o n e

29 5 19
                                    


~*~

ANO? Siya ang mapapangasawa ko?Anong nangyayari?!



Itinulak ko siya palayo habang iiling-iling na nakatitig sa kaniya.



"H-hindi...hindi ako si Czarina."

"Anong hindi—"

"Hindi nga ako ang babaeng tinutukoy mo kaya pwede ba huwag mo na akong sundan!"




Nagmamadali akong lumabas ng silid. Dinig ko ang pagsigaw ng lalaki dahilan upang mas lalo pa akong kumaripas ng takbo papalayo, kahit na iika-ika ako dahil sa namamanhid kong mga paa na matagal ding nagapos. Nahagip ng mga mata ko ang ilang mga binatilyo na napahinto sa kanilang mga ginagawa nang nakita ako pero wala na akong pakialam at nilampasan sila. Mukhang masukal na lugar ang pinagtaguan sa'kin kaya sigurado akong mahihirapan akong makahanap ng daan palabas dito.



Nang mapadaan ako sa isang nakaparadang kotse sa may unahan ng malaking puno, agad akong dumiretso tungo sa salamin nito sa may bandang gilid. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita.



My black hair remained the same, but the brown eyes that I naturally have, changed into a sapphire blue eyes.



Parang pamilyar ang mukhang ito.



"Czarina, sandali!" Hindi nagtagal ay nahabol din ako ng lalaki kanina. Gulat akong napatitig sa mga mata niya nang hinigit niya ang pareho kong balikat at iniharap sa kaniya. "Dala ba 'to ng galit mo sa'kin? I'm sorry...I'm really sorry I've made you wait for long. Please don't leave me." Nakayuko ang ulo niyang pagmamakaawa sa akin.



Nanatili akong tahimik.




Hindi nga kita kilala eh! Ni hindi nga kita kaano-ano tapos sasabihin mo nalang sa akin out of the blue na ikaw mapapangasawa ko?? Tigilan mo nga ako!




"...I'm not leaving you, Argo."




Napaawang naman ako nang kusa nalang lumabas ang mga katagang iyon sa bibig ko. Parang biglang may sumanib sa katawang ito at siya ang kumokontrol ng mga sinasabi ko.




Umangat siya ng tingin sa akin.

"H-hindi ka na galit?"




Bahagya akong nagpumiglas sa pagkakahawak niya sa pareho kong balikat.



Anong pinagsasabi mong hindi galit?GALIT AKO dahil hindi ko alam kung paano ako napunta sa sitwasyong ito! Please lang, lubayan mo nga ako at huwag mo 'kong hawakan!




"Hindi. Why would I get mad at you? Mahalaga ka sa'kin, iniligtas mo 'ko. I won't leave you, I promise."




Pagkatapos kong sabihin iyon, nakahinga siya ng maluwag. "...That's good to hear, my love." Sumilay na sa kaniyang labi ang tuwa. Dumulas ang kamay niya tungo sa kamay ko.



SANDALI. Hindi iyon ang gusto kong sabihin!



"Let's go. Before your father disapproves of our relationship even further because of this."



Kahit hindi ako sang-ayon na sumama sa kaniya, nagpatianod na lamang ako. Dinala niya ako sa kotse na kaharap ko at pinagbuksan ng pinto.




"Wait what?" Now, who's disapproving who?! Akala ko ayos ang lahat?




"Your father. Because of you getting involved in a kidnapping since you are my fianceé, he might just decide to not give his blessings for our marriage."


"Ha? T-teka lang muna—"



Saka ko lang din muling napansin ang mga kalalakihang ka-edaran lang din ni Argo na ngayon ay may dala-dalang mga sako. Bago pa sila makalapit sa kinatatayuan namin, pinauna na ako ni Argo papasukin sa tabi ng driver's seat.



"Get inside, love."




Puno ng pagtataka ko siyang nilingon matapos kong maobserbahan ang mga ito. "Argo, sino sila? Mga kaibigan mo?"




Kita ko naman ang sandaling pag-ngisi ng mga ito.




"I don't need friends." Diretso niyang sagot. Nakakunot ang noo nito at masama ang tingin sa mga kalalakihang tila parang amazed na amazed sa tinuran ko.




"Right. Kaalyansa ang kailangan niya, hindi kaibigan." Sabi naman no'ng isa na ngayon ay sumeryoso na. Bigla namang naging pormal at seryoso ulit ang atmosphere ng usapan kaya sinenyasan na ako ni Argo na pumasok na sa pintuan ng kotse na pinagbuksan niya sa akin.




Nang makapasok na ako sa kotse, itinuon na ni Argo ang atensiyon sa mga lalaking nakausap namin kanina. Medyo dumistansya sila mula sa sasakyan pero pinilit ko pa rin na mabasa ang mga sinasabi nila dahil tinted naman ang kotse kaya hindi nila ako makikitang nakikiusyoso sa usapan.




"Supremo. Nadispatiya na namin sila."

"All of them?"

"Yes, as you've ordered."



"Good. But see to it that no one from that bastard's men should really make it out alive from here. Find them all if you need to. And after that, destroy the evidence." Kahit may kalayuan ang pagitan ng sasakyan na kinapapalooban ko mula sa kanila, hindi pa rin nakaligtas sa paningin ko ang seryoso at nanlilisik na mga mata ni Argo. "Huwag kayong magkakamaling pumalya, dahil baka kayo mismo ang unahin kong ipasok sa kabaong at ibaon sa kailaliman ng lupa."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 13, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Psyche And The Alphabet BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon