Chapter 20

9.7K 256 6
                                    

Tulala. Buong duration ng kasal nila ay nakatulala sya. Nagagawa lang nya magsalita kapag turn na nya ng pagsabi ng 'I do' at ng vow nya para dito na hindi naman nya napaghandaan. Napangiwi pa sya nang makita na dumalo talaga ang pamilya nito sa paspasan nilang kasal. Tuwang tuwa pa ang mga ito nang makita at todo papuri na napakaganda daw nya and so on.









Her gaze landed on Zaddy and Eli or Addy, iyon na daw ang itawag ko sa kanya para pare parehas kaming 'D' ang dulo ng nickname. Namula sya nang mapagtanto na pareho nga silang tatlo na puro may 'D' ang napangasawa. Jusme. Mas napangiwi sya nang suminga ng malakas si Zaddiel kaya natahimik ang mga bisita lalo na ang pamilya ni Ava, sabay sabay ang mga ito na lumingon sa pwesto ng mga kaibigan nya at ang loka loka ay nagpeace sign lang sabay pasok ng panyo na pinagsingahan sa front pocket ng suot ni Taz na suit. Maging ito ay napangiwi sa ginawa ng asawa pero walang magawa dahil sinamaan na ito ng tingin ng asawa.









May pumatong na kamay sa ibabaw ng kanyang kamay at palihim syang napakagat labi nang mapagtanto na kamay ito ng asawa nya.










Asawa.. Yes, they are married now. Dapat itanim na nya sa utak nya iyon. Kalat na rin sa kompanya ang pagpapakasal nila ngayon dahil ini-announce ito ng Boss nya na asawa na nya ngayon bago sila umalis para tumungo sa lugar na nirentahan para sa kasal nila ngayon.










"Are you okay, baby?"










Malambing na bulong nito sa bandang tenga nya and she can't help but shiver when her hot breath touched her sensitive ears. Napakasensitibo talaga nito na konting galaw lang ay kiliti na agad sya.









She look at her wife and gently tap her hand while nodding. Talagang hindi parin sya nakakahuma sa biglaang kasal nila ni Ava. Napakabilis ng pagyayari at akala nya ay may pipirmahan lang sila at ipaasa na ng abogado ang marriage contract para maging legal pero heto at nakapaghanda pa jto ng hindi man engrande pero bongga parin. May mga inimbita pa na bisita na mga kakilala nila at ang iba ay business partners.









"I want to go home now."









She didn't mean to make it as if she's demanding pero iyon ang kusang lumabas sa kanyang bibig. Kumunot ang noo ni Ava pero hindi na ito nagsalita at ikinumpas ang kamay para tawagin ang coordinator para sabihin na uuwi na sila para makapagpahinga. Lumapit din ito sa mga magulang ni Ava saka bumulong then tumingin sa kanila at naglakad papunta sa pwesto nilang mag asawa.









"We'll go home now, ma."









Ava told her mother which is Elise Sullivan. Nakangiti ito at tumango saka nagpaalam na kakausapin muna ang asawa nya bago sila umalis kaya naiwan syang kasama ang isa pa nitong ina. Yes, Ava have to two mothers. Kanina ay naguluhan pa sya then they told her that mama Elise is an intersex. Dito namana ng asawa nya ang panusok na ilang beses sumaksak sa kaloob looban nya.








"So tell me, hija. May laman na ba?"









Nakangiting tanong sa kanya ng mommy nila. Hindi nya alam kung ano ang tinutukoy nito kaya kumunot ang noo nya kaya natawa ito at bigla na lang syang niyakap at pinisil ang pisngi nya. Medyo nasakyltan pa sya dahil hanep pumisil ang nanay ng asawa nya. Akala mo gigil na gigil.









"What I mean is, are you pregnant?"








She coughed. Nasamid sya sa sarili nyang laway. Nakakabigla naman kasi ang tanong nito at kahit naman totoong buntis na sya ay nakakagulat parin. Binigyan sya ni mommy Ave ng tubig. She drink it almost instantly na parang uhaw na uhaw sya. Gosh, para syang hino-hotseat ng mother in law nya. Nang guminhawa na ang pakiramdam nya ay nagkakamot ng leeg na tumingin sya rito at dahan dahang tumango kaya mas lumawak ang ngiti ng ginang.









"She doesn't know it yet, ma'am."









Ngumuso ang ginang at niyakap ulit sya pagkatapos ay nakauunawang tumango. Natatawa na nga lang sya sa inaakto nito. Para kasing teenager pa ito gumalaw at magreact. Although Ava's mothers looked young na parang magkakaedad lang ang mga ito at ang anak nila ay talagang para paring bata ang mga ito kumilos. Mas matured pa nga yata ang anak ng mga ito kesa sa kanila.








"Kapag may ginawa si Ava na kalokohan ay isusumbong mo sakin ha? Kukurutin ko talaga sa itlog iyon."








Jusko dai. Masakit yon.










Gusto pa naman nya sanang magsumbong sa ginang na pinalo sya ng belt sa pang upo nya ng anak nila pero saka na lang kapag ginalit sya nito. Masakit makurot doon.









Nagkwentuhan sila ng mommy Ave nya dahil hindi parin bumabalik ang asawa nya at nalaman nga ng ginang na tinakwil sya ng parents nya sa hindi malamang dahilan. Nagalit pa ito pero sinabi naman na nyang ayos na sya ngayon. Niyakap tuloy ulit sya nito ng mahigpit na parang pinaparamdam ang yakap ng isang ina. Nagbilin pa ito at sinabing magbonding sila next time na sya namang ikinatuwa nya. They talk for another thirty minutes then she saw her wife and mama Elise walk side by side.









Her wife's not showing any emotions while her mother is all smiles. Napakagaan ng aura nito at kumakaway pa at tumatango sa mga bisita. When they reach them ay maingat syang inalalayan patayo ng asawa nya.










"I'm taking her home, mommies."










Both of her parents nodded. Yumakap ito sa kanila at humalik sa pisngi. They bid their goodbyes to their visitors most especially their friends. Sige na naman sa pag iyak si Zaddiel na akala mo ay parang hindi naman ikinasal. They gave their gifts and congratulate them again. Kung kanina ay puro pagtutol si Taz sa kasal nila ay ngayon naman ito pa ang nagpupush sa kanila na maghoneymoon na.









They don't know.. nauna na ang honeymoon kanina.







***
Short update.

Her PrurienceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon