Chapter 1

4 0 0
                                    


Seigh Antione Idacer

WHERE DO IT BEGAN

Yakap ko ang aking sarili habang nanginginig ang katawan sa lamig. Malakas ang buhos na ulan sumabay pa ang malamig na hampas ng hangin. Ayon sa balita ay may Low pressure na nabuo kaya't asahan talaga ang pag-ulan.

Napaatras ako ng biglang ma's lumakas pa ang hangin. Umiwas ako at ma's isiniksik ang aking sarili sa gilid ng malaking poste dito sa sakayan sa amin. Kinuha ko ang bag sa aking likuran at nilagay sa harap saka niyakap ito ng mahigpit.

Ilang minuto na rin akong nandito at naghihintay sa hahatid at susundo sa akin papunta sa aking bagong paaralan. Medyo tumila na ang ilan kaya't maraming nagsitakbuhang mga estudyante patungo rito sa pwesto ko.

Hinawakan ko ang aking tiyan ng kumalam ang aking sikmura. Nakalimutan ko pala mag-almusal dahil sa late na ako nagising. Hindi kasi tumunog ang aking mini-alarm clock dahil na rin sa kalumaan. Bibili na lang ako ng bago pag nakaluwag-luwag na ako.

Huminto ang isang bus sa aming harapan at nagsipasukan na ang ibang estudyante na kasama ko. Pumasok na rin ako at baka maubusan ako ng upuan. Agad kong nilibot ang aking paningin sa paligid ng bus at simpleng napangiti ng makakita ako ng bakanteng pwesto sa may likod malapit sa bintana.

Agad akong umupo at maliit na binuksan ang bintana upang lumanghap ng preskong hangin sa labas. Hindi ako sanay sa air conditioned na sasakyan. Nasusuka ako sa baho. Kaya kung maaari palagi akong nakapwesto sa may bintana.

Dumukot ako sa aking bulsa ng candy at isinubo sa aking bibig. Malakas pa din ang ulan kaya medyo mabagal ang takbo ng bus. Pinikit ko na lang ang aking mata hanggang sa hinila ako ng antok.

Nagising ako ng maramdaman kung tumigil ang bus. Nakarating na pala kami. Mabilis akong tumayo ngunit bigla ring natigilan ng may nahulog na jacket mula sa aking balikat. 

Sinong nagsuot sakin nito? tanong ko sa aking sarili. Ipinagkibit-balikat ko na lang at sinuot na lang din ang jacket. Mabango siya, in fairness. Nakaramdam ako ng ginhawa ng hindi na ako nilalamig.

Pano naman kaya ang may ari nito.

Napailing na lang ako at bumaba na.  Pumila ako ng makarating na sa gate at nilabas ang aking school ID ng nasa harap na ng guard.

"ID ma'am" wika ng guard.

Simple ko naman na inabot ang aking ID. I see how he swiped my ID on the scanner and after 3 seconds the device turns green indicating that I'm really an official student here.

Ibinalik nito ang aking ID at saka tipid akong nginitian.

"Welcome to Pilgrim International School. Enjoy your study." 

Tumango ako dito at nagpatuloy na sa paglalakad. Tumungo ako sa may school bulletin. Nagbabasakaling may school map dito. Sinuri ko ang bawat papel na nakapaskil sa pader at lihim na binabasa.

"What took you so long?" isang babaeng boses mula sa aking likuran ang aking narinig.

Lumingon ako dito at napaismid ng napagtanto kung sino ito ng humarap ako.

"Ang lakas ng ulan, Medyo basa rin ang damit ko," sabi ko.

Kahit naka-jacket ako, sobrang basa naman ng suot kong pantalon dahil sa pagtakbo ko kanina ng lumusong ako sa ulan. Medyo maputik ang daanan sa amin. Well, hindi naman pareha sa lungsod na highway dahil Nawalan ako ng inhibisyon sa sarili kanina at tanging nasa sarili ko lang ay ang bus. Tumingin ako sa aking sapatos na basa at puro putik.

Pursuing the Open CurtainsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon