Tahimik na ang paligid at tanging huni na lamang ng mga insekto at ibang mga hayop ang maririnig. Malayo layo na rin ang kanyang puwesto mula sa kanilang tahanan at napupuno ng tunog na kaluskos ang bawat dinaraanan ng kanyang mga paa. Mabibigat ang mga hakbang habang dinarama ang malamig na hangin na hatid ng gabi. She's only wearing her satin nighties and a robe that was open. Kaunti na lang ang kaniyang lalakarin upang marating ang patutumguhan na lugar.
The river.
Malapit ito sa cabin na pamana sa kanya ng kaniyang mga magulang. They lived here until they decided to go back to the city to handle the company and finish their studies. Paminsan minsan na lamang sila umuuwi rito, para na magbakasyon at kapag gusto nilang mag unwind at malayo muna pansamantala sa magulong buhay sa syudad.
Ilang hakbang pa ang kaniyang tinahak at kahit na walang suot na sapin sa paa ay hindi niya na ininda pa kung ano man ang naaapakan. The scent of the forest wafts through her nose, the moss, leaves, the sweet smelling wild berries and fruits, the dirt.. She finds it calming. Ngayon lamang niya na-appreciate ang ganitong klaseng amoy kahit na napakatagal nilang tumira dito. Everything in here feels comforting, like a hug into her being.
Huminto siya matapos marinig ang pamilyar na pag agos ng tubig mula sa ilog na nasa kaniyang harapan. Tila malalakas na alon ang munting pag agos ng tubig dahil sa pagsabay nito sa may kalakasang hangin na tumatangay sa bawat patak ng tubig na mula rito. Napapikit siya nang muling humampas ang mabining hangin sa kaniyang balat at kasabay noon ang isang tinig na napakalamyos.
Hindi na niya kailangan pang buksan ang mga mata para matukoy kung saan galing ang napakagandang boses na iyon dahil alam niya.. Alam niya kung saan ito lagi nakapuwesto at kumakanta sa saliw ng isang instrumento. Her land is a private property and no one dares to enter it because of the tall walls and electrical fence on top of it. Her parents made them build the walls to protect the animals and the nature inside of it, not just for their safety.
Muling dinala ng hangin ang nakakahalinang boses na iyon patungo sa kaniyang kinaroroonan at sa pagkakataong iyon ay binuksan niya ang mga mata. It was the same voice she heard from her childhood. The very same voice that coaxes her to sleep and makes her worries go away even for the meantime. The voice of a woman that sings her lullaby when she was nothing but a child. She knew she met the lady before but the only memories left in her mind is her beautiful voice.
Kababalik lamang niya sa lugar na ito pagkatapos ng ilang taon. At walang pag aatubili na muli niyang inabangan ang boses ng misteryosang babae mula sa kanyang pagkabata. She once told her sister about it but she ignored it and got scared of returning to this property, but when she told the story to her parents, they just smiled and told them the stories of the women who once loved and loved in this property. There are magical things happening here.
Kaya naman nang magretiro ang mga ito sa trabaho ay sa kaniya bumagsak ang lupain na ito. It was supposedly for her younger sibling but she doesn't want to go back here anymore. Inaalagaan niya ang lugar kahit na nasa syudad pa ang kaniyang buhay lalo na at kabilin bilinan ng kaniyang mga magulang na panatilihin ang kasaganahan at lagandahan ng mahiwagang lugar na ito. Her parents decided to buy an ahricultural land and developed it into a hacienda. That's where they stay right now.
Muling lumakas ang dalang boses ng hangin kaya napatingin siya sa hindi kalayuan. Napangiti siya nang maaninag ang puting kasuotan nito na akala mo ay damit ng greek goddess, may nakatali na kulay berdeng sash sa bewang nito at parang ginawa itong belt para pahigpitan ang bandang bewang ng kasuotang nito. May mga ligaw na bulaklak na nakasabit sa light blonde nitong buhok nakabagsak.
BINABASA MO ANG
Her Prurience
General Fiction[ENGLISH/FILIPINO] Warning! My story may have strong and foul words. If you don't like this kind of story, please don't read it. Errors ahead. HER SERIES I I'm wondering how she can always take my breath away just by a simple glance. Her sleek blue...