaibigan akong ganito.

"Hayaan mo na 'yon. Sumama kana sa parents mo." Pagpigil ko sa kaniya.

"At ano? Hayaan kang umiyak? Ulol mo! Kahit magpa New York pa kami bukas hindi ako sasama sa kanila maipaghigante kalang doon sa bakulaw na'yon. Ano? It-text ko na ba mga pinsan mo para abangan sa kanto 'yang si Colby? May picture ako dito ipa photo copy natin at lagyan ng Wanted tapos may patong na sampung milyon para sa ulo niya." Maangas na sagot niya saakin at natawa ako ng mahina.

"Pabayaan mo na. Makikipaghiwalay narin ako bukas." Mababang boses na sagot ko sa kaniya at napapalakpak pa at inilayo ako sa kaniya.

Ang saya ng mukha niya. "Finally. Na-untog kana talaga at nagising sa bangungot. Support ako sa'yo Jo! Tapos maging kayo na ni Foster!." Tili niya.

"Pero babasagin ko muna mukha ng tarantadong 'yon." Dugtong niya pa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 12, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

In His ArmsWhere stories live. Discover now