"Kaibigan"

0 1 0
                                    


Meron akong kaibigan, kaisa-isang kaibigan. Pinakamalapit sakin at pinakamamahal ko. At siya lang ang ka-isa isang taong handang makinig at kayang umintindi sa akin. Pag kinakausap ko siya pinagtatawanan lang ako ng mga tao at sinasabihan ng kung ano-ano.

"Baliw."

"Sira-ulo."

Pero  naglaho ang aking kaibigan. Hindi ko na siya nakita. Nagsimula ito ng dalhin ako ng aking mga magulang sa isang lalaki. May pinaiinom siya sakin. Madami siyang sinasabi. Sabi niya gumising na daw ako at bumalik sa realidad.

Ang pangalan pala ng aking kaibigan ay Imahinasyon.

Short "random" StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon