Chapter 3

99 57 0
                                    

"We would like to invite you all to watch our movie entitled 'You're Still The One'. Showing na po 'yan this coming May 27 in all cinemas nationwide," Nakangiting ani ko sa harap ng camera.



Inimbitahan at ininterview kaming dalawa ni Miguel sa isang sikat na talk show rito sa bansa, para na rin i-promote ang movie naming dalawa.



Hindi ko alam pero parang itinugma talaga yung title ng movie sa sitwasyon ko ngayon. You're Still The One.



Yes, you're still the one, Ethan. I admitted that. But I guess, you have your 'the one' now.



After the interview and chitchats with the talk show's host, umalis na rin kami kaagad. Ngunit habang naglalakad kami sa hallway palabas ng building, dinig na namin ang mga tilian ng mga supporters sa labas.



Pagkalabas namin, dinumog nila kami. Pati na rin ng media. Ngunit may mga guards naman na humaharang sa kanila.



Sinisigaw nila ang binuo nilang loveteam name namin na 'MiDia' from our names- Miguel and Nadia. Cringe.



Ngumingiti nalang akong napapatingin sa kanila habang kumakaway pa. Ngunit nagulat ako nang biglang hatakin ng isang fan sa gilid ang kamay ko. Agad siyang sinaway ng guard.



Nakita ni Miguel ang nangyari kaya dumikit pa siya lalo sa akin at inilagay niya pa ang kamay niya sa baywang ko. Hindi ako komportable dahil hindi naman siya madalas ganiyan tuwing magkasama kami. Kaya kahit naiilang, hinayaan ko nalang.



"Miguel! Nadia! Kayo na ba!?" Kinikilig na tanong ng isang fan, may hawak pa siyang tarpaulin na may mukha namin ni Guel at may nakasulat na 'Solid MiDia Forever'.



Nagkatitigan kami ni Miguel dahil sa gulat at sabay ring napaiwas ng tingin. Inakala nilang may ibang meaning 'yon kaya kinantyawan na naman nila kami.



"Aruyyy! Aamin na yan! Aamin na 'yan!" Sabay-sabay nilang isinigaw nang paulit-ulit.



"Kapag talaga naging kayo, magjo-jowa na 'ko!" Sigaw pa ng isang fan.



"Papa Migs! Kung 'di ka magiging akin, ayos lang. Basta kay Ms. Nadia lang kita ipapaubaya!" Sigaw ng isang tingin ko'y die hard fan ni Miguel. Tinawanan lang siya ni Miguel saka siya nagthumbs-up sa babae at kinindatan ito. Nangisay tuloy yung babae dahil sa kilig.



Hindi na rin kami gaanong nagtagal at pumasok na sa van na maghahatid sa amin pauwi.



Nakatingin lang ako sa bintana habang umaandar ang sasakyan. Animo'y nag-iisip nang malalim.



Mabuti pa 'yung bagong girlfriend niya, nakasama na 'yung buong family niya. Pagkatapos kaya nu'ng break-up namin, nakahanap na siya kaagad ng iba?



Inaalok niya rin kaya ito ngayon ng kasal? O baka engaged na sila? O 'di kaya naman ay kasal na talaga sila?



Kasi kung hanggang ngayon at kami pa rin, tapos inalok niya 'ko, siyempre hindi ako magdadalawang-isip na umoo sa kaniya.



Kaso wala, e. Kasalanan ko rin naman.



Muling namuo ang luha sa mata ko. Nakita ko sa gilid ng mata ko na nakatingin sa akin si Miguel ngunit hindi ko nalang pinansin.



Bakit ba kasi nagpakita ka pa, Ethan? Maayos naman ako nu'ng wala ka. Sinusubukan ko nang makapagmove-on sa 'yo tapos bigla ka nalang magpapakita.



"Is everything okay?" Nag-aalalang tanong ni Miguel, napatingin ako sa kaniya.



Hinawakan niya ang kamay kong nakababa sa backseat na nasa gitna naming dalawa. "Why are you crying?"



Umiling-iling lang ako. Inalis ko ang kamay kong hinawakan niya at bahagyang pinunasan ang mata ko. Nakita kong lumapit si Miguel sa akin, nakaupo na siya ngayon sa seat na nasa gitna naming dalawa kanina.



"You can tell me your problems, I will listen," mahinahong sabi niya, pinilig niya ang ulo ko sa balikat niya. Inakbayan niya 'ko at hinimas ang braso ko.



Miguel is a good friend. Hindi ko lang siya masyadong gusto dahil alam kong hindi kaibigan ang turing niya sa 'kin.



Hanggang sa makarating kami sa building ng condo ko ay tahimik lang ako. Bumeso muna sa akin si Miguel bago ako bumaba ng van.



Pagpasok ko sa loob ng building, dumapo agad ang mga tingin ng mga tao sa akin, hindi naman na bago. Nginitian ko lang sila at saka naglakad papunta sa elevator.



Napahinto ako nang makarinig ng tawa, napalingon ako sa pinanggalingan nito at nakita ko siya sa harap ng counter ng lobby. May kasama siyang babae, 'yung girlfriend niya siguro.



"Give me that, Paul!" Mahinang tumawa ang babae, pilit niyang kinukuha kay Ethan ang hawak nito.



Paul, huh.



Bahagyang tumagilid si Ethan para iiwas ang hawak niya, sa direksiyon ko na siya nakaharap ngayon.



Nawala ang ngiti niya nang mapatingin siya sa 'kin. Huminto sa pag-agaw ang babae at napalingon sa pwesto ko. Kaagad akong tumalikod at mabilis na naglakad papuntang elevator.

State Of The Present Where stories live. Discover now