Chapter 5

12.3K 385 32
                                    

Natapos ang maghapon na puro trabaho lang kami ni boss. Napakarami kasing pinapirma rito at pinapacheck ng iba ibang department dahil nalaman na aabsent nga kami bukas.





Tahimik akong nag inat bago tumingin sa orasan. I sigh, maaga aga pa. Maghihintay pa muna sya ng kalahating oras bago umuwi. Traffic pa at mahirap sumakay sa mga oras na ito. Rush hour, uwian ng mga estudyante, mga manggawa o mga employees. Inabala na lamang nya ang pag aayos ng gamit at bahagyang sumandal sa upuan para magpalipas ng oras.





Pipikit pa lang sya nang maramdaman na parang may nakatitig sa kanya at hindi nga sya nagkamali dahil titig na titig ang boss nya sa kanya habang pinapaikot nito sa mga daliri ang hawak na sign pen. Napalunok sya nang parang wala sa sarili ito na napakagat labi at huminga ng malalim habang nakatitig parin sa kanya.






Gosh. Ito na ba iyon? Yung pinagpapantasyahan na rin sya ng boss nya? Oh, my! Mammeh!





Hindi nya inalis ang tingin dito at maya maya pa ay huminga ito ng malalim at nag ayos na rin ng gamit.





Mukang may problema lang yata si boss kaya napatitig sakin. O baka natulala lang talaga. Muka itong problemado na ewan sa ikinikilos kasi nito ngayon. Nang mapansin nya ito ay naglalakad na ito palapit sa kanya kaya nagtaka ulit sya. Usually, her boss will just walk away kapag pauwi na ito pero ngayon ay pupuntahan pa sya. Nang makalapit na ito sa table nya ay nagsalita na ito.





"Let's go. Sumabay ka na sakin."






Iiling palang ay tinignan na sya nito ng matalim kaya walang nagawa na sumunod na lang sya dito. Nakakahiya man dito ay wala parin naman syang magagawa kung ipipilit lang din nito iyon. Maganda rin siguro ito lalo na at makakasama nya ito ng malapit ulit at tipid na rin sa pamasahe and less hassle sa pag commute.





Sabay na kaming sumakay sa kotse nya nang makarating kami sa parking lot. Nagseatbelt na rin agad ako dahil tumalim ang titig nya sa seatbelt sa gawi ko. Galit yata sa lahat ng bagay si madam.





"You can invite your friends tomorrow."





Napakamot ako sa batok sa sinabi nya. Ang friends ko lang kasi ay si Eli, ang HR ng company saka si James na baklita at si Zaddy, nakakahiya pa naman ang patay gutom na iyon pero baka sya na lang ang aayain ko dahil kasama naman na si Eli at si James naman, ang alam ko ay may raket iyon bukas, ilang linggo na kasi nyang kinukwento tuwing nakakasabay ko ito sa paglalakad na may raket sya at bukas nga iyon.





"Si Zaddy na lang po siguro, sa katabing condo lang po natin sya nakatira."





Tumango ito at may pinindot sa cellphone kaya nag ring ito at ni-loud speaker pa nya. Maya maya pa ay sumagot na ang tinawagan nya.





"Yes, Ava?"





Tanong ng nasa kabilang linya. Ang lamyos ng boses nito. Akala mo nang aakit! Nakaka intriga, ang lamig ng boses na para talagang nang aakit lang.





"Can you go tomorrow in my unit? Sayo ko ipapasabay ang friend ni Madison, if it's okay with you?"





Nanlaki ang mga mata ko at kokontra na sana nang tignan na naman ako nito ng masama. Parang sinasabi pa na wag na ako kumontra, pero kasi nakakahiya naman sa kaibigan ni boss. Taklesa na nga iyong kasama ko ay mukang magiging pabigat pa. The woman from the other line laugh.





"Sino ba iyong friend ng baby mo?"





Bigla namang namula ang pisngi ni boss at napasulyap pa sakin. Maging ako ay walang masabi dahil sa tanong ng kaibigan nito. Baby?! Ako?! My gosh, pwede na akong mahimatay. Tumikhim ang boss ko at umiwas ng tingin sakin. Crush yata ako ni boss, oh my!





Her PrurienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon