~•Chapter 8 : About Coleen•~

318 22 0
                                    

Coleen's POV :

Nasa room ako habang nilalagay sa closet yung mga damit ko.

Ang bilis naman nilang ilipat lahat ng mga gamit ko, parang gusto talaga nila akong umalis ng bahay. Nakakalungkot lang kasi hindi ko nadala yung picture namin ni lola.

Umupo ako sa kama at binuksan yung isang maleta at nakita ko ang picture naming dalawa ni lola.

I was surprised, siguro si ate Abby ang naglagay ng picture?

Then my phone suddenly rang and I immediately answer it, "Hello?" Tanong ko sa caller at nilagay ko yung picture namin ni lola sa ibabaw ng cabinet sa tabi ng kama ko.

"Coco, okay ka lang ba?" Si ate Abby lang pala yung tumawag sakin, "Oo naman ate.. Okay lang ako, nandito nga ako sa kwarto ko, naglalagay ng mga damit sa closet. Bakit?" I asked her.

"Wala naman. You know me, I was just worried na baka may nangyari." Sabi nya and I chuckles, "Ano ba akala mo sakin? Bata? Atsaka hindi ako ganun kahina, grabe ka naman!" Sabi ko sa kanya, and then I hear her sigh.

"I know.. Alam naman natin na madali kang magkasakit, atsaka di ko maiwasang mag-alala, ngayon na may asawa ka na." Sabi nya sakin and I show a frown expression.

"Alam ko... But we both know na forced marriage lang to." Sabi ko and wipe the tears na nahuhulog sa mga mata ko, "Coco... Basta kung di ka alagaan ni Gabb kung may sakit ka, tawagan mo ako." Sabi nya.

"Ate Abby, grabe na yang pag-aalala mo. Why not take a break? Di ka ba masaya na di mo na ako kailangan alagaan?" Tanong ko sa kanya, "Coleen, Kapatid kita. Hindi ako magiging masaya kung makita kang nahihirapan lalo na kung may sakit ka! Remember, since you were just a kid, Ako na nag-aalaga sayo?!" Sabi nya sakin and I just show a faint smile.

"Oo na... Ate Abby, sana i-take mo ngayon yung oportunidad na mabigyan mo din sarili mo ng time... Magbakasyon ka and then find someone." Sabi ko at di sya nakapagsalita in 6 seconds.

And then I hear her sigh again.

"Sige.. Bye Coleen, may aasikasuhin lang ako." Sabi nya and I nod multiple times, "Sige, ate." Sabi ko and hang up the call.

Kahit malayo na ako sa kanya, ako parin iniisip nya. Ang swerte ko talaga kasi sya ang kapatid ko.

Gabb's POV :

Nakarating ako ngayon sa office, hindi na ako nagsabi kay Coleen kasi ano naman paki nya?

My phone suddenly rang and I saw that it was an unknown caller.

I answer it and say, "Hello? Sino to?" I asked while cleaning my desk.

"Si Abby to Gabb... Abelaine Trinidad." Sabi nya and I was a bit surprised na tatawagan ako ni ate Abby. "Alam ko. Anong gusto mo?" Tanong ko sa kanya while showing a cold expression.

"Magkita tayo sa lobby." Sabi nya and suddenly hang up the phone.

Ano ba magagawa ko? Eh di pumunta sa lobby.

I take the elevator and thank god kasi di ko nakita si Ken and Josh ngayon dito sa office.

Bumukas yung elevator at agad naman akong sumakay, I waited until the elevator open.

Paglabas ko ay nakita ko kaagad si ate Abby na nakaupo sa isang chair at mukhang hinihintay nya nga ako. I approach and say, "Ano kailangan mo?" I asked and she look at me with a serious expression.

"About Coleen."

Mukhang alam ko na kung ano ang magiging conversation naming dalawa, I sit in the opposite chair and face her with a faint smile.

"So ano tungkol kay Coleen?" I asked and she sigh deeply in front of me.

"I'll straight to the point... Kapag sinaktan mo si Coleen, ako makakalaban mo." Straight to the point nga sya, I chuckles and look at her, "Talaga? Do you think masama akong tao? At ano naman ang magiging rason ko para saktan ang kapatid mo?" I asked and she shook her head.

"Alam naman natin na hindi mo sya mahal... Malay ko ba kung may tinatagong kulay ka! Atsaka yun ang mga nangyayari mostly sa mga force marriage." Sabi nya sakin and I can see that she's distress and worrying are mixed in her emotions.

"I know you're worried to your little sister pero sobra na ang panonood mo ng mga Korean drama at Chinese drama kaya nagiging paranoid ka."

"Hindi sa nagiging paranoid ako Gabb! Si Coleen ay mahina! Madali syang magkasakit at marami na ang pinagdaanan nya."

I smile widely after hearing that, and show a sudden disbelief, "Asawa ko ang kapatid mo kaya responsibilidad ko sya." She shook her head and say, "Pero hindi mo sya mahal..!"

"I know... Hindi naman porket na kaaway ko sya since childhood ay pababayaan ko na sya, it doesn't work like that... And stop thinking na abusive akong tao, kasi kahit kailan, hindi ako nanakit ng walang dahilan." Sabi ko and stopping my anger kasi masyado na syang nakaka-offend.

"Sige... Panghahawakan ko yang salita mo." Sabi nya and walk away in front of me.

Ganun na lang yun? After she offend me hindi man lang sya hihingi ng tawad. Pero forget it, sister-in-law ko sya kaya I let it slide.

Pero mahina nga ba talaga si Coleen? Kasi kung wala syang sakit, hindi mag-aalala ng ganun ang kapatid nya.

Hindi ako babalaan ng kapatid nya.

And bakit naman nya iisipin na abusive ako?

Nakakagulo naman to!

---

Chapter 8 ends.

Sorry na talaga sa mahinang update.

Chasing My Wife | Unicoco Fan FictionWhere stories live. Discover now