Chapter 1

9 0 0
                                    

"H-HEY Gab.. s-stop! HAHAHAHA! A-ayoko na.. HAHAHAHAHA!"

Umaaligawgaw sa buong condo ang boses ng dalagang si Maria Celestine Sangalang na tinatawag nilang MC. Ang magkasintahan ay nagkikilitian, nagluluto ang dalaga nang kilitiin siya ni Tristan Gabriel Sanchez na tinatawag naman nilang Trist.

"Gab! Ayaw ko n-na HAHAHAHA! T-TAMA NA!" sigaw ng dalagang si MC.

Tumawa naman si Tristan, "Okay love, I'll stop."


'Hindi tuloy ako nakapag luto nang maayos, sunog hmp!' sa isip ni MC

"Hindi ako nakapag luto oh! Haay, ang kulit mo kasi, nakakagigil ka." at tumawa ang dalaga nang ngumuso ang kaniyang kasintahan nang kurutin nito ang pisngi ng binata.

'Cute hihi!'

Napangiti naman si Tristan nang mapatitig sa mukha ng dalaga. Ang ganda, sobrang ganda. Sa lahat ng magandang bagay na nakuha niya sa mundo, sa tanan ng buhay niya ay ito ang pinaka paborito niya.

'I'm so lucky to have this baby..'

Namula naman ang dalaga nang makitang nakatitig si Tristan sa kaniya habang nakangiti. Tumawa muli si Tristan nang mamula si MC, kahit kailan! Sobrang ganda talaga.

"Tama na nga yan, magluluto na ko."

Hinalikan naman ni Tristan ang kaniyang kasintahan, "I'll help baby, I love you."

Ngumiti naman si Maria Celestine, "I love you."

NAKANGITING gumising si Tristan nang maalala ang kagabi. They cuddle, the best thing he always dream of. Hanggang ngayon naaalala niya pa rin ang mukha ng dalaga nung pinasok niya ang kamay niya sa damit nito at gustong damahin ang init ng dalaga sa bandang tiyan nito. Haha! May respeto siya rito kaya't hindi niya gagalawin si MC. Nangako siya sa magulang nito.

Bumangon na siya at pumasok sa banyo, at nagluto pagkatapos.

"Baby, wake up.. May pasok pa tayo."

'Ang sarap kagatin ng babaeng 'to haha!'

Naalimpungatan si Maria Celestine ng maramdaman niyang may kumakalabit at tumatawag sa kaniya. Nang idilit niya ang mata niya, napangiti agad siya ng may isang gwapong nilalang ang bumungad sa kaniya.

'Why so pogi ^_^'

"Halika na, love. Kain na tayo, baka malate pa tayo." wew, husky!

NAGULAT si MC nang makitang nagluto nga ito.

'At kailan pa 'to natutong magluto'

"Wow, nagluluto ka na ah. Gandang improvements yan, love." Ngiti-ngiting saad ng dalaga.

Napangiti na rin si Tristan, "Syempre naman. Hindi kita niligawan para paghandugan ako habang buhay, Tine."

'Ang corny niya talaga. Pero wala e, kilig na ko.' isip ni MC

Masayang kumain ang magkasintahan at parehong naghanda sa pagpasok sa kanilang paaralan na pagmamay-ari ng pamilya ni Tristan. Kasalukuyang Grade 12 si Maria Celestine at Tristan Gabriel. Parehong HUMSS ang strand ng dalawa dahil Law ang it-take ni MC sa college habang Pol-Sci o Political Science naman si Trist dahil gusto nitong maging Politician someday.

Magkaiba pa sana ito ng section pero dahil si Tristan ang may-ari ng Chez National High School (CNHS) ay siya mismo ang lumipat mula sa HUMSS-1C papunta kay Maria Celestine na nasa HUMSS-1A.

PUMASOK ang adviser ng HUMSS-1A sa room nila na may kasamang babaeng mukhang kaedad nila. 'Nag transfer?' sa isip ng mga estudyante ng HUMSS-A1. Maikli ang buhok nito na may pagka-curve, may pagka-grey ang mata at may hindi kaputiang balat. Anghel, mukha siyang anghel.

Hindi mapigilan ng mga lalaki sa room na mapatitig at mapatulala sa babaeng transfer student. Sino bang hindi, may malalim itong mga mata, makapal na kilay at pilik mata, matangos na ilong, maliit na mapulang labi at hindi katangkarang babaeng ito. Kahit ang mga babae sa section nila ay hindi mapigilang mainggit. Halata ang hubog ng katawan nito sa uniform ng Chez High.

'Ang ganda niya naman, sana ako rin.' panguso na saisip ni MC

Napatingin ang dalaga sa kasintahan, nakatingin din ito at napatitig sa transfer student pero isinawalang bahala niya lang ito, bakit, ano bang masamang mapatitig sa babae e kahit siya napatulala sa mala anghel na mukha nito? Hindi manlang siya nakaramdam ng selos dahil kahit siya, napapatitig din sa ibang lalaki pero walang ibig sabihin. No hard feelings sa kanila yun.

'She's beautiful, yeah, she's stunning but my baby is more beautiful. She's just stunning but Tine is attractive and head turner.'

Nang mapansin ni Tristan na may pares ng mata na nakatitig sa kaniya ay agad siyang bumaling sa nasa katabi ng nasa harap niya, hm, his love is staring at him. Ngumiti si Tristan dito kaya napangiti na rin si MC.

"Class, we have a transfer student from Paris. Miss, introduce yourself."

Kaniya-kaniyang ayos naman ang mga estudyante sa buong silid dahil sa inaabangan ang pagbanggit ng pangalan ng anghel sa harapan nila.

"I'm Alyssa Elique A. Roila, 18 years old from Paris and I transfer here because me and my family will move here on the Philippines. I hope you'll accept me as one of HUMSS-1A." Nakangiting pakilala nito.

'Alyssa Roila' ang gandang pangalan. Kaniya-kaniyang ngiti ang mga estudyante sa klase. Pero may mga babae pa rin ang naiinis kay Alyssa dahil sa atensyon na nakuha nito na hindi nila kayang makuha. Pero mayroon ding naiinis dahil ang boyfriend ng kaibigan nila ay nakangiting nakatingin din sa babae. Sina Charina Caton at Rhianne Antonian na kaibigan ni Maria Celestine. Mas naiinis pa sila kaysa sa kaibigan na mismong gf ng lalaki.

'He's looking at her! Subukan ko kayang magreto kay MC-yaah sa mga lalaking nakilala ko sa bar kagabi. He's annoying super me ah, I badly want to untog this jerk man.' Charina though to herself then rolled her eyes.

'Sapakin ko kaya 'tong siraulong 'to nang maalog ang utak, para naman marealize niyang may girlfriend na siya.' Gigil naman na saisip ni Rhianne.

"So there's a lot of vacant chair, umupo ka nalang sa nakikita mong bakante." At ngumiti si Miss Fionnalyn kay Alyssa.

Ngumiti rin pabalik si Alyssa na tila nahihiya at nilibot ang paningin, dumapo ang tingin nito sa bakanteng upuan sa tabi ni Tristan at nakatitigan nito ang lalaki. Lumaki naman ang ngiti nito at makahulugang tinignan ang lalaki tsaka lumakad papunta rito.

'What was that?' MC thought.

××

VINEX.XN : The Unanticipated Cause

The Unanticipated CauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon