SAT 2

41 6 0
                                    

JIA'S POV

Inilibot ko ang paningin sa paligid nang makababa ako ng eroplano. It has been a while, Philippines. Lagpas isang dekada rin akong hindi nakatungtong sa bansang 'to.

Pumasok na ako sa airport at hinintay na makuha ang mga bagahe ko. Matapos ang mahaba-habang proseso ng pagcheck sa mga gamit ko at maging sa aking sarili, nakalabas na ako ng airport. Nagpalinga-linga ako sa paligid, umaasang may makikitang kakilala. Pero sino ba naman ang makakakilala sa 'kin dito? Tanging sila lang naman ang naging kasama ko noon.

Napapikit ako nang magsimulang mabuhay sa 'kin ang inis. Bakit ba kasi ako pumayag na bumalik pa rito? I am already living a peaceful life back in Japan pero bakit nandito ulit ako? Kainis.

"Nalipat si Anton sa branch sa Pilipinas. We need to go with him." Kuya Anton, Ate Nikkie's husband is a manager of a shoe shop. Ang brand ng sapatos na ito ay mayroon na ring iba pang branch sa iba't ibang bansa sa Asia, including the Philippines.

"Do I also need to go?"

"Syempre. Hindi pwedeng iwan kita rito sa Japan ng mag-isa."

"Pero Ate Nikkie, alam mo naman ang sitwasyon ko 'di ba?"

"Jia, walang magagawa ang pagtatago mo rito habang-buhay. We need to face our problem. By the way, bukas din ay aalis na. Susunod na lang kami sa 'yo roon."

I sighed when I remembered what Ate Nikkie told me.

Kaya mo 'to, Jia!

I fished my phone from my pocket and scroll on the contact list. Napatigil ako nang makita ang number ng isang tao. Ngayon ko lang narealize na hindi ko pala nadelete yung mga number nila.

I had no other choice but to send a message to the number. Tahimik akong nagdadasal na sana ay hindi pa siya nagpalit ng number. But a part of me is also hoping na nagpalit na siya. Hindi ko kasi alam kung paano ko siya haharapin if ever na magkita kami.

Halos mapatalon ako sa gulat nang tumunog ang cellphone ko, hudyat na may nagtext. Kinakabahan kong binuksan ito at nakitang mula sa number na 'yon ang reply. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko nang mabasa ang reply niya.

From: Aya

Is this really you, Jia? OMG! Wait for me there. I'll pick you up.

Sumilay ang ngiti sa labi ko nang mabasa ito. Nakakatawa man pero naririnig ko ang boses niya habang sinasabi ito. I surely missed this girl so much.

Muli kong ibinalik sa bulsa ang cellphone ko at hinintay na dumating si Aya. Mayamaya pa ay may tumigil na itim na sasakyan sa tapat ko. Napahigpit ang hawak ko sa maleta nang bumaba roon ang isang babaeng may kahabaan ang buhok. When her eyes landed on me, I saw the tears fall that made me teary eyed.

"Jia!" Kaagad niya akong niyakap nang tuluyan siyang makalapit sa akin.

"I missed you!" humihikbing aniya. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak din.

"I missed you too, Aya." Humiwalay na kami sa yakapan at nakangiting tiningnan ang isa't isa.

She's Aliyah Verrano, but we usually call her Aya kasi iyon ang palayaw niya. She was my closest friend. Hindi ko nga lang alam kung hanggang ngayon ay kaibigan pa rin ako sa kanya matapos ang ginawa kong pag-alis 13 years ago. But for me, she will always be my closest friend.

"I'm so happy na bumalik ka." Tanging ngiti lang ang naibigay ko sa kanya. Nandito na kami ngayon sa kotse at kasalukuyang binabaybay ang kalsada.

Sa Ating Tagpuan || ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon