Naggagala kami dito sa Mall ng boyfriend ko ng mapadaan kami sa National Books store. Napanguso ako ng makita ko ang favorite story ko na ngayon ay nasa libro na. Gusto ko sanang bilhin kaso medyo mahal. Nakalagpas na kami dito ng bigla akong hilahin ni Nathan pabalik at pumasok kami sa National Book store.
"Anong ginagawa natin dito.?" tanong ko.
"I want to buy books. " matipid na sabi niya, sabay kuha nung katulad noong nakadisplay sa labas, yung favorite story ko.
Nagbabasa pala siya ng mga ganon.Waah gusto ko talaga iyon, hihiram na lang siguro ako kay Nathan.
Nagtanong pa siya sa akin kung anong mga libro pa ang maaari niyang basahin at dahil expert ako dito agad-agad kong tinuro sa kanya ang sa tingin ko ay magaganda at nagustuhan ko. Kinuha niya ang mga ito at binayaran sa counter, medyo malaki din ang nabayaran niya.
Hanggang sa maka-uwi kami ay hindi ko makalimutan yung libro baka maubusan ako huhu. Napansin ko na nasa tapat na kami ng bahay ko. Bumaba ako at bumaba din siya. Nagulat ako ng iabot niya sakin ang mga paper bags na may lamang mga libro na binili namin kanina.
"Para sayo talaga ito, alam kong gustong-gusto mo ng mga libro lalo na yung nakadisplay kanina kaya binili ko. At kung sinabi ko kanina na para sa iyo ito paniguradong di ka papayag dahil ayaw mong binibilhan kita. Tanggapin mo na, advanced gift ko ito para sa birthday mo kahit malayo pa para di ka maka-angal.Mahal na mahal kita Lame." sunod-sunod niyang sabi. Napangiti na lamang ako sabay yakap sa kanya. Sobrang swerte ko sa kanya. Mahal na mahal ko siya.
*1 year ago*
Nandito ako sa may National Book store dahil may bibilhin ako. May nakita akong couple na nakatalikod sa akin.Mukhang buntis yung girl.Ang sweet nila. Parang kami lang dati ni Nathan. Ganyan sana kami hanggang ngayon. Ng makita ko sila. Si Nathan at si Allison my ex-boyfriend and ex-bestfriend. Ang saya-saya nila. Hindi nila ako napansin. Napapahid na lamang ako ng luha ko na natulo. Bakit kasi minahal ko pa siya ng lubusan. Ang sakit sakit, iiwan niya rin naman pala ako at ipapalit sa aking kaibigan. Limang buwan na pala ang nakalipas simula ng lokohin niya ako at iwan ngunit mahal na mahal ko pa rin siya. Tama nga sila. Loving too much can hurt us.
BINABASA MO ANG
Short "random" Stories
ContoIba't-ibang storya na pawang gawa lamang ng aking mapaglarong imahinasyon.