43

6.3K 332 1.3K
                                    

note: good evening! medyo early 'to ah HAHAHAHA maaga ko natapos e. maaga rin kasi ako nakastart. since ang coping mechanism ay mag write HAHAHAHA chz. anw, ito na, for da mixed emotions again tayo! have a great day and enjoy, readers!

Aika's POV

"Bakit ang tahimik mo?"

I suddenly asked Keith na tahimik lang habang nakaupo sa tabi ko. Kanina pa siya hindi nagsasalita.

Sobrang behave niya, which is very unusual for her.

"Ayaw mo sa maingay," sagot niya.

I tried stop myself from smiling.

She's sweet.

Sinasaway ko kasi siya kapag nang aasar doon sa apat at palagi siyang sumusunod. Akala siguro niya ay hindi na puwedeng mag salita dahil doon.

"Okay lang kung ikaw," I whispered.

"Ano?"

"Huh?" pagpapatay malisya ko. "May sinabi ba ako?"

"Meron!" aniya at humarap sa akin. "Ano 'yon?"

"I didn't say anything kaya,"

"You did!?"

"Sinisigawan mo ba ako?" biro ko at tinaasan siya ng kilay.

Keith giggled at umayos sa pagkakaupo. "Hindi naman, sorry nadala lang. Feel na feel ko e,"

"Ang alin?"

"'Yong sinabi mo,"

Napatingin ako sa kaniya saglit bago ibinalik ang tingin sa daan, ang lawak ng ngiti niya.

"Akala ko hindi mo narinig?"

Napakamot siya sa ulo niya at nahihiyang yumuko. "Narinig ko.. gusto ko lang marinig ulit nang mas malinaw galing sayo,"

"Why?"

"Eh? Wala 'yon, gusto ko lang,"

"Meron e, sige na, bakit?" pagpipilit ko. "Hindi ako mangaasar, promise!"

"Promise ba 'yan?"

I nodded. Kahit deep inside ay medyo natatawa na ako dahil alam ko na ang isasagot niya.

"Kinikilig ka,"

"Kinikilig ako,"

Oops, correct!

Gulat siyang napatingin sa akin, bigla niyang izinipper 'yong jacket niya at nagtago doon.

"What's happening to you?" I asked her habang tumatawa. "Para kang bata na nag tatago because may ghost!"

Tumigil ako saglit sa gilid at kinuha ang cellphone ko sa likod ng kotse.

"Bakit ka tumigil?" tanong niya.

"Picturean kita, dali! Pang bati kapag birthday," pagdadahilan ko.

Agad niya akong tinalikuran at isinuot 'yong hood ng jacket niya. "Ayoko! Hindi naman ako palapicture,"

"Ako naman mag pipicture sayo e, dali na!"

"Kahit laloves kita, ayoko talaga," patuloy na tanggi niya, pabulong 'yon pero narinig ko pa rin.

"Laloves mo naman pala, e. So, sige na," pagpilit ko. "Isa lang!"

"Narinig mo 'yon?" tanong niya. "Anyway, ayoko pa rin,"

I squinted my eyes at pinicturean siya kahit nakatalikod.

Nang tingnan ko 'yon sa gallery ko, I smiled.

Reaching the SkyWhere stories live. Discover now