SWTT 17

115 4 3
                                    

Been busy these past few days and now here's an update! :D Naka 3k+ words ako dito ha, sana makabawi <3

x

The One

"So ayun na nga! Marufok ka." Tili ni bakla habang nilalantakan ang cake na kinakain nya.

Kinuwento ko kasi sakanya ang nangyari nung inalagaan ko si Pierce sa unit nya.

"Pero in fairness bakla, hindi masarap ang cake nila. Mas masarap pa rin yung satin, dibuh?!" Irap nito habang parang nawalan na sya ng ganang kainin ito.

Tumingin muna ako sa paligid bago nagsalita. "Bakla ka! Tumahimik ka nga. Mamaya marinig ka nung may-ari e."

Nag lunch kasi kami sa labas. Since hindi naman ako masasamahan ni Pierre dahil may lunch meeting sila ng isa sa mga investors nila.

My phone vibrated in the table kaya naman tiningnan ko ito.

[1 New Message]

From: Pierce

Thank you for this delicious lunch, baby.

"Sinetch yang nag-text ha? Bat anlaki ng ngiti?" Halos mapa-talon naman ako sa gulat nang marinig ang pang aalaska ni bakla.

"W-wala. Si Pierre lang."

"Wews? Sakin ka pa mag sisinungaling ha! Lemme guess, si fafa Engineer yan noh?" Hula nito habang sinusuri ako ng tingin na parang binabasa ang nasa isipan ko.

"Hindi ng--" before I can finish what I'm about to say. He snatch my phone away from me habang binasa ang message.

Maya maya lang ay nagtitili na ito na parang ewan. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga nasa kalapit na table.

Para namang wala itong pake sa paligid dahil tuloy tuloy pa rin ito. Napailing na lang ako at napaiwas ng tingin.

Hindi ko ho kasama yan!

Jusko ang baklang 'to! Kahit kelan talaga.

"Omg! Delicious daw ang food mo bakla! Kaloka ka. So para sakanya pala yung food na ni-prepare mo kanina?" Tanong nya habang inaabot na sakin ang phone ko.

I sighed as I put the phone down in the table. "Actually.. para kay Pierre talaga yon but he's out for lunch naman so naisip ko kay Pierce na lang ibigay. Para na rin hindi na ako mag-punta sa office nya." Pinadala ko na lang kay Henry yung lunch para hindi na ako mag punta don. Sinabihan ko na din naman sya kanina.

Tumango tango naman si bakla sa sinagot ko.

"Ay ganern? Okirot."

Muling nag vibrate ang phone ko kaya naman pa-simple ko itong binuksan.

[1 New Message]

From: Pierce

But it would've been such a wonderful lunch if you're here with me.

Hindi ko na lang sya nireplyan at mas piniling itago na ang phone sa loob ng bag ko.

Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam nang kung ano sa kaibuturan ko.

Damn you, Pierce Tristan!

Agad kong pinilig ang ulo ko.

Wag mong isipin yon, Julia! Wala lang yon.

Tumayo na ako at masayang hinila si bakla paalis ng restaurant na kinainan namin ng lunch dito sa mall.

Nagpapasalamat rin ako at hindi na sya nakealam sa huling text na natanggap ko dahil busy na ito kakatingin sa paligid. Tila ba nang bo-boy hunt na naman.

Stuck With The Twins [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon