SAT 13

23 3 0
                                    

JAXEN'S POV

Nang matapos ang program, nagsimula na ang party. Everyone are already in the party mode. Drinking liquor and having fun with the loud music on. Lahat nagsasaya, maliban sa isang taong tahimik na nakaupo sa kanyang pwesto.

I stared at her. Sa sobrang lalim siguro ng iniisip niya, hindi na niya maramdaman na may nakatingin sa kanya. After what happened earlier, she became so quiet. Magsasalita lang kapag may itinatanong sa kanya. Hindi ko tuloy maiwasang isipin na baka nagalit siya.

Nabaling ang tingin ko sa katabi ko nang maramdaman ang mahina niyang pagsiko sa 'kin.

"Approached her, Jax. Walang mapapala 'yang patingin-tingin mo sa kanya." Maggie stated. "Kanina pa 'yan tahimik kaya kausapin mo."

"Paano kung galit siya?" nag-aalangan na tanong ko.

"Lapitan mo nga kasi para malaman mo." She rolled her eyes.

Tama naman siya e. Hindi masasagot ang mga tanong ko kapag hindi ako nagtanong.

Bumuntonghininga ako bago tumayo. Napatingin sa 'kin si Maggie.

"Pupuntahan mo na siya?"

"CR muna ako." sabi ko at naglakad na paalis.

Walang ibang tao sa CR nang pumasok ako. Hindi rin ako nagtagal sa cubicle at lumabas na tiyaka naghugas ng kamay. I stared at my reflection in the mirror. I smiled, trying to encourage myself to bravely face everything. Lahat naman kasi nakakaya kong harapin pero kapag involve na si Leigh Jia, parang naduduwag akong magdesisyon. When she's involve, I need to think a multiple times before making a decision. Hindi pwedeng padalos-dalos.

After several minutes of staying in the restroom, lumabas na ako at bumalik sa table namin. Nandoon na sina Andrei nang makabalik ako. Nasa dancefloor kasi sila kanina kasama sina Dennisse at Mike. Isa-isa ko silang tiningnan. Napansin kong bakante na ang upuan ni Leigh. Nilibot ko ng tingin ang lugar pero hindi ko siya makita.

"Maggie, where is Leigh Jia?" tanong ko sa kanya. Pansin kong medyo tipsy na siya.

"She was just here beside me kanina then nagpaalam siya saglit. Until now, hindi pa rin siya bumabalik." sagot niya. Nakita ko ang cellphone ko na nakapatong sa mesa kaya kinuha ko ito at inilagay sa bulsa.

"Nawala nga si Jia. Saan nagpunta 'yon?" tanong din ni Skie.

"Maybe she went outside. Nagpapahangin." sabi ni Aya.

"Excuse me." Iniwan ko na sila doon at lumabas na ng hall.

Nang makalabas ako, tanging tunog na lang ng mga insekto at paghampas ng alon ang maririnig sa paligid. Kabaliktaran sa ingay na umaalingawngaw sa loob ang katahimikan na mayroon sa labas.

Nagpatuloy ako sa paglalakad, umaasang matagpuan siya. Saan ba siya nagpunta? Hindi man lang siya nagpaalam kahit sa mga kasama namin.

Napahinto ako sa paglalakad nang umabot na ako sa beach. I somehow felt relieved when I saw a woman sitting on the sand. Hinubad ko ang coat na suot ko at naglakad palapit sa kanya. Malamig ang simoy ng hangin at sa suot niya ngayon, alam kong nilalamig na siya.

I gently placed my coat on her shoulder. Nag-angat siya ng tingin sa 'kin kaya nginitian ko siya. She smiled in return, a forced smile. Hindi umabot ang ngiting 'yon sa kanyang mga mata. Is something bothering her?

"Thanks." mahina niyang usal. Muli niyang ibinalik sa karagatan ang kanyang paningin.

Umupo ako sa tabi niya at sinamahan siyang pagmasdan ang kagandahan ng karagatan.

Sa Ating Tagpuan || ONGOINGTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon