Chapter 6

6 1 0
                                    

Maganda ang gising ko ngayon

Hindi mawala wala ang ngiti ko

Kahit sila Lola Cords ay nagtataka

Bago ako umuwi noong araw na yun ay pinicturan ko silang dalawa

Nagbilin ako sa stuff mukhang kilala naman na nila si Lance

Maaga palang ay nasa school na ako
Dahil wala akong magawa naglibot muna ako sa school

Lumawak ang ngiti ko ng makita ko si Darwin

Agad ko siyang nilapitan

"Hi Darwin"

"What?" Nagtatakang tanong niya

"Nothing"

"Then why are you smiling"

"I'm just happy" sumama ang tingin niya saakin

Ng makita ko si Lance ay agad akong nagpaalam para umalis

Ayaw ko muna makausap si Lance baka sumakit lang ang ulo ko sa kakatanong niya

Pagpasok ko sa room ay agad kong nakita si Diana

She happily wave at me I wake back at her

"Hi Lyn how was your weekend " tanong Diana pagkaupo ko sa tabi niya

"Ayos naman, ikaw?"

"I date my younger brother which is he really hate but it was fun" napangiti ako sa sinabi niya

Close siguro talaga sila ng kapatid niya
Napalingon ako sa mga classmate ko
Lahat sila busy mag usap pero halata sa mga mukha ng babae ang saya

"Anong meron?" Tanong ko kay Diana napansin niya ata ang pagtingin ko sa iba

"Well malapit na ang anniversary ng university at every year may program excited siguro sila kung anong competition ngayon"

"Ano ba last year?"

"Last year? Hmm battle of the band by section ang laban pang 3rd nga lang kami ie" Kita sa mukha niya pag kadismaya

"Excuse me " Isang lalaking nakasalamin ang nagpatahimik sa aming lahat

"School President" bulong ni Diana sa akin kaya tumongo ako bilang sagot

Matangkad at maputi may salamin din sayang suot tulad ni Darwin

Pero iba ang aura ng lalaking ito parang bang lahat ng sasabihin niya ay dapat mong sundin

Kinikilabutan ako siya yung tipong hindi mo papangaraping makabangga

"I'm her to announce that this coming anniversary of our university we will having Mr and Ms LaCon and booths this is by section by tomorrow the class president  will send me the representative of Mr and Ms LaCon and the booths No Classes today until next 3 weeks 2 weeks for the preparation and one week for the program that's all thanks for listening have a good day"

Tahimik lang namin siyang pinakingan at tinignan palabas

Ng masigurado nilang wala na ang President ay nagingay na sila

Ang class president naman ay pumunta na sa harap para ilead ang dapat pagplanuhan

"Guys sa representative muna tayo unahin natin ang Mr LaCon just raise your kung sinong may suggest"

Agad na may nag taas ng kamay

"Si Mark"

"Luh gagi wag ako" sabat agad ni Mark

Nasitawanan naman ang mga tropa ni Mark

Nagulat nalang ako ng magtaas ng kamay si Diana

"Si Lance" agad naman napalingon sa amin si Lance

"Bat mo naman ako dinamay Diana" Sabi ni Lance at napakamot sa batok

"Pwede naman si Lance gwapo naman eh"  Sabi ni Biancqe

Naghiyawan ang iba naming classmate inaasar nila si Biancqe na may gusto daw kay Lance

"Wala na bang ibang mag sa-suggest sure si Lance?" Tanong ni Pres

"Wala ka atang tiwala sa akin si Pres"

"Sure na Pres walang makakatalo kay Lance" sabi ni Mark

"Naninigurado lang naman malay ninyo ikatalo pa natin" muling naghiyawan sa classroom sa sinabi ni Pres

"Ok tama na next sa Ms LaCon naman"

"Si Biancqe Pres " agad na sabi ni Mark

Agad akong na patingin may Biancqe maputi at matangkad pero hindi siya bagay sa pageants

"Si Diana nalang Pres" sabat ni Lance na nag pa 'awww' sa mga classmate namin

"Pambawi lang kay Diana" dugtong ni Lance sa sinabi niya

"Diana ok lang ba sayo" tanong ni Pres Kay Diana

"Nope I can't besides di ako bagay sa ganyan lalo pa't si Lance ang partner ang layo ng height namin" sagot ni Diana

Tama nga naman siya

Hanggang balikat ko lang si Diana samantalang ako hanggang tenga ni Lance

"How about si Lyn nalang she's pretty and tall naman"

Ang kaninang tahimik kong isip ay biglang nagulo sa sinabi ni Diana

Ng tignan ko siya ay nginitian niya lamang ako

"Lyn?"

"Yeah Mocha Able Lyn" agad naman silang napatingin saakin

Hindi ko alam kung yuyuko ba ako or ngingitian ko sila and the end naka poker face lang akong nakatingin sa harap

"Pwede na gusto kong partner si Mal" napapikit ako sa sinabi ni Lance

Dumagdag pa siya

"Ayiiee ikaw Lance ha transferee pala ang yong nais" nag hiyawan naman ang iba

"Ok for Me LaCon ay si Lance and for Ms LaCon naman ay si Mocha " agad akong napatingin kay Pres

Bakit ganun? Si Diana tinanong kung ok lang sa kanya bakit saakin Hindi nagtanong

"Teka" Di ko na natapos ang sasabihin ko ng biglang may nagsalita

"Go Mocha ako na bahala sa gagamitin mo"Sabi ni Diana

"Yun oh may sponsor na "

"Ok next sa booth anong naiisip ninyo?"

"Horror booth"

"Panget naman nun

"Marriage booth?

"Gusto nyo lang mag pakasal sa crush nyo ie"

"Jail booth"

"Confession booth"

"Ok enough Horror booth, Marriage Booth, Jail booth, Confession booth let's vote nalang" 

Hindi parin nagpoproseso sa utak ang nangyari pero
Nagsimula na silang mag botuhan ang Horror booth ang pinaka mababang boto

Sunod ang Marriage Booth ayaw daw kasi boys dahil corny daw

Sa huli ang Confession Booth ang nakakuha ng mataas na vote

Siguradong maghihirap ako sa loob ng  tatlong linggo

VegaSemira

Blackmailing the Billionaire's Grandson (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon