Chapter 2

8 0 0
                                    

"MR. LOVU pwede mo bang i-tour si Ms. Roila sa buong Chez High para naman hindi siya maligaw sa buong school?" Tawag ni Miss Fionnalyn sa Vice-president ng section HUMSS-1A.

"Sur–"

Naputol ang sasabihin sana ni Koxni Lovu nang magsalita si Alyssa. "Ehm.. Miss F-fionnalyn, pwede po b-bang si Gabriel n-nalang.. kung okay lang po kasi mas.. m-mas komportable ako sa kaniya p-po.." tila nahihiya ito sa sinasabi niya pero sa tingin ni Rhianne at Charina ay desperada lang itong makuha ang atensyon ng siraulong si Tristan.

Tumango naman si Miss Fionnalyn at tumingin kay Tristan at dahil lunch na naman nila ay diretso itong tumayo at lumabas habang kasunod si Alyssa. Hindi manlang nilingon si MC.


NAIIRITA naman si Rhianne sa ingay ni Charina. Nasa cafeteria sila kasama si MC. Kanina pa kasi bunganga nang bunganga si Charina tungkol kay Tristan. Sino ba kasing hindi maiinis kung yung sariling girlfriend ay hindi manlang nilingon nang lumabas kasama yung transfer student na Alyssa na yun.

"Eh kasi naman MC-yaah, nakakainis naman talaga kasi. You're the girlfriend here, MC-yaah, bakit hinayaan mo yun? Dapat hinila mo pabalik tapos you slap that Alyssa!" Gigil na saad ni Charina.

Pabiro namang tinulak ni Rhianne si Charina, "Aray, bakit ba Rhianne-yaah?!" Pairap naman itong tumingin dito.

"Nakakairita ka, manahimik ka nga. Yun lang naman ang ginawa, kalain mo gustong matapos yung tour na yan nang makabalik na siya kay MC."

Tumango-tango naman si Maria Celestine, "Oo nga naman, kumalma ka nga." Natatawang singit nito dahil sa kabaliwan ng mga kaibigan.

Kumunot naman agad ang noo ni Charina na halong magkaisa na ang mga kilay nila. "Aba?! Eh one hour and half na yan sila sa tour!"

Sasagot pa sana si Rhianne sa kaibigan nang may sumingit sa kanilang usapan.

"Excuse me, MC, nakita mo ba si Trist?" Tanong ng kababata ni Tristan na si James Portria.

Kumunot naman ang noo ng dalawang babae na nakikinig sa kanila.

"Hm? Hindi ko.. alam pero ang alam ko ay tinour niya yung transfer student sa section namin." Tango-tango pang sagot ni MC.

'Ang tanga nitong babaeng 'to' iling naman ni Rhianne.

'Ay, MC-yaah, you're so stupid naman! Kainis ka!' gigil na naman na saisip ni Charina. 'You're the girlfriend of that pangit! Then you don't know where he is na, and alam mo kung sino ang kasama ng boyfriend mong jerk! That not-so-pretty transfery kaya! Why don't you get it ba, stupid mo naman e..'

'Huh?' takang saisip naman ni James

Nang makita ni MC na tila nagtataka si James ay tinanong niya ito sa kung anong problema.

"As far as I know, Tristan calls you every 20 minutes to reassure you and ask you who you are with or where you are to check on you." Takang saad ni James.

'Huh? Oo nga 'no, hindi ko napansin yun ah. Siguro kasi alam kong.. busy siya??' saisip ni MC.

"Why? Didn't he call you before? I saw him with a girl with short hair inside the campus an hour ago, and I'm not familiar with that girl, so I know she's the transfer student they're talking about. But the fact that you don't know where he is in an hour and a half is unbelievable; are you both okay?" Tanong ni James

Habang nagtataka si James at kinakausap si MC ay may ibang pakiramdam na ang dalawa pang kasama ni MC sa table. 'There's something'

"Don't think about it, don't worry about it. I know Gab will explain everything later." Ngumiti si MC, pero kinakabahan na siya. What's with this feeling of her? She trust him, yea, just trust your boyfriend, Celestine. Everything's gonna be alright.

"Ohh.. 'kaay??" Nagtataka pa rin si James pero pinili nitong ngumiti nalang. "So, mauna na ko. Just call me if there's a problem, you too, babe." Then he wink to Charina before walk away.

"Yuck, James-yaah!" Kumalat ang pandidiri sa mukha ni Charina kaya natawa ang dalawang magkaibigan.

'Magiging maayos din lahat.' MC thought.


NASASAKTAN ngayon si MC dahil nang bumalik si Tristan at Alyssa ay pareho itong nakangiti at parehong may hawak na milktea. Nagtatawanan pa ito nang pumasok kahit parehong late ng 20 minutes. Hindi pa rin ito nilingon si MC ngunit nang matawag si Maria Celestine para sagutin ang isang tanong ng teacher nila tungkol sa Community Engagement, Solidarity and Citizenship ay tsaka lamang napatingin si Tristan kay MC, bakas ang gulat sa mukha nito ng lingunin siya ni Maria Celestine na walang emosyon ang mukha.

Kahit isipin pa na ni MC na wala lang yun ay nasasaktan pa rin siya nang maalalang "Gabriel" ang tawag ng babae sa boyfriend niya at "Eli" o "Aly" naman ang tawag ni Tristan dito.

Noong una silang magkita at magkasalamuha, hindi niya siya hinayaang tawagin na "Gabriel" pero nung naging sila ay tsaka lang niya ito tinawag na "Gab", nung una ay nagalit pa ito sa kaniya. Pero paano naman ang transfery na 'to, bakit okay lang kay Gab na tawagin siya sa second name niya?

Natapos ang klase na hindi umiimik si MC, Rhianne at Charina, hindi katulad dati na feel free silang mag-usap sa klase kahit patago at nililingon ni MC sa Tristan.

Naunang lumabas si MC at hindi na inintay si Tristan ngunit wala pa siya sa kalagitnaan ng hallway nang hablutin ni Trist ang siko niya. "Babe, wait for me. Sabay na tayo, magpapaalam lang ako kay Aly."

Babe? Bago yun ah. Tinatawag niya siyang Baby, Love o Mahal pero never niya siyang tinawag na Babe dahil yan ang dating tawag niya sa mga naging ka-fubu at ka-fling niya. Anong nangyari? Sa dalawang taon nilang magkarelasyon, ngayon lang siya dumulas. Nung andito na si Alyssa.

Nilingon lang ni Maria Celestine si Trist at tinignan ng makabuluhan kaya pilit na ngumiti at halatang hindi naging  komportable.

""M-magpapaalam lang ako kasi nakakabastos naman kung aalis nalang akon— tayong walang paalam, especially dala ko ang apilyido ng mga Sanchez na may-ari ng school. I just want some good feedbacks from transfer stud—"

'Defensive.'

Hindi na niya ito pinatapos at tinalikuran na. Akala niya ay susundan siya nito pero nagkamali siya, tumalikod ang lalaki para puntahan si Alyssa. At narinig niya pa ang sinabi niya sa babae, na talagang nagpadurog sa kaniya.

"Do you want me to take you home? Hindi pa naman ako uuwi, but if you want, come with us. I'm with Maria, one of our classmates."

Hindi pa siya uuwi? Really? Sila Charina at Rhianne nga, ayaw niya ipasabay sa kanila tuwing uwian o pagpasok dahil ang sabi niya, bonding nila yun. Maria? Love, you always call her "Tine" or "Celestine", what just happened? And one of your classmates? She's not just one of them, she's your girlfriend.

××

The picture is the high quality of book cover to impress you guys :P

Nawalan ng load yung wifi namin kahapon kaya dapat kahapon pa yung Chapter 1 pero kalahati palang yun at dahil walang load yung wifi, tinamad ako mag-sulat. But now, naka 2 chapters ako kasi naka hotspot ako sa cellphone ng mother ko. >.<

Gawa ako ng informations about 'The Unanticipated Cause' and some trivia kung saan ko nakuha at inspirations ko rito.

Expect typographical errors and grammatical errors, I'm not that good at english :P sana tama yung mga term na ginagamit ko sa mga POV ng boys dito ^_^

××

VINEX.XN : The Unanticipated Cause

The Unanticipated CauseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon