Trigger Warning, Suicide Scene
Isang linggo na ang lumipas nung huling pag-uusap namin ni kuya Harvey.
Nakikita kong kahit papaano sinusubukan nyang bumawi sa anak nya. kahit pinapakita nyang unti-unti na syang nagiging ok ulit. may pagkakataon na nakikita ko parin sya gabi-gabi na umiinom at umiiyak. hanggang ngayon di parin nya matanggap na iniwan at pinagpalit na sya ng asawa nya sa iba.
Ewan ko ba kay kuya Harvey bakit iniiyakan nya pa yung cheater nyang asawa! hindi deserve ng mga cheater na iyakan sila! dapat sa kanila binabaon na lang sa lupa, ay este! sa limot pala!
Hay! naku, tama na nga ang badvibes!
dapat goodvibes lang ako. lalo na ngayon nakuha ko na yung visa ko kahapon! 2 weeks na lang flight ko na papunta sa korea.Naeexcite ako na, Nalulungkot kasi maiiwan ko yung pamilya ko dito.
Laban lang Madison Hera Perez!
Kaya mo yan!Excited na ako ipaalam sa pamilya ko itong good news na to! tulog na kasi sila kagabi nung dumating ako kaya di ko na nasabi sa kanila.
Bumangon ako agad at bumaba para sabihin ang balita.
Naabutan ko sila Mama , Stella , Shawn at Hiro sa dining.
"Goodmorning!" masigla kong bati sa kanila.
"Goodmorning anak, mukhang masaya ka ha?" balik na bati sa akin ni mama.
"May Good news ako sainyo," nakangiti kong sabi. "Asan pala si kuya Harvey bakit wala sya dito?" I asked.
Tinignan ko sila isa-isa nung walang sumagot sa akin.
"Kasi ate kagabi pa hindi lumalabas si kuya Harvey sa kwarto namin. dun na nga ako sa sofa natulog kasi nilock nya yung pinto." paliwanag ni shawn.
Kaya pala naabutan ko sya kagabi sa sala. akala ko nakatulog lang sya sa sofa at di na nakalipat sa kwarto.
"Baka naman may ginagawa lang kaya ayaw magpa-istorbo kagabi. sige na gisingin mo na si kuya Harvey para sabay-sabay tayo mag-almusal." pag-uutos ko kay Shawn.
Agad na tumayo si Shawn at nagmamadaling nagtungo sa kwarto nila ni kuya Harvey.
ilang minuto na ang lumilipas di parin bumabalik si Shawn.
"Napakatagal naman ni Shawn, puyat na naman siguro si kuya Harvey kaya mahi-----
Naputol ang sasabihin ko ng marinig namin sumigaw si Shawn.
"A-ateeeeee! Ma-maaaa!
Tulongggggg!" umiiyak na sigaw ni Shawn.Bigla akong kinabahan sa sigaw ni Shawn.
"Anong nangyayari dun?!" nag-aalalang tanong ni mama.
Nagmamadali akong tumayo at mabilis na nagtungo sa kwarto nila Shawn.
Naabutan ko syang nakaluhod at umiiyak habang tulalang nakatingin sa loob ng kwarto nila.
Nilapitan ko kaagad si Shawn.
"Hoy! Bakit ka sumisigaw?!" May halong pag-aalala kong tanong.
"A-ate" umiiyak na tinuro nya ang loob ng kwarto nila.
Parang gumuho ang mundo ko ng makita ko kung ano ang nasa loob ng kwarto.
I thought he's ok now,
but...
I saw my brother, he was lying on his bed... lifeless. The bottle of sleeping pills was scattered on the floor.
Nagmamadali akong lumapit sa walang buhay na katawan ni kuya Harvey.
YOU ARE READING
Hanggang Kailan?
RandomMadison Hera Perez is a family oriented person. she will do everything for her family. she's lucky in her family, but unlucky when it comes to love Will she ever find a man who will truly love her? or she will be hurt again? Hanggang kailan niya ka...