A/N : Good evening! Dito muna, try ko mag update later sa story nila Seah at Xl.
Ahri's Pov
"Hoy gaga ang tagal mo naman, ang init kaya dito." bungad naman sa'kin ni Jesa ng makarating ako sa tapat ng Coffee shop na sinasabi ng pinsan n'ya.
Halatang init na init na si gaga, pero deserved sino bang tangang magbibilad dito sa initan? Pwede naman s'yang pumasok na lang sa loob at may-intay diba?
"Arte mo, kasalanan mo naman tara na dali." nauna na akong pumasok sa loob, bumungad naman sa'kin ang mabangong aroma ng kape.
May nakapaskil din sa tapat ng cashier na hiring sila, kulang sila sa employees.
Lumapit naman na kami doon sa cashier, sana naman matanggap kami.
"Hi Ma'am, what's your order po?" the cashier said while smiling.
"Hindi po kami bibili, nalaman kasi naming hiring kayo dito for employees. Gusto po sana naming mag-apply." nakangiti kong turan, bigla naman namula si ate at hindi na nakapag salita dahil nakatingin lang sa'kin.
Luh anyare?
"Teh matutunaw na kaibigan ko n'yan, keri paba today?" nahampas ko naman si Jesa dahil wala talagang preno bibig n'ya, kahit anong gusto n'yang sabihin nasasabi n'ya.
"Ahmm, s-sorry. Yes we're hiring. D-doon po sa pinto na yon, kumatok na lang kayo nandon yong manager namin para interviewhin kayo." utal nitong sagot at nahihiyang napaiwas ng tingin.
Mahina naman akong natawa, ang cute n'ya may dimples. "Thanks ate, ang cute mo." turan ko at kinindatan s'ya bago hilahin tong kaibigan ko sa tinuro nong cashier.
Sinenyasan ko namang tong kasama kong kumatok ng makarating kami sa pintuan na sinasabi nong ateng cashier dahil wala naman s'yang hiya kaya s'ya dapat ang kumatok.
Bumukas naman to bumungad sa'min ang magandang babae na nasa 40's ata pero parang bata tignan dahil ang kinis ng kutis tapos halatang maalaga sa katawan.
"Good morning, pretty ladies. What can I serve you?" bigla naman akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil akala ko mataray tong babae ang bait naman pala at ang lambing sa pandinig ang boses n'ya.
"We heard po na need n'yo ng employees, gusto po namin mag-apply." magalang kong sagot na ikinalawak ng ngiti n'ya.
"Yes, come in." she said and open door widely for us to enter.
Pumasok naman kaming dalawa, simple lang ang nasa loob. Parang mini office lang s'ya na may mesa, upuan at couch.
"Umupo kayo." saad n'ya kaya umupo naman kami.
"Dala n'yo ba yong NBI clearance and psa n'yo?" she asks which make us nodded in unison.
"Nice, I guess nag-aaral pa kayo? Need namin ng barista at cashier dito dahil ang daming costumer hindi kaya ng ilang nagtatrabaho dito kaya need namin ng kumuha ng bagong empleyado." litanya ni Ms. Manager.
"Yes po, kaya po namin maging cashier at may experience po kami sa pagiging barista. Kunin n'yo na po kami, hindi kayo mag-sisisi." sagot naman nitong katabi ko at nag puppy eyes pa ang gaga, siguro na feel n'yang komportable s'ya dito sa kausap namin kaya nilalabas n'ya kakapalan ng mukha n'ya.
Mahinhin namang tumawa si Ms. Manager."You're funny, yes tanggap kayo. Pakilapag na lang dito yong mga need namin pati na rin schedule ng pasok n'yo sa school para maibigay namin ang schedule n'yo dito." nakangiting saad ni Ms. Manager, wag na kayong magtaka kong bakit Ms. Manager tawag ko dahil hindi ko alam name n'ya.
![](https://img.wattpad.com/cover/312720230-288-k17708.jpg)
YOU ARE READING
Pleasing My Obsession ( ON HOLD )
Romance"When you come into my life don't expect that, you can still get out. You have taken my sanity, baby, and I will kill and sacrifice my life for you." -Samira Syndra Louvery