Chapter 7

80 6 0
                                    

I spent my whole week with my family.

Kumain kami sa labas, namasyal at bumili ng ilang gamit na kakailanganin ko.

Even if it's hard, we tried to be happy.

We have to accept, that we will never be with my brother again.

This is it! bukas na ang flight ko.

Habang nag-aayos ako ng ilang gamit ko, naramdaman ko ang paglapit ni Hiro sa'kin.

Tinigil ko ang pag-aayos ko at hinarap ko sya.

"Tata?" Kita sa mukha niya ang kalungkutan.

"Yes baby? do you need anything?" I asked.

"Please... don't leave me. don't work far away, promise tata hindi na ako magpapabili ng mga new toys. I will be a good boy, please tata don't leave." naluluhang pakiusap niya.

My heart hurts when I see the sadness on his face.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinaupo ko sya sa kama ko. dahan-dahan kong hinaplos ang mukha niya.

"Listen to me baby, I need to do this ok?
para rin sainyo to. kaya ako aalis para mabigay ko lahat ng mga pangangailangan niyo. promise when I have enough savings, I will come back here and I will never leave you again ok?
so don't be sad na baby." pagpapaliwanag ko sa kanya.

Tuluyan ng pumatak ang mga luha nya.
umiiyak na yumakap sya sa bewang ko at doon sinubsob ang mukha nya.

"No tata! please don't leave!"

Patuloy parin sya sa pag-iyak, kaya hinaplos-haplos ko ang likuran nya.

"Nandito pa naman sila Mamu mo, si tata Stella at toto Shawn. di ka nila iiwan at hindi ka nila papabayaan baby. don't cry na baby" hinalikan ko ang ulo nya at pinunasan ko ang mga luha sa mukha nya.

"I love you baby, wag ka na malungkot.
mahal na mahal ka ni tata ok? "

Tumango sya sa'kin at ngumiti.

"I love you too tata, I will miss you so much. " naglalambing na saad nya.

Maswerte kami kay Hiro dahil matalinong bata, masayahin, sobrang bibo at sobrang mapagmahal.

Kaya sobrang mahal namin si Hiro lalo na ako, sobrang mahal na mahal ko ang pamangkin ko. isa siya sa dahilan kung bakit ako patuloy na lumalaban.

Kinabukasan maaga akong nagising, ngayon na ang flight ko.

11 am pa naman so may oras pa ako para mag-ayos.

Chineck ko ang lahat ng mga papeles na kailangan ko siniguro ko na wala akong makakalimutan.

Hindi na ako magpapahatid kanila mama, alam kong iiyak lang ako sa airport at mas mahihirapan akong umalis kung nandoon sila.

"Anak ayaw mo ba talagang magpahatid sa amin?" ani mama.

"Oo nga ate! ayaw mo ba ihatid ka namin sa airport?" pangungulit ni Shawn.

Nakangiti akong umiling,

"Wag na! kaya ko na to. basta po ma, alagaan mo ang sarili mo ha? wag masyadong magpakapagod baka magkasakit ka. Stella, tulungan mo si mama sa mga gawain at mag-aral mabuti ha, wag muna magboyfriend!
ikaw naman Shawn, ikaw ang lalaki dyan kaya bantayan mo sila. wag pasaway, mag-aral ng mabuti wag puro basketball. alagaan nyo si Hiro wag nyo papabayaan." mahabang bilin ko.

Yumuko ako para pantayan si Hiro.

"Be a good boy baby." at niyakap ko sya ng mahigpit.

Tumayo ako ng maayos at niyakap sila isa-isa. di ko na napigilan ang mga luha ko.

Hanggang Kailan?Where stories live. Discover now