PAG-IBIG

9 0 0
                                    

Pag-ibig

Pag-ibig, simpleng salita pero pinapangarap ng lahat,kung ako ang tatanungin kung ano ang pag-ibig .

Ito ay ang kapahingahan, ito ay isang lugar na kung saan, makakaramdam ka ng pahinga.

Sa mundong pono ng problema, galit,hinanakit, gulo ,away,patayan at problema ang pag-ibig ang siyang magbibigay sayo ng pahinga .

Mapapagod kaman, masasaktan kaman sa paligid mo at magkaroon ng problema pero kapag may pag-ibig sa puso mo ,maglalaho ang lahat ng negatibong nararamdaman mo at mapapalitan ito ng kapayapaan.

Alam kong pagod kana, alam kong galit na galit kana sa buhay mo alam kong marami kang problema at gusto mo nalang lumisan .

Pero dapat mong maramdaman ang pag-ibig sa puso mo, sa pamilya, kaibigan, mga taong nakapaligid sayo at lalong-lalo na sa sarili mo.

Pangako,kapag naramdaman mong may pag-ibig ka, magiging mapayapa ang buhay mo, magkakaroon ka ng kontento sa buhay mo.

At masasabi mong sa wakas may lugar naakong masasabi kong payapa, ang lugar kung saan magiging kapahingahan ko.


VNESTT

Spoken Poetry/PoemWhere stories live. Discover now