A

46 6 11
                                    

month of January, year 2022

~*~

Agad akong napabalikwas ng bangon nang makarinig ako ng isang malakas na kalabog.

Halos mahilo ako nang mabilisan kong iminulat ang aking mga mata, ngunit wala akong makita dahil napakadilim ng paningin ko. Tatayo na sana ako nang mapagtanto ko na nakagapos palang pareho ang aking mga kamay at paa. Maging ang aking mga mata at bibig ay natatakpan ng makapal na tela kaya bukod sa hindi ako makakita ay hindi rin ako makasigaw.

"Czarina!"


T-teka, asan ako? Jusko, wala akong makitang kahit na ano.


Muli na namang umalingawngaw sa buong silid ang ingay ng pagkatok sa pintuan. Tila 'di mawaring pag-aalala mula sa tinig ng isang lalaki ang naririnig ko kasabay ang sunud-sunod na hampas at suntok.


"Naririnig mo ba ako? Nandito na ako! Ilalabas kita d'yan!"


Nagsimula akong gumapang gamit ang sarili kong katawan papunta sa pinagmumulan ng malakas na ingay. Magaspang ang sahig at mukhang napaliligiran ang daan ng pinagpatong na mga sako. Nang makalapit na ako sa pinto, mas lalo nang naging malinaw sa akin ang nangyayari sa labas. Puro boses ng mga nagsisigawang kalalakihan. Pamilyar na ako sa klase ng ingay kapag may rambulan ng mga tambay at siga sa probinsya namin kaya tiyak akong nakikipagbasag-ulo ang mga ito sa isa't isa.


Ilang saglit pa bago natahimik ang lahat. Wala na akong narinig na kahit na ano kaya biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko.


'Di kaya patay na sila?

Laking gulat ko nang biglang bumukas ang pinto dulot ng isang malakas na puwersa.


"Czarina!"


At sa isang iglap, naramdaman ko nalang ang sarili kong niyayakap ng isang binatilyo matapos niyang mabilis na alisin ang mahigpit na pagkakatali ng lubid sa aking mga kamay at paa. Pagkatapos nito ay agad niya nang tinanggal ang makapal na tela sa aking bibig at maingat na inalis naman ang piring sa aking mga mata.

"S-sino ka?"

"Czarina, ako 'to..."


Otomatiko akong napapikit ng mariin dahil sa silaw buhat ng liwanag.  Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko para makapag-adjust ang paningin kong matagal ding natakpan ng tela, subalit gano'n nalang ang paglaki ng mga ito nang masilayan ang lalaki. Litaw na litaw sa itsura nito ang angking kakisigan. Inilapit niya ako sa kaniya at ikinulong sa matigas niyang mga bisig.


"Huwag ka nang mag-alala, everything's fine. You're safe now. Para sa'kin, 'yon ang pinaka-mahalaga." Litanya habang nakatitig sa mga mata ko at muli na naman akong hinagkan.


Namutawi sa mga mata ko ang konpyusiyon. Kumawala ako sa pagkakayakap niya.


"S-salamat sa pagligtas mo sa'kin...pero, bakit mo 'ko tinatawag na 'Czarina'? H-hindi 'yon ang pangalan ko."


Napatigil naman siya saglit sa sinabi ko.


"Mahal, nagpapatawa ka ba? Dala ba 'yan ng 'trauma' mo?" May halong pag-aalala niyang tanong. Idinaan niya nalang ito sa pabirong pagtawa pero kaagad din itong naglaho. "Pasensya na at natagalan ako, sinigurado ko pa kasing burado na sa mundo ang pagmumukha ng tarantadong 'yon eh." Galit ang tono ng pananalita niya.


"H-huwag mong sabihing pumatay ka para lang sa'kin..." Kinakabahan kong wika.


"I would gladly do anything for you, my love. But don't worry, I didn't kill him. I just made his life a living hell. Isang malaking pagkakamali na dinakip at inilayo ka niya sa'kin."


Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti naman at hindi siya pumatay ng tao subalit hindi ko pa rin naiwasang maligaw sa usapan. Hindi ko talaga maintindihan. Ano bang sinasabi niya? Sinong dumakip sa'kin?


"Czarina..."


At bakit ba tawag siya ng tawag sa'kin ng 'Czarina'??


Hindi nga ako si Czarina!


Mukhang napansin yata niyang naguguluhan pa rin ako sa pinagsasabi niya kaya't lumambot ang ekspresiyon niya.


"Look at me." Pagkuha niya ng atensiyon kaya agad akong napatingin sa kaniya. Marahan niya akong hinawakan sa pisngi. "Ikaw si Czarina Torrefiel, anak ng isang maimpluwensiyang business tycoon at ang nagmamay-ari ng puso ng isang supremo, ang lider ng pinakamakapangyarihang mafia, sampung taon na ang nakalilipas."


Napanganga ako sa sinabi niya. Ilang beses pa akong napakurap habang unti-unting nagsisink-in ang mga impormasyong ipinaliwanag niya.


Anak ako ng isang maimpluwensiyang business tycoon?! Nahihibang na ba siya? Paano ako magiging anak ng gano'ng klaseng tao, eh ang huli kong natatandaan lugmok ang pamilya ko sa kahirapan? At ano, ako raw ang nagmamay-ari ng puso niya at isa siyang mafia boss?!


Saang lupalop ng langit na ba ako napadpad?


"A-at ikaw si—"



"Argo Romualdez...ang lalaking mapapangasawa mo."

Psyche And The Alphabet BoysTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon